webnovel

Prologue

KADILIMAN ang buong nakikita ng aking mga mata. Hindi ko alam kung anong lugar at kung saan nakatayo ang aking mga paa. Takot at kilabot ang nararamdaman ng sarili ko. Hindi ko mawari kung bakit paulit-ulit ang panaginip na ito.

Bakit ganito palagi ang nangyayari at hindi matapos tapos ang takot at pangamba ng aking sarili.

"Si~sino ka?" mula sa bibig ko na puno ng takot at kilabot.

"Hahahahaha!!"

Ang tawang naririnig ko sa malalim na boses at hindi ko alam kung saan ba ito nagmumula.

Hindi ko makita kung anong klaseng nilalang ang nasa paligid ko. hindi ako makagalaw mula sa aking pagkakatayo, at parang ayaw humakbang ng aking mga paa dahil sa labis na takot.

"Ako ang kadiliman na tatapos sa mundo!"

sabi ng malalim na boses.

Bigla nalang ako nakaramdam ng kaluskos mula sa likod at dahan dahan ko itong nilingon, para makita kung ano ito. Pero sa hindi ko inaasahan sa aking nakita. isang nakakatakot at malaking uri ng nilalang na hindi ko alam kung anong klase ang nakatayo sa likuran ko.

At biglang!!!!!

This is work of fiction. Names, Characters, Places, and Events are fictitious.

JvAcreators' thoughts
Next chapter