64 Patch

By bamnieellandmic

Nagsimula tayo noong nagtanong ako sa 'yo tungkol sa istorya

Na istorya na pilit kong pinapakita sa mga tao

Na bagay sa akin ang maging isa akong magaling na manunulat.

Nungit hindi ko akalain na makikilala ang isang kaibigan na katulad mo.

Isang kaibigan na pareho sa akin

Parehong pangarap na gustong ipakita ang isang talento sa mga tao

Halos araw-araw tayo na magkakwentuhan

Tayong dalawa na 'di na natin namalayan ang oras.

Halos alam mo sekreto ko na hindi ko masabi sa mahal kong asawa.

Lahat ng problema ko may payo ka na parang alam mo kung ano ang tunay na takbo ng buhay.

Bukod sa asawa at anak ko ikaw lang nasasabihan ko ng mga problema sa buhay ko.

Kahit anong oras na kailangan ko ng kausap

Lagi kang nadiyan para sa akin.

At pangako 'yun na pagkakaibigan natin

Na hanggang sa pagtanda natin.

Patch ang call sign natin bilang magkaibigan tayong dalawa.

Isa dalawa tatlo

Dahil sinulat ang tula para magpasalamat sa'yo.

Patch, salamat kasi tinanggap mo 'ko bilang best friend kahit ako'y may kapansanan.

Patch, salamat kasi nandiyan ka sa lungkot ko at saya.

Patch salamat talaga kasi kahit malayo tayo

Turing mo sa akin, isang tunay kaibigan.

Kaya patch kahit ano man mangyari sa atin

Pagkakaibigan nating dalawa

Ay walang hanggan.

avataravatar
Next chapter