By Bamnieellandmic
Lumalakad-lakad na palayo na hindi ko alam kung saan papatungo
Lumalakad-lakad na palayo bakit mahigpit saakin ang mundong kinagagalawan ko
Lumalakad-lakad na palayo ito ba kahulugan ng buhày na puro paghihirap at pasakit
Natanong ko palagi sa aking sarili na habang buhày ba ako na may puno't puno ng pasubok
Noong bagong silang pa lamang ako ay parang may balak akong patayin ng aking madrastang ina
Tila ba ako'y may kàsalanan kung bakit sila nagkahiwalay ng aking ama
Ngunit hinayaan ko lang yun total naman tanggap ako ng sa una pamilya ng akin ina
Akala ko magiging masàya na ako ngunit, ang inaakala ko maging masàya ay napalitan ng lungkot
Hindi ko akalain na magagawa nila akong ipaampon sa sarili kong mga kàpatid sa mga madre na pinaka masakit parang sarili kong kadugo pinagtatabuyan ako
Halos ilang taon din na nakalipas ang pangungulila at sakit tiniis ko
Pero ayoko na dito na parang hindi na ako makahinga at gusto ko hanapin ang saril ko
Oo, alàm ko delikado lumabas at makipagsapalaran sa kalye
Lumakad at nagtitiis sa gutom, hindi ko akalain ganito ang buhày ng batang pulubi
Ngunit makalipas ng anim na buwan muli ako bumalik sa mga madre at inamin na mali ako , akala ko kàsi kaya ko na
Pero sa pagbalik ko, hindi ko inaasahan na makità ko muli ang sarili kong ina ay galit na galit sa mga kàpatid ko dahil ginawa nila saakin
Parang bigla kong naramdaman ang aking ina na labis ng nagaalala
Simulà nung ako ay inalagaan ,pinaaral at pinalaki na wala na ako hingi pa
Pero akala ko yun na katapusan ng sakit at pagdurusa ko
Minsan nga feeling ko mas mahal ng akin ina yun mga kàpatid ko kaysa sàakin
Pero di na bale naramdaman ko naman ang pamamahal ng aking ama
Isang ama na laging masahan ko sa tuwing pakiramdam ko na wala na akong kakampi
Naalala ko rin simula grade one haggang grade eight laging ako nasa sulok at walang imik at lagi akong binubully at sinasaktan ng mga klase ko
Kahit mahal kong ina nasabihan na ako bobo na wala daw akong mararating
Naranasan ko din, kung paàno mag magmahal pero hindi ko akalain sobrang sakit at lagi nalang nila akong iniiwan
Ngunit isang araw may nakilala akong isang lalake na parang bigla nagbago ang làhat
At siya ang parang kapalit sa làhat ng paghihirap ko
Kaya ngayon alam ko na, oo dito sa mundo na puno't puno ng pasubok, pero ang mahalaga marunong tayo lumaban sa buhay dahil sa huli ay may magandang pagaasa.