63 Bhestie

Bhestie

by Bamniellandmic

Bhestie kamusta?

Naaalala mo ba noong una tayong magkakilala?

Naaalala mo ba kung ano ang dahilan kung bakit tayo nag-away?

Na parang walang nangyari sa ating dalawa.

Haggang sa nagkwentuhan tayo

Haggang sa naging close na tayo

Haggang sa naging matalik na magkaibigan

At hindi ko inaakala hanggang ngayon

Matalik na magkaibigan pa rin tayo

Halos lahat mga kaibigan ko iniwanan ako

Halos lahat mga kaibigan ko itinaboy ako

Halos paulit-ulit lang panghuhusga nila sa akin

Pero ikaw hindi mo ko iwanan kahit sa hirap man at saya

Kahit may kapansanan ako

Kahit gaano ako kabaliw

Kahit gaano katigas ng ulo ko

Nadiyan ka parin handang umaalay sa akin.

Ito na ang pagkakataon para mapasalamatan kita

Ito na pagkakataon para sabihin sa 'yo

Ito na pagkakataon para maappreciate ko 'yung pakakaibigan natin

Basta bhestie ikaw ang isa na importante sa buhay ko

Salamat bhestie kahit hindi lagi tayong nag-uusap

Maaasahan pa rin kita

Salamat bhestie kahit ano ang desisyon ko

Lagi kang naka suporta sa akin

Salamat bhestie sa mga kalokohan nating dalawa

At ang pangako na ang pagkakaibigan natin

Ay magtatagal sa hanggang pagtanda natin Bhestie.

avataravatar
Next chapter