1 Panimula

PANIMULA

AIDAN

"Good bye, Sir Cabrejas."

Ngumiti ako sa aking mga estudyante at lumabas na. Pagkalabas pa lamang ng pintuan ay rinig ko na ang mga kwentuhan nila na animo'y hindi nagkita ng ilang linggo ngunit isang oras lang namang nanahimik dahil hindi pwedeng mag daldalan sa klase ko.

Tuwang tuwa ako nang makita ang oras mula sa relo. Last subject na para sa ngayong araw at wala naman nang ibang gagawin kaya naman ay diretso ako sa gate ng school.

Pagkalabas ay kotse agad ng aking kaibigan ang tumambad. Nakahilig siya sa kotse at nakangiti sa akin. Ang mga ngiting nagpahulog sa akin. Agad akong ngumiti pabalik.

"Good afternoon, Sir." ani lucas, ang aking besfriend.

"You're too formal, Lucas" sagot ko naman at nginisian siya.

He shrugged his shoulders. "I wanna hang out with my bestfriend. Can we go to a cafe?"

Tumango naman ako. "Nice idea, huh."

Pumasok ako sa kanyang kotse at pumasok na rin siya sa driver's seat.

Nitong nga nakaraang araw ay hindi kami nakakapag-kita dahil busy siya sa kanyang bagong negosyo. Noon pa man ay palagi na kaming magkasama ni Lucas dahil nakasanayan na rin. Madalas kaming lumabas at kumain sa kung saan dahil bonding na rin namin 'yon.

Sarado ang tainga ko sa lahat ng maari nilang sabihin kapag nakikita kami ni Lucas na mag kasama. Wala pa mang naririnig na kung ano, panigurado ay mayroon 'yan.

Ang isang kamay ni Lucas ay nasa manibela at ang isa nama'y naka-hawak sa kambyo.

Mula rito sa aking pwesto ay naka-side view siya kaya naman ay tanaw na tanaw ko ang magandang hugis ng kanyang panga. Matangos din ang kanyang ilong at parang pambabae ang pilikmata niya dahil sa haba. Kita ko rin ang mapula niyang labi, ni hindi man lang dry.

Agad akong umiling sa naisip at bahagya pang tinampal ang aking pisngi. Nakita ko naman ang pag ngisi ni Lucas at bumaling sa akin.

"Wanna taste my lips, Sir?" aniya't ngumisi pa lalo.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"I'm just thinking, nothing else, Lucas." palusot ko at ibinaling sa harap ang paningin.

I heard him chuckled.

"Looks like you wanna kiss me, e." pang-aasar pa niya lalo.

"Alam mo, Lucas, masyado ka ng hibang. Bakit naman ako magkakaroon ng interes na tikman 'yang labi mo? Anong tingin mo sa 'kin, bakla?" tuloy tuloy ang pagkakasabi ko.

Hindi ko man dapat ipahalata na kinakabahan ako ay iba pa rin ang naipapakita ko kaya naman ay nag change topic na ako.

"Ao na nga pala balita sa bago mong negosyo? Ayos ba?" tanong ko sa kanya, nagbabakasakaling mabaling sa iba ang atensyon niya.

"Defensive masyado, Sir. Tapos change topic ka pa." Ngumisi pa siya nang nakakaloko.

"Lucas."mariin kong sabi sakanya at pinanlakihan pa ng mata.

"Bakit? Ayaw mo ba talaga?" tanong niya at hinawakan pa ang labi gamit ang hinlalaki, tila nang-aakit.

Muli akong lumunok.

"Lucas Mariano." pag-uulit ko sa pangalan niya.

"Bumaba ka na dahil nandito na tayo. Asar talo ka na naman." ani Lucas at natatawa pa.

"E, kailan ba ko nanalo sayo?" sagot ko sa kanya at agad nang bumaba sa sasakyan.

Matapos niyang mag park nang sasakyan niya ay agad naman na iton bumaba at sabay na kaming pumasok sa coffee shop.

Habang nakatingin kami sa board menu ay agad namang nagtanong si lucas.

"Anong sayo, Sir?" tanong niya na tinawanan ko lamang.

As if he will treat me. Ang isang Lucas Mariano ay hindi basta basta gumagastos lalo na kapag hindi naman kailangan. Katangian ata talaga ang maging matipid sa pera lalo na't business man siya.

"Caffe Americano sa 'kin. Ano sayo, Sir? 'Wag ka mag alala, treat ko naman to." dagdag pa niya.

Makahulugan ako ngumiti sa kanya saka bumaling sa board menu. Minsan lang manlibre ang taong 'to, chance ko na 'to.

"Caffe latte sa 'kin." sagot ko.

"Dessert? Ayaw mo?" tanong pa niya sa 'kin.

Aba, galante siya ngayon, ah.

Umiling ako bilang sagot. "Hindi na. Ayaw ko magpaka-busog dahil baka nag luto si Mama."

"Miss, isang caffe americano tsaka isang caffe latte." sabi niya sa babae.

"1 caffe americano and 1 caffe latte, a total of 330.00 pesos, Sir." sabi ng babae sa isang mahinhin na boses.

Kakaiba ang ngiti niya kay Lucas. Mukha rin siyang nagpapa-cute sa harapan ni Lucas dahil kanina pa nito inaayos ang takas na buhok.

Ngumisi na lamang ako. As if Lucas would noticer her.

Kinuha ni Lucas ang wallet niya at nag-labas ng 500.00 pesos. Iniabot niya ito sa babae.

"I received 500.00 pesos, and here's your change sir," Inabot din ng babae ang sukli ni Lucas.

"Hmm, Sir, palagay na lang po nang name sa cup." sabi pa ng crew na ginawa pa atang chance ang sitwasyon na 'to para lang malaman ang pangalan ni Lucas!

Agad namang isinulat ni Lucas ang pangalan namin sa dalawang cups na ibinigay ng babae sa kanya. Pagkatapos ay nag hanap na kami ng mauupuan at doon nagkwentuhan.

Matapos ang ilang minuto ay tinawag ang pangalan naming dalawa ni Lucas, kaya naman ay pumunya na siya ng counter para kunin ang order namin.

Sinundan ko ng tingin si Lucas na papunta sa counter. halos lahat ng bagay ay nasa kanya na. Mayaman, gwapo, matangkad and any other adjectives that perfectly fits him.

Ang kaso, straight siya. He will never like a gay like me. Yes, I'm a gay and he doesn't know anything about it, though we're friends. Hindi ko maamin sa kanya na isa akong bakla at lalong hindi ko maamin sa kanya na gusto ko siya. I'm afraid of judgements. Hindi ko ata kakayanin, lalo na kapag sa kanya ko maririnig.

"Sir,"

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang malalim boses ni lucas.

"Kape mo."aniya't iniabot sakin ang kape.

Matagal ko na itong napag-isipan at hindi ko na kaya pa ang mag tago sa kanya. Panahon na siguro. Panahon na para aminin ang tunay kong katauhan sa taong pinakamahalaga sa akin

Nang makaupo si Lucas ay tinawag ko siya.

"Lucas," seryoso ang pagkakasabi ko.

Tumingin ako sa mata niya at ganoon din siya sa akin. I wish that those would see me for being the real me.

"Yup? May sasabihin ka?" tanong niyang hindi man lang inaalis ang pangingin sa akin.

"May importante akong sasabihin sayo."

Ibinaba niya ang kape at itinaas ang isa kilay.

"Lucas, kasi, may aaminin sana ako."

Halos hindi na ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Nagaalangan ako. Dapat pa bang ituloy ang pag amin? Paano kung hindi niya ako matanggap? Paano kung pandirihan niya ako? Paano na ang pagkakaibigan namin?

Then I suddenly realized... if Lucas is a true friend of mine, he will accept me, right?

"Na ano?" kumunot ang noo niya. "Na ano, Sir? Na buntis ka?" tanong niya't humagalpak sa tawa.

Ang kaninang kinakabahan na mukha ay napalitan ng inis dahil sa tanong niya,

"Ikaw ba, magse-seryoso o itatapon ko itong kape sa damit mo?" pananakot ko,

"Sorry na, Aidan." sagot niya at muling uminom sa kape.

Ang paningin niya'y nasa kape ko, naghahanda ata kung sakaling tototohanin ko man ang sinabi ko.

"Ano ba kasing sasabihin mo? Ang seryoso mo naman, Sir."

Ang kanyang mukha ay nagseryoso na rin at doon lamang bumalik ang pangamba ko.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Lucas. Hindi ko alam kung paano sisimulan."

Yumuko ako nang biglang bumuhos ang mga luha ko.

"Hey. Tell me, now."

"Lucas, bakla ako."

Nanginginig kong pag amin. Pinilit kong tingnan ang itsura niya at nakitang wala man lang siyang reaksyion.

"Sorry talaga, Lucas. Sorry, hindi ko sinasadya. Sorry. Sorry."

I just feel like I need to say sorry. I lied to my bestfriend for years. Ang buong akala niya'y tunay na lalaki at kapag naiisip ko 'yon, feeling ko'y nagsisinungaling ako. That's why I'm sorry.

"Bakit ka humihingi ng tawad? Sa tingin mo ba'y hindi ko alam?"

Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa akin at kumunot ang noo. Anong ibig niyang sabihin?

"Alam mo?" mahinang tanong ko.

"Oo, matagal na. Junior high pa."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Pinunasan niya rin ang luhang muling tumulo nang marinig ko ang sinabi niya.

"Don't cry, Aidan." aniya't kumuha ng panyo mula sa bulsa at ipinunas sa mukha ko.

"Lucas, hindi lang 'yon ang sasabihin ko. Hindi lang 'to dahil sa bakla ako."

"Ayaw mo na ko maging kaibigan dahil straight ako?"

Agad akong umiling.

"Hindi 'yon. Kung 'yon ang dahilan, matagal ko na sanang ginawa 'yon." sagot ko.

"Tell me, Aidan. Don't make me curious like this."

Sa tingin ko'y galit na siya dahil napakarami ko ng sikreto. Sa lahat ng sikreto ko, ito ang pinakainiingatan ko na ngayon ay handa na akong aminin sa kanya.

"Gusto kita, Lucas." sabi ko nang hindi man lang inaalis ang paningin sa kanya

avataravatar
Next chapter