11 Pustahan

11

"Anak, ano ba nangyari sainyo ni Tyron? Bakit ang aga-aga nandito sa bahay?" ganito ang bungad sa'kin ni Mama nung umagang yun.

Mahinahon at tila parang santa.Kailangan yun para sa kanyang jowa syempre.

"Hayaan mo na lang siya." Hinigop ko ang kapeng kanina pa malamig.

"Bakit ganoon ang mukha nun? parang hindi natulog?"

Kahit ako man, hindi natulog tapos mugto pa mata ko.Kamusta naman yung pareho kaming umiiyak sa loob at labas ng bintana.Hingi siya ng hingi ng sorry pero ayoko rin makinig dahil nasasaktan lang kami pareho.

Ang drama 'di ba?

"Matutulog pa po ako." Paalam ko sa kanila.

"Yane,"

"Po,"

"May pasok ka 'di ba? Wag mo sabihin na hindi ka papasok? Malapit na bakasyon nyo."

"Iidlip lang po ako,"

"Hindi---" Lumabas yung foreigner galing sa kusina, "Pumasok ka Yane.Hihintayin ka raw ni Tyron sa School nyo." Niyakap siya ng jowabels niya.

Oh sige,

Siya na may love life !

May pag-ibig din ako ah? Akala mo Mama!

MAGHIHIWALAY DIN KAYO HAHAHA

Nilayasan ko na lang din sila dahil naiinis ako kapag may nakikitang nag lalampungan sa harap ko.Naisip ko na naman kasi yung kagabi.Napahiya talaga ako doon ng sobra, pero ginawa ko na lang ang lahat para mangibabaw ang Galit o tampo ko para makalimutan niya ang ginawa kong kalokohan.

Pumasok nga ko pero may suot naman sunglasses. Panay bulungan at tinginan ang mga estudyante sa'kin.Akala siguro nila may artistang dumalaw para mag concert. Char,

"Look girls, tababoy is here. Naka sunglasses pa." Bulaslas ni Cecil sa mga kaibigang kapwa baliw, "Alam nyo ba kagabi----" syete mag uumpisa na siyang mamahiya.

Malalaking hakbang kong inilayo ang sarili sa kinaroroonan nila.

"Yan, bakit naka ganyan ka? Summer na summer ha?" Tukso ng seatmate ko.

"Oo, nakaka silaw kasi sa loob at labas ng university." Dahilan ko na lang.

"Ganern?" Tinitigan ako. "Baka naman mugto yang mata mo? Aminin mo ,na bisto mo si Whence noh?" Usisa sakin.

"Bisto?" Naguguluhan kong tanong.Ngumisi siya sakin.

"Aha? Sorry, hindi pa pala." Tumawa ito ng malakas saka lumabas ng room namin.

May sanib lang? Kung ano-ano lumalabas sa bibig. Sinundan ko siya ngunit mabilis naman itong nawala sa aking paningin.

Sa di kalayuan nakita ko si Whence kasama ang mga barkada nito. Bukod tanging siya lang ang nakatalikod sa'kin habang ang ilan niyang kaibigan nakaharap sa kanya.

"Grabe ka talaga Whence, ibang-iba ka talaga." Sabi ng isa.

"Akalain mong nagsama kapa ng dambuhala sa mga nilalaro mo?" Tawanan sila.

"So, paano ba yan? Ako ang panalo sa pustahan? Ibigay nyo na sakin ang mga tinaya nyo dahil na pasagot ko si Yane."

Pustahan?

Ibig sabihin, pinagpustahan lang ako nilang lahat at lalong-lalo na yang Whence na yun?

"Hindi nga marunong makahalata.Akalain nyo yun, nagamit ko kaagad siya." Pagmamalaki sa barkada.

"Isa ka talagang ALAMAT Whence." Nag apiran ang mga ito bago ko lumapit.

"Whence....si Yane." Turo sa'kin ng isang lalaki na kanina pa tahimik na nakikinig sa kanila.

Lahat sila lumingon sakin.Dahan-dahan akong humarap dito tapos tinitigan sa mata.Halata sa mukha niya ang pagiging Jerk and Flirt. Now I know, gagu siyang tunay!

"Yann------"

Plaaaak!

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi.Lahat ng kanyang barkada ay nag bulungan. Ang iba pa nga ay may halong tawa sa huli.Marami na rin naka kita sa ginawa ko kaya nakiusyuso na rin silang lahat.

"All this time niloko mo lang pala ako.All this time pinag-pustahan nyo lang ako." Nagbabadyang tumulo ang mga luha ko.Magsasalita pa sana siya ng sampalin ko muli.

Sa ganitong pagkakataon hindi pa rin siya nagsalita.Tinignan ko lahat ng barkada niya.

"Magkano ba ipinusta nito sainyo? Paki bigay na nga.Parang ako na aatat makitang masaya siyang makatanggap ng REWARD Ah hindi ,not just a reward pala. PANG AABUSO." Mga naka yuko lamang silang lahat.

Parang kay babait na tao ohhh... samantalang kanina kung makatawa akala mo wala nang bukas.

Tinanggal ko ang sunglasses ko tapos buong tapang ko siyang hinarap muli.

"Ang tagal kitang naging gusto Whence. Gwapo ,matcho at mayaman ka, pero hindi yun ang dahilan ko.Mahal kita dahil yun ang sabi ng puso ko.Minahal kita kahit ilang beses akong umasa dahil sa pagiging mataba ko. Napaka sama nyong lahat. Porque ganito ako, basta nyo na lang ako paglalaruan!"

"Bago ka sana naniwala dapat inisip mo muna kung papatulan ka talaga ni Whence. Sa palagay mo ba magugustuhan ka talaga niya? Ghad ! Mahiya ka naman.Ang taba mo! Ang taba taba mo!"

Si Zen, papalapit siya.

"Alam ko yun! Kailangan ba ipagsigawan pa?!" Nakatingin lamang si Whence sa'min.

"Minsan nakakalimutan mo kung saan ka talaga naka-Belong. Feeling mo may karapatan kana sumaya kahit mataba ka. Pwes, mali ka, isa kang matabang babae na nakaka-umay!" Malaglag sana mata nito kakairap.

"At ikaw? Ano tawag sayo? Isang buto na pinagpapasa-pasahan ng lahat."

"Buwisit kang tababoy ka!" Itinaas nito yung gitnang daliri bago ako akmang hablutin. Mabuti na lang maagap ako at napigilan siya sa balak.

"Yane, bitawan mo ko! Isusumbong kita kaaaaay Tyroooon !"

Mas mahigpit ko pang hinawakan. "Gusto mo ba samahan pa kita? Nang makita mong mas papanigan niya ko kaysa sayo!"

Kahit hindi ko alam kung ako nga ba ang papanigan ni Tyron ay pinakita kong sigurado ako doon.

"Bakit? Sino ka ba?" Up and down niya kong tinignan na parang diring-diri.

"Kaibigan ka lang Yane.Walang nanalo sa pagitan ng girlfriend,"

"Paano ka nga nakakasiguro? Patunayan mo.Wag puro salita. Nag aaksaya ka lang ng laway diyan," Gigil na gigil itong tumingin sa likuran ko.

"Bestfriend, hindi mo ba ko ipagtatanggol sa baboy na 'to?!" Aba, magaling. Naghanap ng kakampi.

Dapat pigilan kami ni Whence pero walang buhay itong tumalikod hanggang iwan kami na wala sa ayos.

"See ? Kahit nga bestfriend mo 'di ka maipagtanggol. Si Tyron pa kaya? Mas kilala ako ni Tyron kaysa sayo.Ikaw kasi ubod ng plastic."

"I'm not,"

"Really? Sino nagsabi?""

"Ako!"

"Talaga kailan?"

"Alam kong inaasar mo lang ako Yane pero sige tingnan natin kung sino mas papanigan ni Tyron." Nilingon niya ang isang babae sa likuran niya tapos umalis.

Ilang segundo kaming nagtitigan ni Cecil ng masama bago bumalik yung babae at kasama na niya si Tyron.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/fubu-(-tagalog-)-rated-spg_14427272706397405/pustahan_39498053731803079 for visiting.

"Baaaabeeee ...." Lalo akong nainis sa inasta niyang parang siya pa ang inapi.

"Yung bff mo na naman eh.Nananahimik ako tapos kung ano-ano sinabi sa'kin!" Fvck ! Ang galing umarte.

Hindi ko tinitigan si Tyron dahil alam niyang galit pa rin ako hanggang ngayon.

"Baaaabeeeee..." Atungal pa rin.

Iiling-iling na lang ako sa mga kaartehan niya. Buwisit, akala mo kung sino inapi. Bumuntong hininga na lang ako ng muli kong maalala ang nangyari samin ni Whence. Hindi ko sukat akalain na ganito pala ang plano niya. Kundi rin akong tanga.Sino ba naman kasi magtatangkang gustuhin ang tulad kong MATABA?

Isinuot kong muli ang sunglasses at hinayaan ko na lang din silang maglokohan doon.Ano pa ba inaasahan ko? Kung ako man ang kampihan niya dapat kanina pa niya ko pinagtatanggol sa lokang babaitang iyon.

May humagit sa braso ko ng malapit na kong pumasok sa room.Isang dibdib ang tumama sa mukha ko. Balak ko sana tingnan kung sino pero mas hinigpitan lang ang pagkakayakap sa'kin.

"A-ayos ka lang ba BFF KO? " TILA PARANG NA PAWI YUNG SAKIT NARARAMDAMAN KO NGAYON.

"Ako pa ba." Mahina kong sagot .

"Ikaw pa ba? Ilang iyak lang yan wala na kaagad yung sakit.Kaya mo yan.Kilala kita Yane. Sa tagal na natin magkaibigan tingin mo ba hindi pa kita kilala?"

"Okay."

Humiwalay na siya sakin."Babantayan kita."

"Ha?"

"Babantayan kita hanggang mag uwian na kayo." Bahagya niya kong pinapasok sa classroom namin tapos nawala na siya

Dalawang Subjects pa ang kailangan bunuin para makauwi kaya inaasahan kong wala na siya doon at pumasok sa kanyang klase.

Tanging inaalala ko yung sa amin ni Whence. Ikaw na makaranas ng ganito. Isang araw magiging kayo ng taong mahal mo tapos magiging kayo tapos sa isang iglap wala kaagad. Hindi ba parang ang hirap?

MAKALIPAS ang dalawang oras na klase. Lumabas ako ng room at handa nang umuwi nang mamataan ko siyang nakatayo malapit sa plant box.

Pupungay pungay ang kanyang mata ng magtama ang mga paningin namin. Kaagad itong ngumiti ng makita niyang papalapit na ko sa kanya.Ngayon ko lang din napansin na gwapo talaga si Bff.

"Hiniwalayan ko na si Cecil,"

"Ano?"

"Wala na kami,"

"Bakit mo ginawa yun?" Hindi ako maka tingin.

"Dahil sayo."

"Sakin?" Ulit ko.

"Oo ..."

"Bakit?"

"Sumama ka sakin." Hinatak niya ko palayo sa University. Dinala niya ko sa madalas namin kainan.

"Bff, bakit mo hiniwalayan ang bruhildang yun?" Usisa ko habang seryoso niyang hinihigop ang milk tea.

Pasimple siyang sumilip sakin."Gusto mo ba malaman?"

"Malamang. Nakipag break ka pero ano ngang dahilan." Malapit na kong mainis.

"Gusto mo naman yon 'di ba?"

"Oo sabihin na nga nating gusto kong maghiwalay kayo pero dapat may magandang dahilan ka."

"Okay let's see," Sumandal sa upuan

"What?"

"Simple lang, hindi ko na siya mahal." Lumuwa ang mga mata ko sa NAPAKA GANDANG DAHILAN NIYA.

"Na realize konf ayoko talaga sa kanya. Ganoon,"

"Yon? Agad agad? Talaga? Seryoso?" Binabasa ko naman ang kanyang mga mukha.

"Oo nga.Kumain kana nga lang diyan."

"Hindi ako kombinsido sa mga sinasabi mo,"

Matagal niya kong tinitigan hanggang sa tumatawag si Mama sa Cellphone.

"Maaaa, Nandito kasama si Tyron Opo, okay ,pauwi na." I rolled my eyes.

"Bakit daw?"

"Nagpapasama manuod ng sine." Nakasimangot kong sagot.

Ngumisi."Kasama ba niya yung foreigner?"

"Siguro, pwede naman na mag-solo sila eh.Isasama pa ko."

"Tara na." Tumayo, "Double date tayo." Sinulyapan pa niya ko bago maunang lumabas para sumakay sa kotse.

Double date raw?

Loko talaga si Bff.

"Wag kang aalis diyan ah? Bibili lang kami ng Popcorn and Drinks." Paalam ni Mama habang naka yakap sa braso ni foreigner.

Feeling bagets.

Abala kong tinitingnan kung anong available na showing sa ng tawagin ako ni Bff para lumapit.

"Ano raw ba panunuorin natin?" Nakatanaw sa isang TV screen.

"Kahit ano raw basta English," Hindi ko maipinta ang mukha.

"Okay, maganda ito." May kinuhang ticket sa babae.

"Ano 'yan?" Silip ko.

Itinago kaagad nito yung ticket para hindi ko makita."Bawal---" Lumayo na sa'kinΒ  para lumapit kina Mama.

"Bawal, Bawal, makikita ko rin naman yan mamaya.Arte , Bakit ba kasi pumayag pa kong sumama rito? Pwede naman kasing siya nalang. Double date ,kalokohan."

"Yane Tara na!" Ingay ni Mama. Kainis,

Pumila na kami.Nauna lang sa pila sina mama tapos sunod kami ni Bff. Panay tawanan ang mga feeling bagets.Naiirita ako dahil nagagawa pa ni Mama tumawa habang ako BROKEN HEARTED?

Kinuwento ko pa kasi na wala na kami ni Whence ayan tuloy double ang ligaya niya ngayon.

Ang gusto ata ni Mama maging matandang dalawa na lang ako.

Medyo madilim na rin ang kabuuan ng sinehan. Paumpisa na rin kaya binabasa ko mga pangalan ng characters. Ang isa pa hindi maunawaan bakit FRIENDS WITH BENEFITS yung na piling panuorin namin.

May halong SPG yun,eh. Hindi ako makahinga ng maayos nang tila na iisip kong tinamaan kami ni Bff sa bawat eksena.

"Ang ganda ng movie noh?" Usisa nito habang nagmamaneho.

"Yeah." Sagot ko habang naririnig ang kilitian nila Mama at ng Jowa niya.

"Ah, tita ..." Tawag ni Bff.

"Yes?"

"Papayagan nyo po ba si Yane na matulog ngayon gabi sa bahay?"

"Anooo????" Sigaw

"Pwede, bakit? Ano gagawin nyo?" Usisa ni Mama.

Ayos din si Mama ,sabay payag agad pagdating Kay Bff.

"Manunuod po ng mga movies."

"Di ka nag sawa?" Sabat ko.

"Bitin pa nga eh." Nangilabot ako ng tignan niya ko saglit.

Pare-pareho kaming natahimik ng maka-uwi. Nauna sila Mama sa loob ng bahay habang kami ni Bff nandito pa sa labas.

"May gusto sana akong aminin." Aniya

"Ano yon?"

"Mabuti pa sana sa loob ng bahay na lang natin pag-uusapan," Hindi na ko nag dalawang isip pa dahil pagod na rin naman ako sa maghapon.

"BFF, niloko ka ni Whence pero naka ganti ako." Sabi niya habang tutok kami sa pinapanuod.

"Ha???"

"Naka ganti na tayo pero this time gusto kong mas gantihan pa natin sila ng bongga."

Na paliwanag niya sa'kin ang buong katotohanan kung paano niya nalaman ang totoong nangyari. Pero may binabalak siyang gawin na tiyak magiging successful ng paghihiganti namin magkaibigan na dalawang huwad.

Next chapter