10 Not Satisfied

Matagal kong pinagmasdan ang kanyang mukha.Siguro umuwi muna ito dahil halatang bagong hilamos.

"Bakit nandito ka?"

"Hinatid ko lang yung jowa ni Mama."

"Ah ganoon ba? Tara sa bahay."

"Ha? Bakit? Hindi pa tapos ang party,"

"Hayaan mo na sila.Hindi tayo kasali doon." Hinila niya ang aking kamay para sumama rito.

"Nandoon ba parents mo?"

"Wala,"

" Sa susunod na lang ako sasama," Bumitaw ko.

"Joke lang, Teka..." Lumapit sa'kin. "Natatakot ka ba sa'kin?"

"H-hindi ah."

"Ows? Eh bakit parang di ka sure kung sasama ka sakin na mag-isa?"

"Baka isipin ng mga tao na----"

"So what? Girlfriend kita ,natural na dalhin kita sa bahay may tao man o Wala..."

"Kahit na..."

"Mahal kita Yane." Hinakawan ang magkabilang pisngi ko."Ako ba mahal mo rin?"

"Mahal din kita." Mabilis kong sagot

"Kung ganoon.May tiwala ka sakin.Sasama ka." Inayos pa niya ang buhok ko."Trust me ,Okay? Saglit lang tayo..Nakalimutan  kasi  ag ni Cecil doon sa bahay."

"Bakit? Galing siya sainyo?"

Nanlaki mata nito, "Oo, doon kasi siya dumadaan kapag may lakad kami ng barkada,"

"Ah."

"Nagseselos ka ba?" Niyakap na niya ko.

"Hindi naman,"

"Ibig sabihin hindi mo ko gaano mahal."

"Hindi ah!"

"Kung mahal mo ko dapat nagseselos ka at pinagbabawalan na sumama sa ibang babae."

"Mapipigilan ba kita?"

"Oo." hinawakan na naman ang pisngi ko sabay halik."Dahil susundin ko lahat ng utos mo."

Kinikilig ako.Ang sweet niya .Sana hanggang huli ganito siya ka sweet.

Tulad ng sabi niya kinuha nito ang bag ni Cecil at bumalik kami sa Court .Iba na rin ang nasa stage at sina Cecil at Tyron ay nag uusap malapit sa stage.

Inabot ni Whence ang bag tapos tsaka na kami umalis.Sa katunayan nga eh,Hindi ako sanay na Hindi si Tyron ang kasama ko. Alam nyo yun? Sa lahat ng bagay siya kasama ko tapos nung umuwi lang siya biglang BOOOMM! nag bago ang lahat pati katawan niyang dati ubod ng taba! Siguro may pag-asang pumayat ang tulad ko kaya lang,baka hindi muna ngayon.Mhirap mag pigil ng gutom! Haha.

Buong gabi yata sina Cecil at Bff lang ang bukod tanging pinapanuod ko ang bawat kilos.Kapag umaalis sila,todo effort akong sumusunod kahit di naman dapat. Kaya lang di ko alam na may gagawin sila.

Sa madilim na puno doon sila nagtago.Hindi sila kita pero dinig naman ang pag-uusap nila.

"Ako na ba ang pakakasalan mo Tyron?" Si Cecil na bruha.

"Oo naman,"

"Talaga?"

"Oo, ilan ba gusto mong anak?" Tskk.Kahit kailan talaga si Bff.

"Siguro kahit tatlong babae lang ,okay na sakin."

"Bakit puro girls? Ayaw mo ng boy?"

"Malilikot."

"Gusto ko ng boys at gusto ko rin ng tatlo."

Tumahimik sila pareho at tanging mga maiingay nilang labi ang naririnig ko.Bakit ba parang naiinis ako kapag naririnig ko yun? Kaasar ha! Dito pa sila nag lampungan!

Mayamaya may narinig akong nag bukas ng ZIPPER!! awwaaaaaaahhh ...May gagawin sila rito.Teka ano ba gagawin ko?

Hindi pwedeng may mangyari na naman sa kanila. Hindi pwede! No way!

Tumakbo ako !

Bahala na!

"Ouch??!!!" Nataganan ko silang dalawa na naka upo at sandal sa puno.

Tinapatan ako ng flashlight ni Tyron sa mukha.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/fubu-(-tagalog-)-rated-spg_14427272706397405/not-satisfied_39493984233510854 for visiting.

"Bff ??! Anong ginagawa mo rito??"

"Kayo! Anong ginagawa nyo rito! May bahay ka naman ah! Bakit dito pa kayo gagawa ng kabulastugan ha!!"

"Ano?!" Iritang tanong ni Cecil.

"Anong kabulastugan sinasabi mo??" Ulit ni Bff!

"HINDI BAT ...BINUKSAN MO YANG ZIPPER MO!! MAY MANGYAYARI SAINYO!" sigaw ko.

"Zipper ko? Zipper saan?" Kinuha ko ang flashlight tapos tinapat sa pants niya

Umayghad ! Wala siyang zipper! Kung ganoon ano yung narinig kong zipper na bumukas??

"Iniisip mo ba na may gagawin kami rito ni Tyron?" Inis na tanong ni Cecil sakin.

"Eh ano yung narinig kong bumukas na zipper? Sayo yun noh!" Tinapat ko naman ang flashlight sa ibaba niya pero naka leggings ito.

Tumawa na si Cecil, "Sinusundan mo ba kami ? Natatakot ka ba na may mangyari samin? Hoooy taba! Hindi ako cheap na babae para magpagalaw sa ganitong lugar ha! Nakikita mo ba 'tong bag ko! Ha! Kinuha ko lang ang flashlight sa bag! Wag kang berde diyan! Napaghahalata ka talagang sinusundan mo kami!"

"ASA ka! Napadaan lang ako rito dahil naalala kong dito ko pala pinatatae yung aso ni Bff!"

"Yuck! Eewwww !!" Tumayo si Cecil at pinagpapagpag ang damit niya at leggings. "Kaya pala kanina pa ko nakaka-amoy ng Amoy tae ng aso! Kainis!"

Nag didiwang ang puso ko dahil na inis ko naman si Cecil.Nagtatakbo ito palayo samin ni Tyron.

"Haha...Take a bath !" Sigaw ko pa.

"Bakit ba ganyan ka Bff..." Sinamahan niya ko ng tingin kahit bahagya lang ang liwanag sa mukha niya.

Napalunok ako."Bakit Bff?"

"Ayaw mo ba para sa'kin si Cecil? Bakit ganyan ang ginagawa mo?"

"Hindi naman sa ganoon??"

"Eh ano? Akala mo ba hindi ko alam na sinusundan mo kami?"

Haaalaaa...Alam pala niya.

"Sorry." Yun nalang nasabi ko.

"Mag sosorry tapos uulitin na naman..Yane, pwede ba tigilan mo nga ang pagiging isip bata ? Hindi nakakatulong."

"Grabe ka naman,"

"Oh bakit? Totoo naman eh. Hayaan mo na lang ako ,this is my first time para iparamdam sakanya na gustong-gusto ko siya.Hindi ko naman inaasahan na ikaw pa sisira ng diskarte ko."

"Sobra ka naman."

"At least diretsahan 'di ba? Hindi kita ginugulo ah? Kayo ni Whence tapos nung guluhin mo naman kami ni Cecil parang ikaw pa itong naghahabol sa'kin.Kainis."

Nilagpasan na niya ko tsaka lakas loob ko siyang tinapat.

"Oo,maghahabol talaga ako, kasi sobrang miss ko na yung Bff ko. 'Yung dating siya na hindi mayabang at talagang lagi akong pinagtatanggol."

Humarap siya sa'kin.Tila nagulat pa yata sa pag-amin ko.

"Hindi ba porket pumayat kana,wala na kong halaga sayo. Ikaw pa rin ba yung Bff ko na never akong iniwan? Yung never akong minata kahit sobrang taba ko pa? Ikaw pa ba yan Tyron? O talagang iniwan mo na yung dating Tyron? just tell me!"

"Bff..."

"Simula ng umuwi ka rito marmi ng nagpapapansin sayo. Minsan pa nga ang daming may gusto sayo.Hindi ba at yan ang pangarap mo? Ang mapansin ng mga babae sa University? Naging happy naman ako ,kaya lang hindi ako satisfied sa mga nakikita kong pagbabago mo."

Bago pa niya ko unahan umalis ako na lang ang kumaripas ng takbo palayo sakanya.

Sumama na rin loob ko kaya umuwi na lang din ako sa bahay.Tahimik lang ang bahay pero alam kong nandito sina Mama at Bf niyang hilaw sa kwarto.

Pagkapasok ko sa kwarto ,doon ko hinagulgol ang iyak.Pakiramdam ko may parte ng buhay ko ang nawala.Siya ang bff ko mula noon hanggang ngayon pero Bakit ganoon ang layo layo na nang loob niya sakin, porket nagka-Cecil na siya? Itatapon niya ko?

Mayamaya may kumakatok hindi sa pinto kundi sa bintana ko.Ganyan ang ginagawa niya sakin dati kapag nagkakagalit kami. Kakatukin niya bintana ko tapos hihingi ng sorry.This time ayoko muna makinig sa mga sasabihin niya kasi nasasaktan ako.Sana matauhan siyang may kaibigan itong never iniwan kahit ang daming umaapi sakanya noon.

Hindi ko naman inaasahan na ganito ang pagsubok naming dalawa.Dadaan pala kami sa istado na makakalimutan at hindi maaalala ang nakaraan naming ugnayan noon.Iba nga siguro ang pinagbago niya lalo ngayon ang goal na sinabi niyang mapapa sakanya si Cecil ay talagang nag tagumpay.Ako rin naman yung Operation : Finding Love , na hanap ko pero hindi rin naging satisfied ang sarili ko para sabihin na okay na ko ngayon dahil sa totoo lang mahirap palang paniwalaan ang sariling okay kana kahit hindi naman.

Next chapter