13 Mr. & Miss Barangay

LUMIPAS pa ang ikatlong buwan.Naging abala ang lahat sa isasagawang Mr and Ms.Baranggay 2019.Lahat ay nanabik kung sino-sino ang mga kalahok sapagkat hindi pa sinasabi kung sino ang masusuwerteng nakapasok sa Finals.)

"Miss ..." Tawag ko.

"Yes Ma'am."

"Ah may ibang size pa kayo nito?" Naka kunot ang noo sakin ng saleslady

"Sorry ma'am pero free size po yan."

"Ah ganoon ba? Wala ba kayong ibang design nito basta may size double ex-----"

May kumuha ng damit na hawak ko.

"Sige, Maam, kukunin na namin 'to." Seryoso niyang sabi sa saleslady.

"Yane." Titig na titig siya sakin. "Lagi mo na lang kinakalimutan na hindi kana XXL." Paalala sakin.

Oo nga pala.Matapos kasi ang ilang buwan naging successful ang aming plano na pumayat ako.Sobrang laki rin ng pinayat ko dahil sa tulong na rin ni Bff.

"Simula ngayon hindi kana nila tatawaging baboy ,tababoy o butanding," nangibabaw na naman ang saya sa aking puso ng bigkasin nito ang katagang ito.

"Heto na po ma'am." Abot sakin ng saleslady.

"Salamat."

Inakbayan ako ni Bff ng lumabas sa shop.

"Excited kana ba para sa Mr and Ms. Baranggay 2019?"

"Oo naman,"

"So,tayo ang partner ha? Ano ba ang gagawin natin presentation?"

"Naisip ko kung pagtatanim ang gawin natin.Madalas kasi puro sports, pasyal ang ginagawa ng iba."

"Magandang ideya yan ah? Ang title Gulayan sa Bakuran." Pagbibigay niya ng ideya.

"Tamaaa!Mas mainam kung sa mismong bakuran mag uumpisa ang lahat.Mas maganda kung bumili na tayo ng mga seedlings." Ani ko.

"Okaaay tara! Para may ipakita na tayo sa kanila 'di ba?"

Masaya namin hinanap ang bilihan ng mga seedlings tapos pimili kami ng mga gulay na madali lamang itanim at mas marami pa mag bunga.

Bumili rin kami ng mga paso ,Seedlings tray at mga gamit sa pagtatanim.

Sinimulan na rin namin magtanim sa bakanteng lote malapit saming bahay.Humingi rin kami ng tulong kina Mama at sa foreigner niyang boyfriend.

"Anak, mukhang magandang adyenda ito wah?"

"Oo nga Ma,"

"Mukhang panalo na kayo ni Tyron,"

"Oo naman Tita. Magandang layunin ito upang lahat ng mga taga rito matutong magtanim ng mga gulay."

"Oh, eh, handa na ba kayo para mamayang gabi?"

Inakbayan ako ni bff. "Yes tita handang-handa.Actually ,may mga gulay kaming binili muna para ipakitang halimbawa sa mga ka Baranggay."

Itinuro ni Bff ang mga dahon na nakatanim sa isang plastic bag na itim ,plastic bottle na may tanim na mga gulay.

"Kasali sina Whence at Cecil.Hindi ba masyadong mahirap para sainyo?"

"No Ma, mas mainam nga 'yon eh para mag umpisa kami sa operations namin."

"Ede woww ,Kaya pala todo papayat ka ha para lang patunayan sa kanila na hindi ka dapat banggain."

"Ako na nagsasabi tita, malaki ang laban ni Yane para maging Ms. Baranggay."

"Ikaw din kaya? Tayong dalawa ang mag uuwi ng sash and Crown." Lakas loob kong wika.

"Confidence ..." Bulong ni Mama.

Dumating na ang gabi na aming hinihintay. Ipapakilala na rin ang mga nakapasok sa huling programa.

"Magandang gabi ka baranggay ! Excited na ba kayo para makilala ang mga kandidata at kandidato ng ating Mr and Ms Baranggay 2019? Kung ganoon ay ihanda ang inyong sarili para sa apat na pares na magtatapat tapat!"

Hiyawan ang mga tao rito sa court.Lahat na aatat makita at malaman kung sino ang mga makakasama.

"Una ko nang tatawagin ang isang pares ! Presenting ....Nicolas and Katy !" Umakyat sa stage ang dalawa.

Si Nicolas, ang anak ng aming kapitan ,suki siya sa aming gym kaya naman kitang-kita rin sa kanya ang ganda ng pangangatawan.Habang si Katy, ang anak ng isang kagawad.Malimit lamang ito magpunta sa gym pero alagang-alaga ito sa kanyang katawan.Mahilig ito sa volleyball dahil siya lang naman nag hakot ng gold medal sa tuwing may laban ang bawat Baranggay.

"Wow, Nicolas and Katy. Hindi na ko nagtataka kung bakit kasama kayo." Nag-tawanan ang lahat. "Ang ibig kong sabihin ,dahil bukod sa may tungkulin ang iyong magulang ay mga talented pa,"

"Salamat po Ms Diana." Ngiting wika ni Katy.

Oo nga pala si Ms Diana ay isang beki ha, pero wag ka dahil aakalain mong babae siya kapag nakausap mo ng one on one.

Okay back to Nicolas and Katy.

"So, anong adyenda sana ang dapat nyong gawin sa loob ng isang buwan?" Si Ms Diana.

"Actually ,naka handa po kaming magpalaro sa mga mahihilig mag volleyball tulad po ng ginagawa ni Ms Katy." Sagot ni Nicolas.

"Ah so volleyball ang segment nyo?"

"Yes po plus....Heto pa po. May isa pa kaming adyenda na tiyak magugustuhan nyo dahil meron kaming isasagawang feeding program sa mga bata at mga buntis po." Hiyawan ang mga tao ng sabihin yun ni Katy.

"Masyado nang alam ng lahat yan.Hindi bat yan lagi ang adyenda ng Baranggay natin?" Si Ms.Diana

"Gusto lang po namin ituloy kung ano po ang sinimulan ng aming mga magulang ,di ba Nicolas?"

"Yes at tiyak ko naman na magugustuhan nyo ang gagawin namin dahil kung yung iba hindi nabibigyan lahat po ay magkakaroon na dahil magbabahay-bahay kaming lahat."

Sigawan pa lalo ang mga tao.Iiling iling na lang ako dahil sa sinasabi nila.Maganda naman talaga ang hangarin nila kaya lang ang kadalasan kasing feeding na binibigay nila yung oorder sa Jollibee or McDonald.

"Wow,Mukhang exciting yan.So, paano yan kita-kits na lang tayo sa finals at inaasahan kong pagtatagumpayan nyo ang inyong adyenda."

Nagpasalamat ang dalawa bago bumaba sa stage.

"Hoooo! Grabe...Una palang yan pero nag iinit na ang laban.Hindi ko na patatagalin ito ha? Tatawagin ko na sina Sherly and Douglas !"

Kakaonte lamang ang nagpalakpakan.Bakit sino sila? Hahahah...Bakit nga ba na sali ang dalawang ito?

Si Douglas isa yang pasaway na tambay sa basketball court.Walang trabaho pero sabi raw nila may gusto siyang gawin sa aming Baranggay.. Hmm...Si Sherly naman ang babae na sobrang tahimik, yung tipo na di maka basag pinggan? Kaya sino ba magpapalakpak sakanila.

"Uh-oh ...Hindi ko ineexpect ito ha? Kamusta Douglas and Sherly?" Diana

"Okay lang naman po." Sabay nilang sagot.

"So, ano ba adyenda ang gusto nyong gawin dito sa ating Baranggay??"

Tumingin muna sila sa isat-isa bago sumagot si Sherly.

"Gusto ko lang sana ipagpatuloy ang patakaran dito sa mga kabataan na tambay at kung hindi naman ay yung palagian umuuwi ng hating gabi."

"So gusto mo magkaroon ng Curfew dito?"

"Opo.Para iwas sa mga krimen at karahasan dito sa ating Baranggay."

"Magandang layunin nga iyon. Madalas  kasi may mga kabataan pa na lilibot dito sa subdivision. Maganda yan...Maganda..."

"Of course dahil ilan sa atin ang walang trabaho,nais sana namin na mabigyan ng maliit na pagkakaabalahan ang mga kabataan dito.Katulad na lang din po sa paggawa ng mga keychains ,vase and etc."

"Ayos to wah? Hindi na nga sila tatambay at gagala gala sa gabi dahil may mga pagkakaabalahan pa sila.Magandang adyenda yan Douglas and Sherly.I hope maging successful ang ninanais nyong patakaran.Goodluck!"

Palakpakan na rin kami.Dahil maganda rin naman pala ang hangarin nila Kaya dito ako.

Bumaba na ang dalawa sa stage at muling nagkaingay.

"Hindi ko pa naman tinatawag ang pangalan nila ay mukhang hinihintay na sila ? So hindi ko na rin patatagalin.Presenting ...Whence and Cecil!! Whoooo !"

Halos masira ang eardrums ko doon wah? Sikat na sikat pa rin sila rito sa subdivision kahit nuknukang sasama nang ugali.

"Hi Whence and Cecil..."

"Hello po." Sagot ng dalawa.

"Well, excited akong malaman kung ano ba adyenda ang gagawin nyo?"

"Well said, Para po sa aming adyenda.Gusto namin ipagpatuloy ang libreng check up lalo sa mga senior citizens and ang pagpapatayo po ng schools dito sa mismong subdivision." Wika ni Cecil.

Bulungan ang mga tao.Paano naman mangyayari yun? Sobrang magastos yun at tiyak na mahabang proseso ang mangyayari bago maisakatuparan yon.

"Tama na muna ang bulungan alam namin na hindi ito madali kaya lang pwede naman padaliin di ba? Napag-usapan namin ni Cecil na kami ang gagastos sa lahat ng gamit at kailangan sa pagpapatayo ng schools.Kunbaga hahalili na lamang ang ating punong Baranggay sa aming layunin para sa mga kabataan.Nais din namin na magpatayo pa ng Center dahil kulang ang isang oras ang layo ng mga center at hospital dito sa ating subdivision kaya hinahangad namin ang inyong suporta ng upang tayong lahat ay makinabang dito."

Hmmm.Sobrang gwapo lalo ni Whence. Lalo sa suot niya.Matagal din kasi hindi kami nag kita kaya naman ng tumingin siya banda samin ni Bff ay nahiya ako.

"Masaya ako dahil makakasama ko kayong lahat." Nakatingin pa rin sakin.

Pansin ko naman na tumingin din sakin si Bff kaya lang Ewan ko kung bakit biglaan naman niya kong inakbayan at hinaplos haplos ang balikat.

"Sa lahat yata ng narinig ko parang ito ang mas bet ko. So, TYSM Whence and Cecil hope maging  successful ang mga plano nyo para sa ating Baranggay."

Palakpakan na may kasamang hiyawan ang pagbaba ng dalawa.

"Hoooo ..Grabeeee ...hindi ko kinaya ang mga adyenda nila.Baka naman dito sa huling candidates natin easy lang? So patatagalin ko pa ba 'to? Presenting ! Tyron and Yane !!!!!"

Sigawan ang mga kababaihan habang isinisigaw ang pangalan ni Bff. Tulala naman ang ibang kalalakihan ng akbayan ako ni Bff. Maski si Whence ay hindi pa rin makapaniwala na ako yung Yane na niloko at pinagpustahan nila.

"Hoooo grabeee ...Hindi ko muna tatanungin kung anong adyenda ba ang nais nyong gawin kasi naman...curious na curious na talaga ako sainyong dalawa.Kung dati kayo yung tumutulong dito para paghandaan ang Mr.and Ms Baranggay ngayon isa na kayo sa kalahok dito.Ano bang dahilan ? Kung dati kayo ang tampulan ng tukso pero ngayon..." Tingin siya sa mga tao."Hangang-hanga sila sainyong dalawa."

Hindi ko naiwasan na hindi ngumiti.Sa totoo lang, umabot sa 25 ang bewang ko ,yung dating 65 waaaaah I can't believe na ganito pala ang mangyayari.

"Tyron, Alam ko naman sobrang laki rin ng pinagbago ng iyong katawan pero ano bang dahilan para gawin ito?"

"Una, dahil ayoko ng matukso. Pangalawa, dahil gusto ko patunayan na kaya rin pumayat yung mataba." Walang patid ang hiyawan ng mga babae.

"So yun ang dahilan para ma motivate ang sarili sa pagpapayat?"

"Opo, ganoon na nga."

Tumingin sakin si Ms.Diana. "Ikaw naman Ms.Yane? Anong dahilan para gawin ito? May dahilan nga ba o dahil gusto ko mo lang talaga?" Na pansin ko si Whence na lumapit sa stage.

"Isa lang naman ang dahilan kung bakit ginawa ko 'to, " Niyakap ko ang braso ni Bff. "Dahil sa kanya...Naisip ko kung siya na kaya niyang lagpasan ang hirap ng pag didiet ,why not na ako pa? Kaya sobrang thankful ako sa aking mahal na kaibigan dahil hindi niya ko pinabayaan nong panahon na sobrang hirap na hirap ako sa pag iwas sa mga pagkain."

Nagkatitigan kami ni Bff yung tingin niya parang may laman.Parang may gusto siyang sabihin pero nag dadalawang isip.

"Wow! So dahil diyan parang excited naman akong malaman kung anong adyenda ba ang nais nyong gawin??"

Pinauna akong pagsalitain ni Bff. "Kalimitan sa atin nakakalimutan na natin kumain ng gulay.Kaya layunin sana namin na ibalik ang malusog na pangangatawan at iwas malnutrisyon."

"Gusto namin ibahagi sainyong lahat ang aming adyenda na hangad ang inyong maayos at malusog na pamilya na pinamagatang....."

Gulayan sa bakuran ....

Palakpakan ang  lahat ng sabay namin baggitin ito

"Kakaiba ito wah? Ano nilalaman ng inyong adyenda?"

"Nandito po ang iba naming sample." Kinuha ko ang paso na may gulay habang si Bff ay hawak ang mga plastic bottle na may tanim na gulay din.

"Pwede naman po kayo mag tanim ng mga gulay sa inyong bakanteng lote tulad ng nakikita nyo sa screen." Pinakita ang picture ng aming bakuran na tinaniman ng mga gulay kanina. "Kung wala naman po kayong bakuran na ganyan meron pa paraan tulad po ng hawak kong paso.Mabubuhay na rito ang mga gulay basta lagi lang didiligan."

"At kung hindi naman afford o iwas gastos Bakit hindi nyo bigyan halaga ang mga naka kalat na plastic bottle? Tulad po ng hawak ko.Lagyan nyo lang ng pintura para mas magandang tignan.Maaari nyong isabit ito sa mga bakod o kung saan na pwede masikatan ng araw. Maraming paraan para mabuhayan tayo ng mga gulay sa ating bakuran."

"Wow! Kakaiba nga ito..."

"Totoo po yan dahil aminin man natin o hindi halos mga karneng baboy at manok ang palagian nating kinakain,nakakalimutan na natin na magluto at bumili ng mga gulay sa palengke." Aniko

"Hindi pa magastos dahil sa bakuran nyo lang kukunin kapag kailangan nyo sa inyong iuulam.Layunin namin na lahat tayo ay maging healthy ,iwas sa mga sakit na nang gagaling sa mga karneng baboy at manok.Be wise mga ka Baranggay dahil para rin naman ito sa ating pamilya. Simulan nyo ang pagiging mabuting tao sa inyong bakuran." Pang hihikayat ni Tyron.

"May ipamimigay po kami ng mga seeds sa bawat bahay-bahay doon po tayo mag uumpisa." Dugtong ko pa.

"Isa sa mga gulay ang dahilan kung bakit healthy na ko ngayon! Sana po ay lahat tayo ay makiisa sa magandang hangarin dito sa ating Baranggay."

Nagsipila naman ang mga tao sa mga kagawad para manghingi ng mga buto ng gulay.

Tuwang-tuwa si Tyron kayat tumulong ito mamigay sa mga naka pila.

"Maraming salamat Ms. Yane at tiyak kong lahat tayo rito ay magiging malusog." Huling wika ni Ms. Diana sakin.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/fubu-(-tagalog-)-rated-spg_14427272706397405/mr.-miss-barangay_39514921410549267 for visiting.

Bumaba na ko sa stage para tumulong din ng harangan ako ni Whence.

Naka ngiti ito."Pwede ba tayo mag usap?"

"Para saan?" Pagtataray ko.

"Gusto ko lang sana humingi ng sorry sa lahat  ng mga nagawa ko."

"Ah ganoon ba? Okay..sorry ha pero busy kami." Nilagpasan ko pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Please..Gusto ko lang bumawi.Hindi ko naman intensyon na saktan ka at lokohin."

"Talaga? Paano pa ko maniniwala sayo? Tigilan mo nga ko Whence." Pilit akong lumayo pero ayaw niya kong bitawan.

"Malaking pagkakamali yun Yane! Oo inaamin kong pinagpustahan ka namin ng mga kaibigan ko pero hindi mo alam kung ano itong nararamdaman ko simula ng makasama kita.Hindi mo alam kung bakit hanggang ngayon hindi kita makalimutan.Gustong-gusto kita lapitan pero hindi ko magawa dahil lagi mong kasama si Tyron."

"Hindi ko talaga alam dahil wala naman din akong pakialam.Sa tingin mo ba maniniwala pa ko sayo? Sorry pero hindi na ko nag bibigay ng second chances sa ibang tao."

"Pero Yane.... Gusto ko lang naman na bumalik tayo sa dati. Yun lang naman ang gusto ko. Mahirap ba yun?"

"Hindi, tulad ng sabi ko wala na kong pakialam. Pwede ba tumigil na kayo ni Cecil ,wag nyo na kami guluhin ni Tyron dahil masaya na kami nag ganito."

Lumayo na ko at nilapitan si Tyron."Kinausap ka ba niya?" Usisa sakin ni Bff

"Oo." Sagot ko habang namimigay ng seeds.

"Ano naman ang sinabi?"

"Nag sorry lang,"

"Pinatawad mo?"

"Hindi."

"Eh bakit hindi maipinta yang mukha mo?"

"Wala..."

Di niya napigilan at ni layo nya ko sa maraming tao.Doon sa puno niya ko dinala.

"Bakit?" Usisa ko.

"Halata naman na gusto mo pa siya dahil kung wala na ? Hindi mangyayari yang itsura mo.Baka nakakalimutan mo ang Operations: Revenge."

"Alam ko naman yon, kaya wag mo na lang ipaalala sa'kin." Iniwan ko na lang siya kahit panay ito tawag sa pangalan ko.

I'm not affected, bakit ko mararamdaman yun kung masaya na ko sa kung anong meron sa'min ni Bff. Dito pa lang kontento na ko. At isa pa, gusto kong gumanti sa paraan unti-onti ko siyang nasasaktan.

Next chapter