14 Mahal kita

****

Naka iwas na ko sa pag-aaral ngunit hindi pa pala ako magbubuhay Reyna sa bahay namin.Bukod kasi sa dito ako sa bahay ni Tyron,abala naman kami sa Adyendang isinasagawa ng mga kandidato.Sobrang dali lang naman ang adyendang pinili namin. Ewan ko lang sa iba parang pang kapitan na ang pinangako.

Hindi rin ako hirap kasi nandiyan si Tyron  para alalayan ako lalo sa pagtatanim.Sa totoo lang hindi ako mahilig magtanim at Ewan ko ba kung bakit yon ang lumabas na ideya sa isipan ko.

Nandito kami ngayon sa bakanteng lote.May mga kasama kaming dalawang pamilya,at ibang kagawad na rin para magtanim.Sinosuportahan nila ang layunin naming gulayan sa bakuran kaya nakakapag bigay ng motibasyon sa sarili ito.Kahit nga hindi kami ang manalo ay okay lang at least nagawa namin ang isinumpang pangako sa harap nila.

"Bff, paabot ng seedling tray." Pakiusap ko.Inabot naman niya sakin at lumapit.

"Galing, Matatapos na pala kayo diyan." Bulaslas niya.

"Oo, sunod ililipat namin yung mga napa tubo sa mga paso at plastic bottle." Sagot ko.

"Ako na bahala doon pahinga ka muna." Inabot sakin ang tubig.

"Salamat." Nakiusap ang isang lalake na siya na tatapos sa ginagawa ko kaya nagkaroon ako ng oras para makaupo.

"Marami na rin pala tayong na ipamahagi sa bawat bahay ng mga napa tubo ,sila na lang bahala maglipat sa paso."

"Baka nga after one month may aanihin na sila."

"Tama.Oo nga pala, may tinanim akong malunggay sa bakuran nyo.Tuwang-tuwa nga si Tita dahil para raw sa kanya yon."

"Bakit naman daw?"

"Ewan ko, sabi lang niya."

"Ganoon? Eh teka, nasaan nga pala siya?"

"Nagpaalam lang nahihilo raw eh."

"Sabi ko kasi wag nang tumulong satin dahil kayang-kaya naman natin 'to.Ang dami kayang handang tumulong sa atin."

"Ang dami ko ngang natatanggap na feedbacks mula sakanila.Mabuti nga raw at iyon ang naisipan naging adyenda.Lalo pa at lagi na nga nila ginagawa yon,mas mapapatuloy pa nila yung ginagawa dati.Sobrang tipid pa nga raw,kapag nga raw wala silang maiulam pitas lang sa bakuran."

"Good to hear.Masaya na nga ko kung ganito lagi natin gagawin."

"Oo nga,"

"Ano na pala susunod nating schedule?" Napansin ko naman na parang may hinahanap siya."Hoy! "

"Ohh?"

"Sino ba hinahanap mo?" Inis kong tanong.

"Wala.." Sakin na tumingin."Ano pala tinatanong mo?" Ulit niya.

"Schedule....."

"Ah..." Tinignan ang isang app sa cellphone niya, "kailangan pala natin magpunta ngayon sa farm nila Manong George. May gagawin tayong presentation para sa adyenda natin."

"Anong klaseng gagawin?"

"Edi, magluluto.Mag isip daw tayo ng kakaibang dish and gulay ang main ingredients.

"Ah okay, Mag-iisip ako, o kaya tanungin ko si Mama . anong oras daw ba?"

"Before lunch sana kasi may mga magpupuntahan din mga kagawad pati yata si Kapitan .Sila rin ang magiging judge sa iluluto natin."

"Nakaka pressure..."

"Kaya natin 'to!"

Yun na nga, pinauna ko na si Tyron sa farm para maihanda ang ilang gamit na gagamitin sa pagluluto.Habang ako naman ay nagtatanong Kay mama na kakaibang dish. Mahilig pa naman si Mama sa ganitong daming experiment sa pagkain.Ibinigay na rin ni Mama ang listahan ng lulutuin,naituro na rin niya kung paano ,sobrang dali lang naman kaya dumiretso ako sa palengke sa iba pang sangkap na hindi makukuha sa bakuran Pero yung pinaka main ingredients ko ,sa bakuran ko nakuha. Yun nga lang sa kapit bahay hindi samin.

Handa na ang lahat para panuorin kami.Mga naka harap sila sa lamesang gagamitin namin.

Naituro ko na rin Kay bff ang procedure kaya keribels na raw ito.

Matapos ang hudyat na Lights ,camera ,action. Ay kaagad kami ngumiti ni Tyron.

"Magandang tanghali sainyong lahat.Nandito po tayo ngayon sa Farm ni Manong George at kasalukuyan pong lahat tayo ay nasasabik kung ano nga ba ang maaari nating lutuin para sa ating pamilya." Panimula ko.Kahit nakaka kaba dahil first time kong magsalita na may camera.

"Tama ka diyan partner.Ano nga ba ang maaari nating iluto gamit ang gulay mula sa ating bakuran.Lalo po ngayon ay wala na tayong maisip na pwedeng lutuin kung puro baboy ,manok ,isda na lang 'di ba?" Tumingin sakin.

"Yes partner, Kaya hindi na natin patatagalin pa dahil gutom na rin ang ating mga judges nito.So ,nandito po ang mga ingredients."

"Isang sibuyas na pino ang pagkaka-hiwa, tatlong itlog , Harina , water and of course MALUNGGAY." patuloy ni Tyron.

"Una, ihanda ang harina ,lagyan ng tubig at haluin. Pagka-halo tsaka nyo isalin ang sibuyas ,haluin nyo lang po ng haluin hanggang sa ilagay nyo na po ang malunggay na ating main ingredients. Haluin lang hanggang sa mag mixed ang  lahat.Kung sa tingin na po ay okay na rin ang dami ng tubig. Ready na po yan para iprito," habang sinasabi ko si Tyron ang gumagawa.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/fubu-(-tagalog-)-rated-spg_14427272706397405/mahal-kita_39514940989563759 for visiting.

"Kailangan po mainit ang kawali para hindi dumikit ang ipriprito natin, mas mainam din kung mas maraming mantika para makikita natin ang pag lutang ng tortang malunggay,at kapag lumutang na ibig sabihin luto na."

Panay naman ngiti at tango ang mga nanunuod sa ginagawa ni Tyron.

"Remind ko lang po na pure malunggay po ang ilagay natin,yung mismong dahon hindi po yung mga powder dahil alam naman natin na maraming naglalabasan na ngayong powder malunggay.Mas good po tayo sa pure malunggay na mang gagaling sa ating bakuran."

Tinulungan ko na siyang mag hango ng mga na lutong tortang malunggay.

"Mga mommies ,gawin nyo po ito lalo sa mga buntis dahil kilala ang malunggay para makapag produce ng maraming gatas.Sa mga breastfeeding po diyan,alam nyo na po ang alternatibong paraan kung paano natin makakain ang malunggay na hindi ka mauumay.Nabusog kana,naging healthy pa kayo ni Baby."

"At alam mo ba partner ,may konting trivia lang ako.Ang tawag na ngayon sa malunggay ay superfoods dahil sa taglay nitong maraming benepisyo sa ating katawan."

"Aba,at talagang pinag-handaan ng partner ko ang segment na ito."

"Syempre naman partner at dahil pinaghandaan ko ito ,ma share ko na rin sainyo yung mga nalaman ko tungkol sa malunggay." Ako na ang nag prito para malaya niyang maibahagi ang kanyang sasabihin.

"Ang malunggay ay nakaka pagpalakas ng katawan dahil sa hitik ito sa vitamins at sustansiya, nakakapaglalakas ito ng katawan lalo sa mga bata, na kailangang ng source of energy dahil sa pagiging aktibo ng mga ito. Mayron itong taglay na protein na doble pa sa gatas, potassium na higit pa sa makukuha sa saging, Vitamin A na higit pa kaysa sa carrots, at Vitamin C na pitong beses pang higit kaysa sa oranges. Kaya naman nakakatulong itong magpatibay ng immune system at labanan ang mga common bacteria.

Mayaman din ito sa calcium, kaya't rekumendado na kainin o higupin ang sabaw nito ng mga nanay na nagpapasuso ng kanilang sanggol, para mas maging hitik sa bitamina ang gatas ng ina."

"Kung may benepisyon ang malunggay sa mga Mommies and baby,siguro naman nakaka-gamot ito ng sakit?" Dagdag ko.

"Tamang-tama yang tanong mo partner.,Mayron itong medicinal properties na nakakatulong sa paggamot ng diabetes at sakit ng ulo, at iba pa.Mabisa itong nakakagamot sa sakit ng ulo, migraine, at kahit ano pang sakit ng katawan. Napatunayan na rin ang malaking tulong ng malunggay sa pagpapa-normal ng blood sugar, kaya't nakakatulong sa diabetes. Nilalabanan din nito ang intestinal worms o bulate sa mga bata, lagnat, at hika.Nakakatulong sa Metabolism.

Habang lumalaki, mabilis at aktibo ang metabolism ng mga bata. Pero kapag nagkasakit, nawawalan ng gana at humihina ang metabolism, kaya't nakakatulong ang pagkain ng malunggay dahil sa taglay nitong sustansiya. Mabisang pampagana at pantunaw ang malunggay, dahil na rin sa taglay nitong fiber, kaya't makakatulong sa pagbigat ng timbang at paglaki o pagtangkad. Mayaman din ito sa fiber at amino acid kaya't napapatibay ang cell development ng isang bata, habang nakakatulong din sa anumang digestive problem tulad ng hyperacidity at ulcer.

Kung gusto namang mabawasan ang timbang lalo na pagkapanganak, malunggay din ang dapat isahog sa kinakain dahil sa hitik ito sa fiber. Ang mabilis na metabolism kasi ay makakatulong sa pagtunaw ng mga hindi kailangang fats o taba sa katawan." Ang mahabang litanya ni Tyron Bow!

"Sa pagkakaalam ko partner mainam din daw ito pang protektado ng mga mata.

Palagi bang nakatutok at nakatitig sa electronic gadgets, computer o TV ang inyong mga anak? Ito ang pangunahing nakakasira ng mga mata o paningin. Mayaman ang malunggay sa Vitamin A, kaya't siguradong makakatulong ito kalusugan ng mga mata. Ang ginagawa ng iba ay pinapakuluan ang dahon at iniinom na parang tsaa." Ako naman ang bumanat.Naalala ko kasi sinabi ni Mama yun dati sakin.

"Korek ka diyan partner! At kung anu-ano pang mga benepisyo ang ibinibigay ni Malunggay.Nakakatulong sa paggaling ng mga sugat.Pati mood swings, napapawi o nababawasan dahil sa malunggay.Nakakapagpaganda ng buhok.Mabisang antioxidant." Pa liwanag pa nito habang nag lalagay muli ng panibagong tortang malunggay.

"Para sa mga mag-asawang nagpaplanong magkaanak, mabisa din ito sa para reproductive health.

Mayron din itong taglay na aphrodisiac properties para makatulong sa libido at pampagana sa pagtatalik. Nakakatulong din ito na mapadami ang sperm count sa pangmatagalang panahon na pagkain nito.

Sadyang "versatile" at napakaraming benepisyo ang malunggay. Ang sikreto lang ay ang matutong magluto ng may kasamang dahon nito, o malaman ang iba't ibang paraan ng paggamit nito, dinikdik man, pinakuluan o ginawang powder o tablet form. Kaya't huwag nang magdalawang isip at ipakilala na ito sa buong pamilya, lalo na sa mga bata.

Isang babala: Kung gagamit ng powder form, siguraduhing organic ito. Magtanong sa doktor bago uminom o magpainom ng anumang tableta o powder form ng malunggay na nabili sa iba, at hindi nanggaling sa sariling kusina o bakuran. Dahon, prutas at buto lamang ng malunggay ang ligtas kainin ng mga bata. Huwag magpapakain ng ugat nito."

"Mukhang okay na yan partner, mahabang trivia rin ang natutunan namin.So tapos na po ang tortang malunggay namin.Maaari na rin po itong ibigay sa mga judges para mahatulan." Ani ko.

Kaagad naglapitan ang mga kaagad at ibinigay sa ibang judges.Kasama ng kanin ay ginawa nila itong ulam,ang tanging sawsaw nila ay keychap.

Labis naman ang pasasalamat namin ng magustuhan nila ang ginawa naming Tortang malunggay ,humingi pa nga sila ng Pakiusap na ulitin namin ito para may mga malaman ang iba pang magulang tungkol sa mga gulay sa bakuran.

****

"Pagod kana ?" Katatapos lang namin kumain.Nilapitan niya ko rito sa upuan ko.Dahan-dahan niyang minasahe ang balikat at likod ko.

"Salamat, ikaw din ,alam kong pagod kana."

"Okay lang 'yan.Successful naman ang araw natin ngayon,wala na rin naman tayong schedule ng hapon kaya makakapag-relax pa tayo."

"Talaga? Wahhh, ang sarap matulog nito..."

"Kaya nga, Kami na lang maglilipit nito ,diyan ka lang..."

"Tutulong ako," Bigla naman sumakit binti ko kaya di na ko tumayo.

Nakakapagod naman pala talaga pero nakakatuwa dahil ang dami namin nagawa this day.

Pinauna na kong umuwi ni Bff dahil tatapusin lang nila ang mga ligpitin.

Nag linis muna ako ng katawan bago nahiga sa kama ni Bff.Sabi ko pipikit lang ako pero tulog na pala ang ginawa ko dahil bumangon ako ay gabi na.Kumakalam din ang sikmura ko kaya no choice kundi maghanap ng makakain.

Hindi ko na datnan si Bff sa bahay.Nasaan kayo 'yon? Naka uwi na kaya siya? Hahanapin ko lang muna siya para sabay kami kumain.Nagsuot ako ng jacket bago lumabas.

Hinanap ko siya ngunit wala naman ibang tao sa court.Sa clubhouse ko sunod pinuntahan at Nandoon lang pala siya.May kasama, at tanging dalawa lamang sila rito sa loob.

"Uuwi kana ba?" Tanong sa kanya.

"Hindi pa naman, Bakit?" Sagot ni Bff.

"Gusto pa kasi kita makasama." Dahan-dahan niyakap ni Cecil ang bewang ni Tyron

"Oh Sige, wala naman problema doon. Saan mo ba gusto?"

"Sa bahay nyo na lang kaya?"

"Ay hindi pwede doon."

"Bakit?"

"May bago kasi akong aso ,sobrang tapang baka sakmalin ka."

Napakuyom ako.Ginawa pa kong aso nito!

"Omg.Talaga? Okie sa bahay na lang.Wala naman akong kasama.Doon na lang natin ituloy."

Ituloy? Ibig sabihin may ginagawa na pala sila kanina pa.hmp...

"Okay ako diyan," Si Bff na ang kusang humalik Kay Cecil.

Ganito rin ba siya humalik sakin? Parang iba ang halik niya Kay Cecil, parang mas ganado siyang makipag halikan at natitiyak kong sa love making ang sunod diyan.

Hindi ko na lang sila tinignan at umalis nalang.Parang nahihirapan akong tignan sila na ganoon. Parang ako ang naiinsulto kasi ginagawa rin namin yun ni Tyron pero hanggang fubu lang talaga.Baka nga gusto pa talaga niya si Cecil,baka di lang niya masabi dahil alam kong maghihiganti kami.Pwede naman ako na lang ang gumanti,Bakit kasi sumasali pa siya?

Yung gutom ko na palitan ng inis sa sarili.Kaya nag laptop na lang ako dahil hindi rin ako makatulog sa pag-aalala na baka hindi pa umuwi si Bff. Sanay na kasi ako. Sanay na ko na nandito siya palagi sa tabi ko.

Alas tres ng madaling araw,narinig kong bumukas ang gate. Mabilis kong pinatay ang laptop at nagtalukbong ng kumot, kunwari tulog na ko.Mayamaya binuksan niya ang pinto ng kwarto at pumasok sa kumot ko.Isang yakap ang ginawa niya sakin habang inaamoy-amoy ang likuran ko.

"Yane ..." Teka ..wait ...bat ganoon ?

"Yane ..." Muling tawag sa'kin.Hindi boses ni Tyron 'to wah?

Waaaah ...sino 'tong nakayakap sakin? Tsaka ko lang din na amoy alak ang lalakimg nakayakap.

"Patawarin mo na ko." Muling sambit.

Gotcha! Kilala ko na.Gumalaw ako para humarap sa kanya.

"Whence? A-anong ginagawa mo rito?" Tinakpan niya ang aking bibig.

"Sssh , Wag kang maingay."

"Paano ka ba naka pasok dito?"

"Gumawa ako ng paraan.Sobrang miss na miss kita." Nag hahabol ito ng hininga ng angkinin nito ang aking labi.

Nag tagal ang halikan namin at sa bawat paghinto namin ay pareho lamang kaming naghahabol ng hininga.

May nag uudyok sa puso ko na sige patulan mo siya 'di ba may feelings kapa sa kanya? Edi go! Kaya lang may parte naman na, niloko ka niya,wag kang magpapa-uto ulit diyan.

Hinalikan niya ang aking leeg.Nangingilabot ako sa bawat haplos ng kanyang kamay. It is real? Siya nga ba talaga ang kasama ko? Ghad ! Papayag ba talaga ako na magpagalaw ulit sa kanya?

Dahan-dahan niyang hinubad ang bra ko at T-shirt.Heto ang nag mimiss ko sa kanya,yung lagi niya ginagawa noon pero alam nyo kung sino ang iniisip ko ngayon? Si Bff ....iniisip ko kung nasaan na siya ,iniisip ko na dapat siya na lang gumagawa sakin nito.

Naghalikan kami at sa di inaasahang....

Bumukas ang ilaw ng kwarto!

"YANE ! WHENCE ?!?!"  Patay ! Nahuli ....

Bumalikwas kami pareho ni Whence sa higaan.Isinuot ko kaagad ang damit ko upang maitago na may ginagawa kaming milagro.

"Pre ..." Tumayo si Whence.

"Anong Pre! T@ngina ka!" Sinutok niya si Whence kaya naman gumanti ito Kay Bff.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.Alam ba? Ang alam ko wala si Mama sa bahay. Waaaaa..Sige na,aawatin ko na.

"Tyron tama na ! Whence..." Wala pa rin silang patid sa pagsusuntukan.

"T@ngina ka Whence... Pagkatapos mo lokohin Bff ko ang lakas ng loob mong pumasok sa pamamahay ko para galawin si Yane!!!"

"Tama na!!" Hindi pa rin sila nakikinig. "Sinabing tama na! Kung ayaw nyo tumigil ako ang aalis!!!!"

Lalabas na sana ako ng kwarto pero hinila pa ko ni Tyron.

"Ikaw ang lumayas Whence! Layas!" Walang lingon lingon at kumaripas ng takbo ito palabas.

Hinawakan ni Tyron ang magkabilang balikat ko.Paulit ulit siyang nagmumura sa harapan ko.

"Ano bang problema mo?! Minumura mo na ba ko ha!?!"

Tiim bagang siyang tumitig sakin."T@ngina talaga! Bakit pumayag kang ....Fvck ! Ahhhhh..." Nag wala ito at pinagbabasag ang mga frame sa high table.

"Pwede bang mag relax ka lang!?" Inis kong utos.

"Damn you !" Nabigla yata siya sa sinabi niya.

"Minumura mo nga ko, Damn you too!" Pinihit ko ang doorknob pero hinila niya ko palapit sa kanya.

"Damn you because I love you!"

"Haa ? A-ano ???"

"Damn you because I love you." Ulit niya pero ngayon ay kalmado.

"Ano bang sinasabi mo diyan Bff." Umatras ako.

"Yane, Sorry, sorry kung bakit hinayaan kong mahulog sayo." Umiyak na ito sa harapan ko.

"Mahal kita ..Pinipigilan ko pero mahal kita!"

"Shut up." Mahina kong wika.

"You ...You shut up !!!" Sigaw niya sakin. Humilamos siya gamit ang kamay.Ginulo-gulo ang buhok.

"Bakit ganyan ka Yane? Di ba niloko ka niya ,di ba maghihiganti tayo sa kanila bakit ...bakit pumayag ka naman agad na may mangyari sainyo,"

"Walang nangyari," Pagtutuwid ko.

"Kahit naaaaa...Ganoon din yon.Kung na huli pa ko ng duting baka na aktuhan ko pa kayo."

"Eh ano bang problema doon! Okay naman ako sa operations: Revenge di ba? Eh bakit nagkakaganyan ka??"

"Wala sa usapan natin na magpapagalaw ka sa kanya!"

"Bakit nasa usapan din ba natin na may mangyari sainyo ni Cecil !?"

"Ano?"

"Wag kana nga mag ano-ano diyan.Alam kong may nangyayari sainyo ni Cecil at alam kong mahal mo pa siya.Bakit hindi kana lang lumaya Tyron.Bakit kasi sumasali kapa sa away namin ni Whence? Pwede naman kung Malaya mong mahalin si Cecil di ba?"

"Mali ang pagkakaunawa mo."

"Mali? Mali na ba yung nakita ko? Hinalikan mo siya, tapos biglang magagalit ka dahil sa nakita mo kami ni Whence na naghahalikan? Ang unfair 'di ba?"

"Ginawa ko 'to dahil mahal kita..." Hahawakan sana niya ko pero ako na lang ang lumayo.

Next chapter