19 Last Chapter

Last Chapter

***

Dating mataba ngayon ay bumaba yung timbang. Dating binubuli ngayon ay hinahangaan. Dating kinaiinisan dahil sa katabaan ngayon ay minamahal. Marami nagbago mula nang turuan ako at tulungan ni Tyron upang maabot ang pinapangarap maging sexy. Hindi lamang para gumanti kami sa Dalawang Huwad kundi para patunayan na may kakayahan pa rin kami lumigaya sa kabila ng panghuhusga ng tao.

Akala ko dati kapag mataba ka, pagkain yung magiging forever ko pero hindi pala. Kahit saan tingnan may darating at darating na lalaki para sa'kin.

Ang katotohanan sa likod ng lahat nang ito. Yes, buntis ako at hindi si Whence yung AMA kundi si Bff, Oo, si Tyron mismo. Itinago ko yung katotohanan dahil gusto ko. Dahil na iinis akong si Bff din pala yung makakabuntis ako kahit ang katotohanan minamahal ko siya ng todo-todo.

"Yaneeeeee ...." Bulyaw ni Mama sakin.

"Bakit Ma???"

"Manganganak na yata akooooo."

"Ha? Eh teka, teka, tatawagan ko si Tito."

"Dalhin nyo na ko sa hospital."

Tarantang taranta naman akong dumayal sa Phone.Tinatawagan ko si Tito pero hindi sinasagot.

"Mama, Wait lang.tinatawagan ko na Asawa moooo..."

"Aaaaahhhh ...Di ko na kaya Yaneeee .Ang sakit na talagaaaa .Pakiusap, Si Tyrooooon tawagin moooo baka nasa bahay nila."

"Wait lang ,Mama Dadalhin na kita sa Hospital." Inayos ko na ang bagong kotse nila Mama.

Pinaupo ko siya sa gitnang pwesto ako nalang ang nag drive.Kung minamalas ,traffic kaya wala akong bagawa kundi maghintay na lumuwag ang traffic.

"Yane, na tawagan mo na ba sila?? Sabihin nyo kailangan ko ng kasama sa Hospital."

"Opo, Ma.Tinext ko na po.Pinasara ko muna yung Gym para sumunod din si Bugak."

Baka pati ako nito mapa-anak ng wala sa oras. Na stress ako sa ingay ng bunganga ni Mama. Sa totoo lang, kabuwanan ko na pero sana huwag ngayon dahil kailangan ako ni Mama para may magbantay sa kanya.

"Ang gamit ng bata, yung Daddy niya. Nasaan na ba?"

"Ma, kalma.Okay na. Huwag mo na isipin ang gamit dahil madali na yan.Isipin mong maging okay kayo ng kapatid ko."

"Yane, 'di ko na maisip yun.Ang sakit na talaga."

"Ohh ayan na Ma, malapit na tayo ..."

Kainis, panay pakawala ng mura. Kainis, bubuka-bukaka tapos magrereklamong masakit. Haist,

"Yane, ano baaaaa.Konting bilis naman..."

Inihinto ko yung kotse sa tapat ng Hospital. Balewala lahat mga sinasabi nito dahil lutang ang isipan ko sa nangyayari. Sapo ko yung tiyan ko pababa ng kotse.

"Nurse, nurse." Tawag ko.

"Bakit po Misis ! Manganganak na kayo???"

"Hindi, yung nanay ko.Paki kuha sa loob ng kotse." Apat na nurse ang nag tulong tulong upang ipasok sa hospital si Mama.

"Yane, diyan ka lang hangga't wala si Tito mo."Hawak ang kamay ko.

"Opo, Ma. Dito lang ako." Ipinasok na siya sa Paanakan. Habang ako ay naiwan dito sa labas at naghihintay.

"Yane, where's your mother?"

"Uncle, nasa loob na po siya,"

"Oh, thanks God. Are you alright?" Usisa sa'kin.

"Yes, Uncle.I'm alright."

Kahit nararamdaman kong medyo sumasakit ang aking puson ay nanatili akong kalmado.

"Yane....."

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/fubu-(-tagalog-)-rated-spg_14427272706397405/last-chapter_39542245975711033 for visiting.

"Tyron...."

"Si Mama?"

"Nasa loob na."

"Ikaw ? Ayos ka lang ba?"

"Umm, ayos lang." Pagkatapos kong sabihin yon ay biglang humilab ng sobrang sakit ang tiyan ko.

"Ahhhhh ...Araaay ...."

"Yane, bakit? Wag mo sabihin na manganganak kana rin?"

"Hindi ko masasabing hindi dahil sobrang sakit n----"

"Teka, tatawag ako ng Nurse." Pinaalalayan niya ko Kay Uncle tapos tumakbo siyang palayo samin.

Manganganak na yata talaga ako dahil sobrang sakit na nang tiyan ko. Yung feeling na kaya ko pa mag relax pero ngayon ay hindi na. Ganito siguro yung pakiramdam ni Mama kanina pa papunta kami rito sa Hospital.

Dinig ko yung hiyaw ni Mama sa kabilang side ko. Kahit alam kong masakit ay nanatili akong kalmado sa panahong ito. Ayoko magpaka-OA masyado gaya ni Mama. Wala rin mangyayari kung umiyak ako at tawagin si Tyron.

FIRST TIME KO LANG ITO PERO SI MAMA PANGALAWANG BESES NA NIYANG NA EXPERIENCE PERO KUNG MAG-INGAY AY GANOON NA LANG. BAKA NGA TALAGANG NAGGER SI MAMA.

****

TYRON'S POINT OF VIEW

NANGINGINIG kong isinara yung takip ng mineral water. Kalma Tyron. Magiging maayos din yung byenan mo at Asawa. Kung bakit kasi nagsabay pa yung mag-ina manganak. Excited na ko para makita ang ANAK namin ni Yane. Sa totoo lang, gusto ko na sana pumasok sa loob para paanakin sya ay gagawin ko talaga pero ano ba alam ko diyan?

Mula rito sa labas mas dinig ko pa ang ingay ng bunganga ni Mama. Grabe, talaga.Ginamit na naman nito ang pagiging bungangera. Kinakabahan tuloy ako sa resulta nilang dalawa. Mas okay na sana yung mag-ingay si Yane kaysa tahimik na nganganak.

Saktong Alas Dose ng tanghali nanganak yung dalawa. As in saktong-sakto. Hindi sila nag-usap, pero nagkataon lang.

"Okay kana ba?" Bungad ko ng malipat ito sa Ward.

"Hindi pero si Baby?"

"Nasa ibaba pa, baka mamaya lang dalhin dito. Tulog na tulog si Mama," sulyap ko sa byenan.

"Paano hindi matutulog eh halos maubos yung lakas sa pagsigaw at pag-ire. Yung baby ko, ah? Huwag mo itatakas."

"Itakas? Ba't ko gagawin yung bagay na yun?"

"Baka kunin mo sakin."

"At bakit nga? Hindi ko gagawin yon.Ikaw lang naman ang may kayang gumawa nyan eh ."

Iniwasan niya ko ng tingin.

"Mahal kita Yane.Kahit naglihim ka, tinanggap ko kung ano ang mga dahilan mo kahit ni isa wala kang sinabi," Patuloy ko pa.

"Sorry dahil nag lihim ako.Natakot lang ako na baka isipin mo kay Whence yung anak natin kaya 'di ako nag dalawang isip na sabihing kay Whence yung bata."

"Kahit ano pang dahilan mo Yane.Tatanggapin kita ,masaya na rin ako dahil ako talaga ang Tatay ng anak mo.Masaya ako dahil hindi kayo nagkatuluyan ni Whence."

Tinitigan niya ko ng sobrang tagal.Nais ko sana siyang yakapin pero nag dalawang isip pa ko kung tutugon siya.

Mayamaya pa ay dumating yung dalawang nurse na may dalang babies.Sakto na gising si Tita at ibinigay sa kanya ang kanyang anak.Nang nasa ibabaw na ng kanyang dibdib ang anak namin ay labis ang ligaya ni Yane.Tears of Joy.

"Hi Baby Frian." Bulaslas ko.

"Frian ?" Usisa niya .

"Yes, Frian name ng Baby natin."

"Hi Baby Frian.Nandito na si Mama mo at si Daddy Tyron," Sa'kin pala naka tingin at naka ngiti.

Labis ang sayang nadarama ko ngayong nakita ko na sila.Ang saya.Sobrang saya ko. Binuhat ko si Baby Frian para lalo lumigaya ang aking puso.

"Hi Anak, si Daddy 'to. Isa kang napaka laking regalo samin ng Mommy mo.Aalagaan ka namin at di ko kayo iiwan ng Mommy.Mahal na mahal ko kayong dalawa."

Hinalikan ko sa noo ang aking anak at tsaka ibinalik sa bisig ni Yane.

Tama, heto na yata ang pinaka masayang parte ng buhay ko.Ang maging ganap na Tatay dahil meron na kong anak.

After Two days naka labas na silang mag iina.Sa bahay muna nila ako nakikituloy para tulungan si Yane sa pag-aalaga kay Baby.

Sa Unang gabi ng pagbabantay ko ay labis yung puyat.Hinahayaan kong matulog lang si Yane para ako yung mag bantay kay Baby sa gabi.Di baleng puyat ako ,si Baby Frian naman ang inaalagaan ko.Kumuha ng taga pagbantay si Tita para sa kanyang anak dahil hindi naman pwede si Tito mag bantay dahil maraming inaasikaso sa trabaho nito.

"Good morning.Pwede kana matulog .Ako naman ang magbabantay kay Baby." Sabi niya sakin nung kinaumagahan.

"Sure ka? Parang di ko kayang iwan ang anak ko.Parang di ako nakakaramdam ng antok kapag nakikita siya."

"Matulog ka.Mamaya mapupuyat ka na naman eh.Sige na."

Niyakap ko siya, "Yane, Salamat ha?"

"Para saan?"

"Binigyan mo ko ng Anak."

"Sira,"

"Oo nga, Salamat dahil magkasama na tayo ngayon."

"Wala yun."

"Uhm, Yane."

"Po?"

"Mahal mo ba ko?"

Bago ito sumagot ,malalim na titig ang ginawa niya sa'kin.

"O mahal mo na ba ko?"

Hinalikan niya ko sa labi. "Mahal kita, Noon pa Tyron.Hindi lang ako naging matapang kaya itinago ko ang totoo.BFF, IKAW AT SI BABY FRIAN ANG MAHALAGA sakin NGAYON."

Iyak tawa ako sa mga narinig kong pag-amin niya sa'kin.

"Mahal na mahal kita Yane.Sobrang mahal na mahal.Ipinapangako kong ikaw ang mamahalin ko hanggang sa mga huling pag hinga ko.Palalakihin natin si Baby ng mabuting bata ,hindi natin siya iiwan at pababayaan.Lahat ng makakabuti sa kanya ibibigay natin.Mahal na mahal kita Yane."

"Wag kana umiyak.Mahal na mahal din kita Tyron. I really miss you " Halikan lamang ang ginawa namin at yakapan.

Wala na kong hihilingin pa dahil na sa akin na ngayon yung mga taong dahilan bakit nagpapatuloy akong mabuhay sa mundo. The best talaga kapag pareho nyong mahal yung isa't-isa. Walang pilitan.

****

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

MAHABA man ang lalakarin ni Yane mula sa pintuan patungong altar ay balewala ito sapagkat naghihintay yung lalaking minamahal niya hindi lang bilang kaibigan kundi isang lalaking minahal niya ng sobra-sobra. Lingid sa kaalaman ng iba. Akala nila si Whence yung tunay nitong minamahal ngunit mali ang inaakala ng iba. Si Tyron yung tipong hindi niya kailanman pinagsawaan samahan sa lahat.

Noon pa man, pareho silang lumba-lumba alam nitong si Bff niya yung para sa kanya. Bakit kamo? Nasa vocabulary niyang magpakasal sa lalaking naka-una sa kanya. Hindi man naging perfect yung unang kwento ng dalawa pero sa huli sila rin yung pinagtagpo at itinadhana.

Matanda ka man o bata. Maitim o maputi. Matangkad o pandak. Panget o maganda. Payat o mataba, may karapatan ka pa rin lumigaya sa piling ng taong mamahalin ka ng sobra. Malay mo nasa tabi-tabi lang yung taong makakatuluyan mo. Buksan at damahin ang tunay na kahulugan ng Pag-ibig. Lahat tayo liligaya sa iba't-ibang panahon at pagkakataon.

Next chapter