18 I'm a Dad

Yane's Point Of View

****

"Ma, magpapa- check up na po ako." Paalam ko Kay Mama na ngayon ay kumakain ng manggang hilaw.

Nakakangasim !

"Ohh, nasaan ang magaling mong boyfriend? Bakit hindi ka niya samahan?"

"May inaayos lang po."

"Aba, Yane, qnim na buwan na pareho ang tiyan natin pero ni minsan hindi ko na kitang sinamahan ka ng Whence na yon kahit sa pag-check up mo lang."

"Sinamahan naman niya ko ah?"

"Kailan? Three months ago? Hoy, Yane ngayon mo na rin malalaman kung babae ba yan o lalake ang anak mo.Aba,.bakit hindi niya iniwan yung lakad niya para sainyong mag-ina."

"Ma, gayaan mo na siya."

"Ewan ko sayo,"

"Ma,"

"Ano?"

"Penge naman, bago ko umalis."

"Bawal. Akin lang 'to,"

"Ma, kaonti lang nagdadamot na!"

"Basta!" Itinago kaagad nito sa ilalim ng mesa.

Dumating si Bff,

"Ayan si Tyron magpasama ka,"

"Ano po Tita?"

"Samahan mo nga 'tong anak ko mag pa check up."

"Sure po tita. Wala naman akong gagawin."

"Umalis na kayo," tumingin Kay Bff. "Umalis kaagad kayo at pinag-iinitan ang mangga ko,"

Bago umalis inirapan ko muna yung baboy na yun. Kaasar!

Naupo ako sa gitnang banda ng kotse at ahimik lang kaming nag punta sa hospital kahit panay tanaw si Bff sa rear mirror. Nang marating namin kaagad kami pinapasok ni Doc sa loob at pinahiga ako.

"Mommy ,excited po ba kayo malaman kung Boy or Girl ba ang baby nyo?"

"Opo, sa katunayan nga po nag iisip na kaagad kami ng ipapangalan sa baby namin."Masaya kong sagot.

"Sige, akong bahala." Tahimik lamang kaming tatlo na nakatingin sa ultrasound.

Wala akong maunawaan kaya nakatitig ako sa screen habang si Bff ay tahimik din pinapanuod ako sa pagkakahiga. After 2 minutes ,ngumiti si Doc.

"Congratulations po Mommy and Daddy ...Its Girl!"

Nag-uumapaw ang aking puso ng sambitin 'yon ni Doktora.Prinsesa pala ang baby namin ni Whence. Nakakatuwa.

After ng check up ay dumiretso muna kami ni Bff sa Mall.Kumain kami at namili ng mga gamit ni Baby.Tinulungan niya kong pumili ng mga gamit at kulay.Syempre dahil girl ang baby ko, Pink at light green ang couple sa mga gamit at clothes ni Baby. Ang dami namin binili,meron pa nga at bumili na rin ng crib si Bff para raw sa inaanak niya. Well ang bait talaga ang BFF ko.

"Okay na ba sayo mga gamit?" Usisa nito.

"Oo, bff. Happy na si Baby." Sabay haplos ko sa tiyan.Umiwas ito ng tingin sa'kin.

"Okay. Umuwi na tayo baka inip na inip na ang Mama mo."

"Okay sige."

"Nakaramdam na naman ako ng gutom.Hay, si Baby talaga ang takaw takaw." Bulaslas ko, himas ang tiyan habang nasa kotse.

"Ano ba gusto ni Baby?" Usisa niya habang naka tukod ang siko sa bintana ng kotse.

"Masarap sana yung mangga eh saka bagoong. Hay," Emote ko.

"Ganoon ba? Hindi pa pala nawawala yung paglilihi mo."

"Hindi pa nga," Siyang sulyap sa rear mirror.

"Sige," inihinto niya ang kotse sa tapat ng nagtitinda ng mangga at bagoong.

"Heto na baby wag kana magutom,ibinili kana ng Ninong mong pogi." Sabay abot sakin at andar ng kotse.

"Salamat Ninong..."

Kumain na ko at lahat ay na ubos ko kaagad. Busog na busog kami ni Baby ng makauwi kami sa bahay.Naupo kami sa sala ni Bff habang siya ay chinecheck ang mga gamit ni Baby.

"Magaganda ang quality ng mga gamit ni Baby. " aniya.

"Syempre, magaling kasi ang Ninong pumili.Uyyy !"

"Ohh bakit?" Pag-aalala niya.

"Gumagalaw si Baby..." Tuwang-tuwa kong siwalat.

Siyang dampi sa aking tiyan.Sakto ang gulo gulo ni Baby sa tiyan ko parang ang saya-saya niyang nakita ang kanyang Ninong.

"Nakaka gaan ng puso na ganyan ka sigla si Baby," Sabi niya.

"Oo nga eh,"

"Yane." Nawala ng ngiti yung Bff ko nang dumating si Whence. Mabilis din niyang inilayo ang kamay niya sa tiyan ko.

"Kumusta naman ang Baby? Anong gender niya?"

"It's a girl."

"Talaga? Wow! Natitiyak kong kasing ganda mo siya Mahal." Sabay yakap sa'kin.

"Sayo rin magiging mana si Baby. " Bulaslas ko pa.

"Bff, Mauna na ko ha.May gagawin nga pala kami ni Bugak.Nag papasama kasi sa Mall."

"Bakit?"

"Bibili raw siyang Cellphone."

"Ah okay. Sige, ingat kayo." umalis na nga si Bff at bahagyang nakangiti si Whence sakin.

"Congratulations Yane." Bulong nito.

"Salamat,"

Siya nalang ang nag ayos ng mga gamit ni Baby sa kwarto ko saka kami nag-usap tungkol sa mga ginawa niya nitong araw. Hanggang sa inantok nalang ako at umaga na nagising.

"Yane, gising na."

"Opo,"

"Kumain na tayo at aalis ngayon."

"May check up ka ba Ma?"

"Wala."

"Eh saan tayo pupunta?"

"Kakain sa labas, ayaw mo ba?"

"Ayoko Ma ,tinatamad akong umalis."

"Sure ka na ba diyan?"

"Opo."

"Okay, So paano ako nalang?"

"Sino ba kasama mo?"

"Si Tyron,"

"Ah okay. Sige ingat kayo."

"Sure ka ba talaga?"

"Oo nga,"

"Wala kang kasama rito,"

"Magpupunta na lang ako sa Gym."

"Sige, bahala ka wah? Baka mamaya eh, sige aalis na kami."

Muli akong bumalik sa pagkakatulog ng isara yung pintuan ng kwarto. Pasado ala-una ako naka bangon. Dahil hindi ako nakapag almusal sobra naman yung dami kong kain. Minabuti ko na lang din lakarin patungong Gym.

"Hi bugak! Kumusta ang gym? Madami ka bang costumer?"

"Opo, Ate. Since kaninang umaga pa,"

"Talaga? Wow! Sige bigyan kita ng bonus kapag malaki kita natin ngayong araw."

"Magkano ate?"

"Excited?"

"Hehe hindi naman po Ate. Sige maupo kana rito sa trono mo."

Isa rin siguro sa dahilan kung bakit madami dumadayong nag-gi-gym dahil kay Bugak. Panay kasi patawa sa mga tao rito. Dahil na libang ako sa kakapanuod sa mga taong labas-masok ay hindi ko na pansin maghahapon na.

"Ate, di ka ba na gugutom?"

"Medyo."

"Ano bang gusto mo?"

"Banana split,"

"Ha? Saan naman ako makakabili ng ganoon?"

"Sa kabilang kanto."

"Ah okay. Sasakay nalang ako ng tricycle."

"Nope, lakarin mo lang malapit din naman eh."

"Ay ate ha? Nakakahalata na talaga ako sayo.Bakit mo ko pinahihirapan?"

"Hindi ah, lakarin mo nga,"

"Wag na ate ,dapat pala hindi na ko nag tanong,"

"Ikaw naman kasi,."

"Yung Daddy nalang ni Baby ang utusan mo. Nasaan nga ba siya?"

"Ewan."

"Si Ate, masyado malihim."

"Bakit naman?"

"Hindi mo pa sa'kin sinasabi kung sino ang tatay ng Baby mo!"

"Kailangan ba?"

"Aba, Natural.Boss kita. Nakakatuwa nga eh dahil sabay pa kayong buntis ni Madam. Hindi naman kayo nag-usap noh?"

"Hindi naman.Magkaibang lugar namin ginawa yun."

"Eh sino nga kasi Ama niyan?" Pangungulit nito.

"Teka, Maiba tayo. Ano naman na pala mo sa pag huhunting kay Whence? Ano bang na patunayan mo?"

"Well, Ate. Sabi ko naman kasi sayo Playboy yun eh!"

Natatawa ako sa mga sinabi niya."Bakit naman?"

"Aba, dahil nga sa nahuli ko itong may ka chuchu eh eto pa ang nakakabigla. Putek ! Akala ko talaga babae yung tipo niya. Hindi ako makapaniwalang LALAKE ANG GUSTO NYA."

NGUMISI AKO.

"Paano mo naman na sabing Lalake ang gusto niya."

"Kilala mo si Gardong?"

"Ohh?"

"Putek ! Syota niya 'yun! Ghad!"

"Paano mo na patunayan

na syota niya ito?"

"Gusto mo pruweba?"

"Ah, uhm."

"Kanina lang nakita ko sila dito sa Gym! Shokot putek. Naghahalikan sa Cr ng mga Lalake!"

"At bakit mo nakita sa Cr ng mga Lalake? Anong ginagawa mo roon?"

"Ah, eh.Hehe kasi nga 'di ba? Ini-istalk ko siya. Ayan sa kakahabol ko iba ang nakita ko.Isip pa ko ng isip kung sino Gf nya yun pala Boylet."

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/fubu-(-tagalog-)-rated-spg_14427272706397405/i'm-a-dad_39541873940954765 for visiting.

"Well, so do you think BAKLA si Whence?"

"Yah!"

"Haha..." Hindi ko mapigilan matawa.

"Ano nakakatawa?"

"Nothing---Nothing,"

"Si Ate naman parang sira.Sige na nga at bibili muna ko ng makakain natin.Wag na yung banana split ha? Mahal yun saka malayo ang lalakbayin ko."

Pagkalabas ni Bugak siyang dating ni Bff.

"Si Mama?" Bungad ko.

"Nasa bahay na.Kausap sa video call si Tito,"

"Ah okay."

"Umuwi kana mahamog na mamaya sa labas."

"Oo mamaya.Bumili pa kasi ng makakain si Bugak."

"Sige, dito lang ako."

"Okay."

Pinapanuod ko ito mag buhat ng barbel. Ang hot pa rin ni BFF. Walang kupas.

"Ate!" Nagulat ako Kay Bugak.

"Ano ba 'yan bugak! Mapapa anak ako sayo niyan eh!"

"Ay sorry ate na carried away lang.Heto na po ang ulam natin tapos kanin na rin po."

"Ay, yan pala binili mo?

"Ay, Bakit ayaw mo?" Pang babara nito.

"Umiiwas na ko sa Kanin."

"Wow diet?"

"Tanga, syempre baka manasin ako!"

Palapit itong Bff ko.

"Ohh, anong pinagtatalunan nyo diyan?"

"Umiiwas na pala sa Rice ni Ate Yane.Hehe ito ang na bili kong hapunan namin."

"Nasaan ba kasi yang boyfriend mo? Bakit hindi siya ang bumili ng mga kakainin mo ha?!"

Ang init na naman ng ulo nitong BFF ko.

"Boyfriend?" Usisa ni Bugak na parang na gulat pa.

"Oo, boyfriend.Ang Ama ng magiging anak nila. Jusmiyo."

"Ho? Kilala mo kung sino ang tatay ng anak ni Ate Yane?"

"Obvious ba? Malamang si Whence lang naman ang boyfriend niya!"

Takang-taka akong tiningnan ni Bugak.

"Boyfriend mo si Whence ????!!" Bulaslas niya.

"Paanong nangyari 'yon eh.BAK------" tinakpan ko kaagad ang bibig nito.

"Bugak, pwede ba lumabas ka muna?" Dinilatan ko ng mata itong si Bugak.

Kakamot kamot siyang lumabas ng Gym.

"Ano bang nangyayari Kay Bugak? Hindi ba niya alam na mag syota kayo ni Whence?"

"Alam,"

"Bakit ganoon siya maka-react? saka anong sinasabi niyang BAK? ANONG BAK?"

"WALA.WALA YUN.KANINA PA KASI SIYA NA GUGUTOM.SANDALI AH..KAKAUSAPIN KO LANG.WAIT."

Sinundan ko si Bugak sa labas.Takang-taka pa rin itong lumapit sa'kin.

"Ate, Pwede paki Explain sa'kin kung anong nangyayari. Ang gulo eh."

"Oo, tama nga sinabi ni Bff. Boyfriend ko nga si Whence."

"Syete! Bakit? BAKLA YUN DI BA? AT NAG KA ANAK KAYOOOO???"

"Pssst, Wag ka ngang maingay. Boyfriend ko nga siya ,at totoong BAKLA nga si Whence pero hindi totoo na siya ang AMA NITONG DINADALA KO."

"WHAATTT? WAIT HA? SO YOU MEAN , BF mo siya kailan mo pa alam na BAKLA siya??"

"Simula ng magkabalikan kami."

"Umayghad.So, kung hindi nga siya ang Ama niyan.Eh, sino?" Napatakip siya ng bibig.

"Si KUYA TYRON ANG AMA NG ANAK MO?!"

Malakas niyang banggit.

"AKO? AKO ANG AMA NG ANAK MO YANE??" Tila tumigil ang mundo ng marinig ko ang boses ni Tyron.

Heto na yata ang pinaka ayaw kong parte ng aking kwento.Alam na niya ang totoo.Alam na niyang siya ang Daddy ng Baby Girl ko.

"BFF,TAMA BA ITONG MGA NARINIG KO? AKO BA TALAGA ANG DADDY NI BABY?"

Hinarap ko siya ng buong tapang. Kahit kinakikitaan na ko ng pagluha ay hindi ko maiwasang itagong okay lang ako.Kaya ko ito.Haharapin ko kung ano ang totoo sa makatotohanang pangyayari.

Next chapter