8 Dream Come True

Tyron's Point Of View

****

"Wala pa rin ba siya?" Kanina ko pa hinihintay.Ang tagal naman.Saan pa ba nagsusuot ang baboy kong kaibigan.

"Sundan mo na kaya?" Utos sa'kin ni Whence.

"Bakit ko naman gagawin 'yun? Ikaw ang BOYFRIEND 'di ba?" Sarap sapakin ,kapag sa maayos na nangyayari OK siya kapag hindi na bahala na.

"Mauuna na kami ni Cecil." Lumingon ako sa GF ko."May usapan kasi ang barkada namin ngayong hapon."

"Sorry Babe. Till next time na lang ha? Ikaw na bahala sa kaibigan mo." Hinalik-halikan niya ko sa pisngi bago sila umalis at iwan mag-isa rito sa parking lot.

Saan ko hahanapin ang magaling kong kaibigan? Baka nag man hunting na naman yun!

Taranta akong pumasok sa kotse dahil nandito na naman kasi yung mga habol ng habol sa'kin sa University. Nakakaloko lang dahil kung dati sobra sa'kin manghusga tapos ngayon todo habol ,may kasama pang tili.

Hinintay ko lang muna humupa ang tensyon bago lumabas sa kotse.

"Tyron, Hey! Bakit pinagtataguan mo kami?"

"Sorry girls, may inayos lang sa loob."

"Ow em ghey Tyron ! Ang laki na talaga ng pinagbago mo? Huhu ...pwede bang akin ka na lang?" Maraming nag protesta sa sinabi ng isang Babae.

"Stop na, Actually may gagawin pa kasi ako.Sa susunod na lang siguro tayo mag-usap-usap ha?"

Mga nakasimangot sila ng bumalik ako sa kotse at pinaandar ito.

Sinusubukan kong tawagan si BFF ngunit naka patay ang cellphone.

Walang hiyang Yane !

Saan ba siya nagsususuot?

Nyeta,

Napag-desisyunan kong umuwi dahil baka sakali na nandoon na siya ngunit wala ng tanungin ko Kay Tita Giebeth.

"Kingina bata 'yan! Irereport na ba natin sa mga pulis?" Bahagya akong natawa sa biro ni Tita.

"Tita ,Hindi naman po siguro na kidnap ang anak nyo.Sa laki ba naman nya? Baka sa paghatak lang hirap na hirap na 'yong kinadnaper." Hindi ko na pigilang tumawa kahit sa itsura nito na hindi natatawa."Ay ! Sorry po tita, nag bibiro lang ako." Malapad na ngiti ko siyang tiningnan.

"Haahahaha, Kung alam mo lang.Bet na ko yang biro mo." Ako itong nawalan ng kibo. "Ano? I-report na ba natin?"

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/fubu-(-tagalog-)-rated-spg_14427272706397405/dream-come-true_39493904239743800 for visiting.

"Tita , Hindi pa naman lumilipas ang isang oras kaya hindi pa tayo maaaring mag report sa mga pulis na nawawala si Yane,"

"Ah Oo nga pala !" Relax na relax naman itong umupo sa sofa tapos kumain ng butong pakwan."Baka lumalamon lang 'yun kung saan. Hayaan mo siya."

"Hindi po ba dapat kasama niya ko ,dahil ako lang naman ang buddy niya pagdating sa pagkain?" Up and down niyang tiningnan ang katawan ko.

"Seriously? Lumalafang kapa ng ganyan ? Akala ko ba proper diet ang ginagawa mo?"

"Oo nga po.Kaya lang ,di ko matiis si Yane, bumabawi na lang ako sa pagpapapawis."

"Ganoon ba? Bakit di mo subukang ayain si Yane sa ginagawa mong goal? alam mo naman na conscious na conscious na ko sa katawan niya."

"Ginawa ko na yan tita pero parang wala namang balak eh."

"Hindi ba siya nahihiya ? Boyfriend niya kamo si Whence tapos siya?"

"Baka naman po talagang seryoso si Whence."

Pero sa totoo lang.I hate him ! Hindi ko talaga  siya gusto para sa bff ko.Halata namang trip niya lang ang kaibigan ko eh.

"Make sure lang niyang seryoso talaga siya dahil once na malaman kong pinaglalaruan lang niya si Yan. Hmp, Humanda sa'kin ang angkan niya!"

Kung titingnan, Napaka bully niyang Mama Kay Yane pero kapag usapang lokohan? Aaah...Magtago na sila sa sinapupunan ng kanilang nanay dahil kilalang nugger si Tita Giebeth.

"Uuwi na muna po ako."

"Oh bakit?"

"Magpapalit lang ng damit.Hahanapin ko siya sa lugar kung saan kami tumatambay."

"Sige lang.Sabihan mo ko kaagad para naman hindi ako mahibang kakahintay sa baliw kong anak.Hayaan mo at ipagtatanong tanong ko rito sa subdivision."

Lumakad na ko at nagbihis ng damit.Hindi ko man alam kung may pag-asang makita siya pero ayoko pa rin naman mag-isip na may nangyari sa kanya.

Nandito na ko ngayon sa coffee shop ngunit wala.Nagpunta rin ako sa Gym nila ngunit wala rin ,maski sa restaurant na pinagtatambayan namin ay wala.Para malaman ko kung magkasama na sila ni Whence ay nagtungo ako sa kanilang bahay.

"Wala pa rin ba siya?" Nakatingin lamang ito sa malayo."Saan naman siya magpupunta? Hindi ko nga siya makontak kanina pa eh." Sakin na lumingon.

"Hinanap ko na siya kung saan." Sinilip ko muli ang relo ko ,pasado ala sais na nang gabi.

"Hindi kaya nasa University pa siya?"

"Bakit? Anong gagawin nya roon?"

"Ewan, feeling ko lang, Tara?" Aya niya sakin.Sumakay siya sa kotse ko ngunit hindi kami pinapasok dahil may ginaganap na event sa dulo ng school.May VIP Ticket dapat at wala kami nun.

May na pagtanungan kami isang lalake.Ngunit wala naman raw siyang nakikitang babae kanina pa buhat ng isara nila ang gate.Nakiusap kami na kapag may nakita siyang matabang babae at Yane ang pangalan ay sabihan kaagad kami.

Binilan nito na maghintay kami rito sa labas kung sakali ngang nandito si Yane. Inabot kami ng dalawang oras sa paghihintay at talagang sadya namin ikinagulat na may isang putok na umalingawngaw sa loob ng University.

Hindi kami nag aksaya ng oras ni Whence upang alamin kung saan nang galing ang putok na 'yon.May kasunuran kaming dalawang security guard na nagmamadaling pumasok.

"Babe ..." Tulalang wika ni Whence habang naka tanaw sa di kalayuan.

Lumingon ako kung saan siya naka tingin at 'yon na nga.Si Bff ! Nakita na namin ngunit naka bulagta ito sa sahig at walang malay.

Ang mga kalalakihan na nasa sampu yata ay tinutukan ng dalawang security guard. Pagdakay may mga ibang security pang dumating.

Tinapik lamang ako ni Whence dahil nakita nitong nawala ako sa huwisyon.Pinanuod kong sumisigaw si Whence para dalhin sa hospital si Yane.

"Yaneeeeeee .....Anak !!!" Labis ang pag-ngawa ni Tita ng ipaalam ko ang nangyari sa kanyang anak.Sino ba kasi hindi iiyak ng ganito.

May tama ng bala si Yane sa tagiliran.Maraming dugo ang nawala kaya hindi naging maganda ang kondisyon nito.

"Jusko naman Yane.Bakit kasi gumagala kapa,"Balak yatang gibain ni Tita ang pintuan ng ER dahil sa labis na pag-aalala.

"Tita, Magiging okay din po si Yane. Siya pa ba?" Paglalakas loob ko rito.

Tulala lamang si Whence naka upo sa upuan.Nagbabakasaling lumabas na rin ang doktor.

"Kung hindi ka siguro lumayo sa Gf mo baka hindi siya napahamak." Nag lack ang gum ko sa inis dito.

Parang hindi kasi siya nag-aalala sa Bff ko eh.Baka iba iniisip niya hindi ang kalagayan nito.

"Bakit mo ba sinasabi sa'kin 'yan ngayon? Nandito ba ko para pakinggan yang wala mong kwentang panenermon?"

"Bakit hindi? Responsibilidad mo yatang hatid sundo ang Gf mo Whence."

Tumingin siya Kay Tita tapos saka nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.Halata namang plastic.

"Okay kasalanan ko man o hindi, Pwede ba wag na tayo magsisihan? May magagawa ba yang panunubat mo para maging okay lang si Yane?"

Dinampi ni Tita itong balikat ng upang kumalma ako kahit paano.Lumabas na rin ang Doctor ,sinabi niya samin na stable ang kalagayan ni Bff  natanggal na rin ang balang bumaon sa kanyang katawan.Labis Labis naman ang Pasalamat ni Tita dahil sa ligtas na buhay ni Bff.

Nakalipas ang dalawang araw na pagpapahinga ni Bff, naka labas na rin siya sa hospital ito ay dahil sa pamimilit na rin niya.

"Maaaa," Nag umpisa na naman yumakap si Yane Kay Tita.

"Oh ano?"

"Ma, hindi po ako papasok.Tutal tinatapos ko lang itong thesis ko."

"Mas mainam,bawas gastos sa baon."

"Ma, naman eh."

"Gutumin mo muna ang sarili mo dahil malapit na fiesta rito sa'tin."

"No way, 'Di ko kaya 'yun,baka nga walang pumasok na idea sa sintido ko about Thesis,"

"Hindi kapa mamamatay kung 'di ka kumain sa loob ng tatlong araw 'di ba?"

"Grabe ka talaga Mama noh? Samantalang noong nasa hospital ako todo alala ka tapos ngayon---"

"Iba kasi yun, doon kasi may chance na mamatay ka eh sa tatlong araw ba naman na walang kain at tanging inom lang ng tubig ,ikamamatay mo ba yon?"

"Ah Ewan!" Inirapan ako."Magsama kayong may mga saltik!" Padabog itong naglakad sa stairs at dahil sa heavy gat niyang katawan parang nagka crack ang hagdanan.

"Bakit po siya nagpunta sa itaas? Akala ko po ba ayaw niya magpunta roon?" Usisa ko.

"Doon siya ngayon gumagawa ng thesis niya.Mas nagiging panatag daw isipan niya kapag nakikita yung picture ng Papa niya."

"Eh bakit kasi hindi na lang niya ilipat sa kwarto?"

"Araw-araw daw siya malulungkot kung ganoon ang gagawin niya.Maski nga ko hindi na rin doon natutulog dahil nalulungkot lang ako kapag naaalala ko ang asawa kong 'yon."

Kung sa bagay.

Nagpaalam na ko para umuwi na rin.Ang layo kasi ng uuwian ko. Hehe.

Nag-text sa'kin si Cecil at inaaya akong mag-gayak para sa darating na Fiesta. Nakiusap na rin sanang doon ako tumuloy sa bahay nila para pag-usapan ang tungkol samin.Kaagad akong pumayag. Pero bago yon ay pinadaan niya muna ako sa kanilang bahay para kunin ang banderitas.

Hindi pa man ako nakakapasok sa bahay nila,ibinigay kaagad sa'kin ng kasambahay nila ang banderitas.Panay kasi pa cute ito sakin.

"Ang laki talaga ng pinayat mo Tyron," Aniya.

"Salamat."

"Yung kaibigan mong mataba pumayat na rin ba?"

"Ah si Yane ,hindi pa nga,"

"Bakit di mo tulungan para pumayat din?" May biglaan namang lumabas mula sa garden na lalaki.

Sa palagay ko isa ito sa mga hardinyero nila Cecil.

"Maganda si Yane kung hindi lang talaga mataba 'yun baka niligawan ko na siya." Kunot noo ko siyang tiningnan kaya siniko siya ng babaeng kasambahay.

"Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Sige po mauuna na ko baka hinihintay na ko ni Cecil sa baranggay."

Pumasok ako ng kotse at inihagis sa likod itong banderitas.

Nakakawalang gana kapag may nagsasabing maganda si Yane. Ayoko lang dapat ang makakapansin nun.

"Babe," Itinaas nito ang kanang kamay para makita kong nandoon siya.

Nandito rin pala si Whence. Hindi ko talaga matanggap na may nangyari na sakanila. At hindi pa rin ito dumadalaw sa bahay laging dahilan ni Yane na busy lang talaga si Whence dito sa baranggay.

Hindi ako naniniwala. Mas binibigyan nito ang kanyang barkada ng malaking oras kaysa sa Bff ko.Nag uumpisa pa nga lang sila ,wala na siyang kwenta,What if tumagal pa sila? (Eh kung magtatagal)

"Babe." Halik sa labi ko."Thank you Babe sa pagdala nito.Maaasahan ka talaga.Wait lang ,ibibigay ko lang sa kanila 'to."

Naiwan kami ni whence na tahimik.Matapos kong makita na makikipag tawanan si Cecil sa mga lalake saka ko tiningnan si Whence na nakatingin pala sa'kin.

"Si Yane kumusta ba?"

Umiling ako sa inis. "Try mo kasi dumalaw sa bahay nila para alam mo kung anong balita sa kanya."

"Alam niyang busy ako.Nauunawaan niya 'yon."

"Kahit na." Matalim na titig ko siyang tiningnan.

"Bakit parang nagagalit ka?"

"Ayoko lang kasi ginagago ang Bestfriend ko."

"Sino ba gumagago sa Bff mo?" Maang-maangan. Lintek,

"Tingnan mo yang mukha mo sa salamin saka mo ulitin yang tanong mo, Bwiset!"

Naka kuyom ang kamao nito ng unti-onting lumapit sa'kin.

"Whence  ! Tyron ! Tumulong muna kayo rito !"

Pasalamat siya at may tumawag sakin kung hindi baka umuwi siyang may pasa sa mukha.

"Babe! Whence !" Si Cecil na itong tumatawag sa'min.

Nauna kong lumapit sa kanila sunod naman si Whence.

Halos wala pa sa kalahati ang pagkabit namin ng banderitas dahil biglang bumuhos ang ulan.Nakiusap ang ilan na ipagpatuloy nalang kinabukasan dahil mukhang hindi pa titigil ang bugso ng ulan.

Hinatid ko lang muna si Cecil sa bahay nila pero masyado siyang mapilit  para pumasok muna ako sa bahay.

Dinala niya ko kaagad sa kwarto nito at may pinabasa sa Laptop.Sumusulat pala si Cecil ng isang article and laking gulat ko ng makita ang isang article tungkol sa taong mataba ngayon ay biglang pumayat.

I don't know kung ako nga ba ang tinutukoy niya pero feeling ko naman kasi na ako talaga.

"Babe." Naka tapis lamang siya ng towel sa katawan galing sa Cr. "Gusto mo ba mag shower?"

"No thanks.I have to go na rin naman,"

Lumingon na ko muli sa laptop pero naramdaman kong yumakap siya sa'kin.

"May itatanong sana ako sayo Babe."

"Ano yun?" Naaamoy ko ang kanyang sabon na ginamit.

"Are you still virgin?" Nanlaki ang mata ko.

"Bakit mo natanong?"

"Curious lang. Are you still virgin?" Ulit niya.

Humarap ako."What do you think?"

"I think? Uhm----Maybe?"

"Maybe what?" Usisa ko.

Hinawakan niya ang aking dibdib patulak sa kanyang kama.Tila ba nang aakit ito sa'kin.Kagat niya ang kanyang labi.

"Virgin or not ...I'm a fucking you." Bulong sakin.

Hinalik-halikan niya ang aking dibdib pababa sa aking tiyan.

"Cecil wait..."

"Bakit?"

"Wag."

Ngumisi sa'kin. "Anong 'wag?" Natahimik ako."Tell me, are you gay?" Inirapan pa ko.

"No---I'm not ...Ayoko lang gawin 'to,"

"Why? Boyfriend kita 'di ba?"

"Pero---"

"Ano?" Hinalikan niya ko sa labi."Tatanggihan mo ba ko? Nasa iisang kwarto lang tayo Babe.Malamang dapat iniisip mo na diyan na may mangyayari satin."

"But not this time.Okay?" Bumitaw siya sa pagkakahalik.

"Ano bang problema mo? Palay na yung lumalapit sayo tapos tatanggihan mo pa?Mahal mo ba talaga ako Tyron?"

"Of course I love you, hindi sukatan yung 'Sex' para patunayan na mahal mo ang tao."

"Shit," Tumayo na ito at nagtago sa Cr.

Lumabas ito na may suot nang damit at short. Hindi niya ko pinapansin habang nag tatype sa kanyang laptop.

"Babe?" Mahina kong tawag.

"Uhm?" Ngunit hindi ako nililingon.

"Sorry,"

"Okay. bukas ang pintuan," Sabay turo."Pwede kana umalis."

Tanga. Kung dati pinagnanasaan ko yung kaseksihan niya tapos kung kailan siya na itong nag-aaya nag-e-enarte pa ko.

Tumayo na ko para i-lock ang pinto.Sinandal ko ang aking likuran tapos tinitigan siya.

"Ilang rounds ba ang kaya mo?" Tila natigilan siya sa usisa ko rito.

Lumingon siya at nang irap.Nilapitan ko siya at sabay sunggab sa kanyang labi.

Yung dating pagnanasa ko sa kanya parang ngayon matutupad.

Inis na inis nga ko sa sarili ko kung bakit gustong-gusto kong lamasin ang dibdib niyang napakalaki.Tapos yung puwet niya na naka usli dahil sa sobrang laki.

Grr, Dream come true.

Totoong lalake ako kaya sa tuwing nakikita kong  ang suot niya ay litaw yung legs at dibdib.Sobra akong nagwawala lalo itong alaga ko. Sobra pagnasaan ang isang Cecil na nobya ko.

Next chapter