3 Deal

Sa lamig ngayon hindi ko rin naiwasan na yakapin siya ng mahigpit habang dinidilaan niya ang aking leeg patungong tenga.May kiliti akong nararamdaman habang ginagawa niya 'yon.Gumagapang ang kanyang kamay pababa sa aking puson at mas pababa pa sa hita.

Walang humpay kaming naghahalikan at pinagsasaluhan ang gabing ito.Hanggang sa itaas niya ang suot kong damit at pinaglalaruan ng kanyang dila ang aking nipples.Panay pakawala lamang ako ng matitinding ungol sa ginagawa niya.

"Oh ! BFF !" Kusang lumiliyad ang ang aking katawan dahil sa kiliting na darama.

Halik na may kasamang pagnanasa.Halik na  kailanman hindi ko pa naranasan sa buong buhay ko.Kay Tyron ko lamang narasanan ang lahat, ang halik na pinangarap ko lamang at itong romansa na sa mga movie ko lang napapanuod o na babasa.

"Tyron ! Uhhhhmm..."

Tangkang huhubarin ni BFF ang suot kong undies ngunit mabilis ko itong pinigilan.Nakipagtitigan siya sa'kin ng matagal bago ako magsalita.

"Wag." Mahina kong pakiusap. "Hindi pa ko handa."

"B-akit..." Minamalat niyang usisa sa'kin.

Umiling ako."Virgin pa ko.Ayoko lang mawala ito nang basta lang."

"BFF tayo 'di ba?" nagsalubong ang kilay ko.

"Hindi ito para sayo.Para ito sa lalakeng pakakasalan ko at pakakasalan ako." Natauhan naman siya sa kaniyang ginawa.

Hindi ko man inutos sa kanya ngunit na gawa nitong tumayo at magdamit muli.Inihagis sa'kin ang kumot.

"Magbihis kana." Pagdakay iniwan na ko mag-isa sa kwarto.

Totoo naman,

BFF kami pero di ko sinabi na porque BFF kami maaari na niyang kunin ang pagkababae ko.

Ano yon?

Ibibigay ko lang ng basta na wala man lang kami na raramdaman sa isat-isa? Gagawin namin ito kahit init ng laman lang ang dahilan?

Hindi maaari.

Gaya ng tinuran ko ,ibibigay ko lamang ang pagkababae ko sa lalakeng deserve akong pakasalan.

Muli nang bumalik ang liwanag ngunit malakas pa rin ang ulan kung kayat hindi pa rin ako maka-uwi.Ang inaalala ko kasi kanina pa ay iyong hindi pagsipot ni Whence sa usapan namin.Baka nga kako hindi naman talaga kinausap ni BFF eh baka sinabi niya lang iyon para hindi kami magkita.

"Hi Whence,Gising ka pa ba??" Hinintay ko ang kanyang reply ngunit wala naman.

Lumabas ako ng kwarto ni BFF nag babakasakali na may makakain dito.

Nakita ko si BFF natutulog sa sofa. Hindi niya nakuhang matulog sa kwarto nito dahil alam niyang andoon pa rin ako. Nang makakain ako saglit sa kusina niya ay nagpunta ako sa pintuan. May nakita akong payong at saka binuksan.

"Uuwi na ko."bumangon siya,"Pahiram muna nang payong,"

"Okay ,ingat." hindi ko alam kung naiinis siya o ano kasi nagawa nitong maghilamos gamit ang palad.

"Okay," bago pa ko makalabas pinigilan niya kamay ko. "Bakit?"

"Sorry, kalimutan mo na sana iyong mga nangyari. Sana ganoon pa rin tayo ka-close at nag-aasaran. Hindi ko gustong mag-iwasan tayo."

Masaya kong hinawakan ang kamay nito, "Best friend forever tayo,Tyron kaya kung ano iniisip mo huwag mo nang isipin. Madali lang para sa'kin ang lahat para makalimot. Malaki kaya tiwala ko sayo. Kung gaano kabigat yang timbang mo ganoon din ka-Heavy ang pagkakaibigan natin."

Ang totoo, hindi ako ganoon uri. Ugali kong hindi basta makalimot sa nangyari lalo kung virginity na ang pag-uusapan. Pero dahil magkaibigan kami kaya kong kalimutan ang lahat nang ito.

DUMATING ang araw ng Linggo.May simpleng ganap sa bahay nila Whence ,tulad ng sinabi niya.Isuot ko raw ang T-shirt na ibinigay sa'kin.Wala naman akong ideya kung bakit.

"Hi Whence Happy birthday." Pambungad na bati ko nang makarating kami ni BFF sa party.

"Salamat Yane !" Inabot ko ang regalo."Nag-abala kapa."Napansin ko ang suot nitong Red T-shirt."Uy! Ang galing naman parehas tayo ng shirt?"

"Hindi lang parehas Yane ,Couple shirt ang suot natin," Lumabas ang dimple niya ng ngumiti sa'kin.

"C-couple?? B-akit ?" Inilahad niya ang kamay sa'kin.

"Tara,Ipapakilala kita sa mga kaibigan at barkada ko." Lahat ng tao ay itinuon ang paningin saming dalawa ni Whence. "Mga Tropa ,relatives ..Si Yane nga pala, siya yung tinutukoy kong gusto kong ligawan." Seryoso lamang ang mga barkada niya habang ang relatives nito ay nagbulungan.

"Whence, anong ibig sabihin nito?" Hiyang-hiya ako sa mga tao.

"Kailangan ko pa bang ulitin? Gusto kitang ligawan. Gustong-gusto kita Yane.Kahit sinasabi nilang mataba ka ,matakaw ,wala naman sa'kin iyon eh.Ang mahalaga mabuti kang tao."

Napansin ko kaagad si Bff na nakatingin lamang sa'min. Muli kong tiningnan si Whence na ngayon ay hinihintay ang sasabihin ko.

"Talaga bang liligawan mo ko?"

He nodded, "Matagal mo na kong gusto 'do ba?" Alanganin kung sasagot ako sa tanong niya. Minamata na kasi ako ng mga tao sa paligid namin.

Yumuko ako, "Hindi tayo na babagay. Ano ba laban ko sa panlabas mong kaanyuan. Napaka gwapo,maganda pangangatawa. Samantalang ako, hindi na nga kagandahan mataba pa. Hindi ba parang alanganin?"

Sige,Yane. I-down mo pa sarili mo. Down na down kana nga tapos magsasalita kapa tungkol sa sarili mo

Pinisil niyang bahagya ang pisngi ko. "Ituturing kita na parang Prinsesa. Lahat ng ayaw at gusto mo susundin ko. Ganito kasi ka-desidido ang puso ko para mahalin ka na walang hinihintay na kapalit,"

"Pero---"

"Kung iniisip mo ang sasabihin nila huwag mong intindihin. Tayong dalawa ang dapat nagkaka-unawaan. Tatanungin kita, gusto mo ba talaga ako?"

Lumingon na muna ako kay Bff kahit na parang wala lang sa kanya ito.

"Oo,gusto kita,"

MARUPOK!

"Talaga? So, pumapayag kana na ligawan kita? Huwag ka mag-alala bukas na bukas pupuntahan kita sainyo para manligaw,"

Okay na sana,eh kaso biglang tumunog ang sikmura ko. Naging dahilan tuloy ng kasiyahan ang lintek na tiyan na 'to!

"Sorry, hindi kita kaagad pinakain." Tumingin kay Bff. "Pre, kumain na kayo. Maraming pagkain diyan,"

Iyong mata ko imbis na puso ang lumabas,mga pagkain ang lumulutang. Kaagad kong hinatak si Bff sa pwesto ng mga pagkain. Nang makakuha ay lumugar kami sa wala gaanong tao.

"Bff...." Tawag ko rito.

"Yes,Bff."

"Ang saya ko!

"Alam ko."

"Hindi ko naisip na gagawin sakin 'to ni Whence."

"Maski naman ako eh." Nagsasalubong na naman ang kilay nito."Sana lang talaga tama yang desisyon mo."

Uminom ako ng tubig, "Naalala mo BFF yong dati nating pangarap o binabalak. Pareho tayong mataba at hopia sa pag-ibig pero dahil naniniwala tayo sa poreber hindi tayo nawalan ng pag-asang maghintay na dumating yung someone. Sabi mo pa nga sakin OPERATION : FINDING LOVE ! Kahit wala tayong ka-ide-ideya di ba? Pero heto na yun BFF. Nahanap na natin ang tunay na LOVE. Siguro naman may purpose si God kung bakit sabay dumating sina Whence and Cecil sa buhay natin at kung ano man iyon natitiyak kong napakalaking biyaya yun mula sa Dios."

"You're right. Wala na kong magagawa kundi tanggapin ang lahat." Hinaplos niya kamay ko."Kapag nasaktan ka nandito lang si BFF mo ha? Wala pa rin magbabago."

"Siguro yung pagkain pwede ko makalimutan pero ang BFF ko? Never yata 'yon! Naka-mark kana rito." Sumuntok suntok ako sa dibdib."Kaya kung ako sayo BFF ,ituloy mo na yang panliligaw mo Kay Cecil baka maunahan kapa."

Ngumiti sa'kin, "Hindi na kailangan."

"Ha? Bakit?"

"Napag-isip isip ko na ikaw muna ang iisipin ko."

"Ano?"

"Hindi ko muna liligawan si Cecil."

"Bakit????"

"Eh ano ba dapat?" Nag-pout. Pansin kong papalapit sa'min si Cecil.

Ngumuso ako sa likuran niya."Dapat maging  masaya ka rin. Iyon ang karapat-dapat para sayo." tumayo na ko at iniwan sila ni Cecil.

Makokompleto ang buhay ko kung pareho kami ni Bff na masaya sa lovelife. Hindi yata ako makakapayag na ako lang.

"Hello," bulong sa'kin ni Whence.

"Hi,"

"Nabusog ka naman ba?"

"Sobrang busog. Ang sasarap, wala akong pinalampas kahit na isa," masaya kong hinimas ang sariling tiyan.

"Mabuti naman, tara ipapakilala kita ng mas masinsinan sa Mommy and Daddy,"

"Ha? Ngayon na ba talaga? Wala pa tayong relasyon 'di ba?"

"Ganoon din 'yon." holding hands kami pumasok sa sulok ng kabahayan. Madilim dito at hindi ko matanaw ang dinaraanan namin.

"Bakit dito tayo dumaan?"

"Bago natin kausapin ang magulang ko puwede ba mag-request?" Huminto kami pareho.

"Ano naman 'yon?"

"Puwede ko ba i-kiss ang future girlfriend ko?"

"Ha?"

"Gusto kitang i-kiss," Pagkatapos niyang sabihin nun ay hinalikan na ko.

Bakit ganon? Parang ang gulo niyang humalik? Parang hindi smooth na katulad Kay BFF?

Naging mabilis ang kamay niya dahil na hawakan kaagad nito ang puwet ko.

"Sandali ..." Huminto naman."Kiss lang, wag nang so-sobra doon."

Ngumisi."Ano ka ba? Kapag naging tayo asahan mong ganyan ang gagawin natin kapag tayong dalawa lang."

"Ano?"

"Bakit? Wala ka pa bang experience sa ganyan na bagay?" Tulala ko siyang tinitigan sa mata."Wala pa talaga?? Are you sure?"

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/fubu-(-tagalog-)-rated-spg_14427272706397405/deal_38818980210732665 for visiting.

"W-wala pa."

Niyakap ako."Eh kung ganoon pala dapat lang na sa'kin ka mapunta." hinagkan ang aking labi. "Dahil ako ang unat-huli mong makakasama."

Ughhh!

Kainis, gusto kong kiligin.

Sarap niyang ihampas sa pader!

"Hinahanap kana yata ng Bff mo,"

"Ang akala ko ba ipapakilala mo ko?"

"Para sure kapag mag-syota na tayo."

Hindi na lang din ako nagsalita dahil pabor naman ako 'don. Balik kami sa party pero nagpa-iwan ako sa mga pagkain dahil kumakalam na naman ang tiyan ko. Gutom na naman ang alagang SAWA.

"Hey !" kinalabit ako ng isang babae.

"Kumakain ka na naman? Gaano ba kalaki ang sawa nasa tiyan mo at hindi ka mabusog-busog?"

"Eh, ano ba pake mo?" inis kong sumbat.

"Nakakainis kasi yang katawan mo. Hindi ka ba nahihiya? Paano pala kung naging kayo ni Whence? Oh my god. Baka mapatay mo siya dahil sa sobrang bigat."

"WALA KANG PAKE!" I rolled my eyes and sabay walk out.

"Kung ano ikinapayat ng katawan siyang kapal naman ng mukha." Bubulong-bulong ko.

"Sino kaaway mo?"

"Hi BFF ! Ano balita?" Inakbayan ko.

"Umuwi na tayo. Huwag kana magreklamo." hatak hatak niya kamay ko palabas ng party.

"Maaga pa, kadarating lang natin."

"Pasok!" bulyaw sa'kin ng buksan ang pinto ng kotse.

Nakuha kong umatras sa takot, "Ano ba problema mo?"

"Sinabi nang pumasok ka." hindi na nakasigaw pero nakakatakot pa rin. Wala na kong nagawa kundi sundin ang ipinag-uutos niya.

"Ano bang problema mo BFF? Kanina lang okay pa tayo ah?" Ito ang pinaka-ayaw kong ugali ni Tyron. Minsan mabait pero madalas masungit. Ang magalit ng walang sapat na dahilan.

"Bawiin mo mga sinabi mo sa kanya." laman ng isip ko ang salitang 'BAKIT'

"Layuan mo siya. Ang tulad niya hindi dapat pagkatiwalaan."

"Sinisiraan mo siya?"

"Kailan mo ko nakitang nanira ng ibang tao? Tingin mo sinasabi ko 'to para siraan lang siya? sa anong dahilan?"

"Pwede bang diretsahin mo ko? Bakit ba ganyan ka na lang magalit sa tao. Akala ko ba tanggap mo na siya ang magiging Boyfriend ko? Eh,ano ito?"

"Kanina lang din nagbago ang isip ko. Tumawag sina Mom."

"Anong connect?"

"Mawawala ako ng anim na buwan." Lumapit ako."May pinapaayos sakin si Mommy para sa bago nilang business n gagawin dito sa Pinas. Naisip ko na matagal din ang anim na buwan at paano nga kung sagutin mo kaagad siya? Sino na lang magbabantay sayo kapag sinaktan ka niya?"

Napanganga ako sa itinuran nito.

Ang labo niya!

"Natural naman sa relasyon yong may away di ba? Pero teka,hindi talaga kita ma-gets!" Cross arm kong tampo kunwari.

"Hintayin mo ko makabalik tapos papayag akong sagutin mo siya. Ano deal?"

"Anong deal? Anim na buwan ko siyang pahihirapan? Sa itsura lang ni Whence parang pang isang araw lang siya sa mga nililigawan niya."

"Deal?" Hamon niya.

"Ewan ko."

"Natatakot ka ba na mainip siya sayo? Kung talaga sincere siya maghihintay yon ng anim na buwan."

"Hindi naman sa ganoon.Kaya lang,paano kung ganoon na nga ang nangyari?" Kagat labi kong wika.

"Then may isang lalakeng darating sa buhay mo at magpapabago sa paniniwala mo.Isang lalakeng 'di ka iiwan kahit anong mangyari."

"Meron pa kayang ganoon?"

"Meron pa, magtiwala ka lang sakin ,okay?"

"OK DEAL."

Next chapter