17 Baby, Baby, Ohhh

Tyron's Point of View

Three months after,

***

Hindi man kami ang nag winwin marquez ay walang naging problema samin ni Bff. Tanggap namin na ang mga anak ng kapitan ang mananalo.Maganda rin naman kasi ang hangarin nila kaya okay lang din samin. Mas marami kaming votes na nakuha sa segment.

Hindi nga lang na tuloy ang pagpasok sa trabaho ni Bff dahil nagkasakit si Tita walang mag-aasikaso sa kanilang Gym.Sa ngayon ay nagpapagaling si Tita kasama ng kanyang Darling sa Cavite.Doon kasi inabot ng sakit ang mama niya kaya hindi matuloy tuloy ang uwi rito.

Lagi ko nalang pinapakalma si Bff dahil alalang-alala ito sa kanyang Mama.Wala naman din kaming magawa pa sa ngayon.

Pagkatapos naming kumain ay nag paalam itong pupunta sa banyo.Mula rito sa kusina nila ay dinig na dinig ko ang pagsusuka niya sa loob ng banyo.

Mukhang masama yata ang pakiramdam niya.

"Ako na muna ang magbabantay sa Gym magpahinga ka muna." Wika ko ng paglabas niya.

"Okay lang. Nandoon naman si bugak,"

"Sure ka?"

"Oo, mahihiga muna ko.Ang sama kasi talaga ng pakiramdam ko."

"Ohh Sige..."

Papasok na sana siya sa kwarto nito ng may nag bukas ng pintuan.

"Yane!!!" Nanlaki ang mata namin ni Bff.

"Mama !!!" Humagulgol ito ng yakapin ang kanyang Ina.Panay din iyak si Tita ng mag usap sila dalawa.

"Sorry mama.Sorry kung tatlong buwan kitang hindi na puntahan sa Cavite."

"Okay lang anak.Hindi naman ako pinabayaan ng Tito mo." Sabay lingon sa Jowa niya.

"Thank you." Matamis na wika ni Bff sa Bf ni Tita.

"Kamusta kana ba Mama? Ano ba talaga ang sakit mo?"

Nagkatinginan sila ng kanyang Jowa.

"Ang totoo anak..." May nilabas na Pregnancy Test kit. "Buntis ako at tatlong buwan na..."

"Ibig sabihin, wala ka talagang sakit?"

"Yung lagi pala masama pakiramdam ko senyales pala na buntis na pala ako.Hay...Akala ko talaga may sakit na ko."

"Talaga? Wooow! Magkakaroon na ko ng kapatid, Wooow." Tumingin sakin si Bff.

"Oo nga.Congratulations Tita and Tito." Bati ko.

Sumimangot naman si Yane."Bakit anak?"

"Kanina pa kasi masama pakiramdam ko Ma, papasok muna ko sa kwarto.Lalabas nalang ako kapag okay na pakiramdam ko ha."

"Uminom ka muna ng gamot."

"Baka sa pagod lang 'to..

Hindi na kailangan. Sige Ma ,Tito ,Bff ..." Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto.

Naupo sina Tita sa Sofa tapos humarap ako.

"Akala ko naman tita mang iiwan ka na." Biro ko.

"Aba ! Hindi yata pwede yon! Ako ang bida rito sa kwento."

"Haha. Akala ko kami ni Yane."

"Eh kamusta ba kayo?" Seryoso niyang wika.

"Okay naman po."

"Paanong okay?"

"Okay kami dahil BFF pa rin kami."

"Pusang gala, Wala pa rin?"

"Wala pa po, wala naman nangyari nung huling ginawa ko 'yon." Napaisip ako.

"Oh bakit?"

"Last THREE MONTHS may nangyari samin." Siwalat ko.

"Hindi kaya..." Napa isip muli kaming dalawa

Mabilis kaming lumapit ni Tita sa pintuan ni Yane.

"Hindi kaya buntis na siya? Sabi niya masama pakiramdam niya." Bulong ni Tita sakin.

"Hindi ko po alam,"

"Napansin mo bang lagi siyang bumibili ng napkin?" Nag isip na naman ako.

"Hindi ko po na papansin eh."

"Dapat isa yon sa mga inalam mo."

"Ganoon ba yon?" Tumango siya. "Malay ko po ba na ganoon pala yon.Eh paano po natin malalaman?"

"Hmm.,Alam ko na.Dito kana kumain ng hapunan ha?"

Tsaka siya lumapit sa asawa niya at pumasok sa kwarto. Naiwan na ko kaya naman umuwi na muna ako para mahiga.Umidlip muna ko para diretso kina Tita.

Nagising yata ako madilim na kaya nagmadali akong nag tungo kina Tita.

"Hello po."

"Ohh, Tyron bakit ngayon ka lang?" Usisa ni Tita na kumakain na sila sa hapag kainan.

"Naka tulog po kasi ako.Pasensiya na.." Tumabi ako Kay Bff tapos inabutan niya ng kanin.

"Salamat."

"AMay gagawin ka ba bukas Anak," Usisa ni Tita Kay Yane.

"Wala po.Baka dito lang din sa bahay.." matamlay pa rin niyang wika.

"Ganoon ba? Wala kasi akong makakasama bukas ..."

"Saan po Ma?"

"Magpapacheck up sana."

"Hindi ka po ba nagpa check up sa Cavite?"

"Hindi pa eh.Gusto ko kasi dito lang ako may record.Pwede ka ba?" Tila nag aalinlangan pa si Yane. "Kung hindi naman.Okay lang din.Baka ako nalang mag isa.Siguro kapag nahihilo nalang ako tsaka nalang kita tatawagan." Lambing sa anak.

"Ma, okay lang sakin.Sasamahan kita bukas.First check up nyo ni Baby kaya dapat naka support ako sa magiging kapatid ko."

"Salamat Anak." Tumingin naman si Tita sakin na parang may gustong-gusto sabihin.

"Sasama nalang po ako sainyo bukas." Siwalat ko kaya ngumiti si Tita. "Para naman may kasama kayo bukas."

"Si Tito ba saan pupunta bukas?"  Usisa ni Yane.

"Inaayos ulit yung pag-uwi niya sa kanila."

"Bakit?"

"Saglit lang naman.Nandoon kasi ang trabaho niya.Siguro after six months uuwi na siya rito."

"Okay."

"Ahm..Yane,"

"Po."

"May gusto ka bang sabihin?""

"Sabihin na ano Mama?"

"Kahit ano.. "

"Wala naman po.. Okay naman ang gym kung yon ang nais mong malaman."

"Eh ikaw? Kayo ni Whence?"

"Okay naman din po."

"Inaya ka na ba ng kasal?"

"Hindi . Wala pa naman sa plan namin."

Pasimpleng nag thumbs up si Tita sakin na parang nag didiwang sa mga nalaman niya.Nais ko sanang ngumiti ngunit ayoko naman mapansin yon ni Yane.

"Wala pa palang ayaan ng kasal Tyron." Bulaslas ni Tita sakin .Nandito kami ngayon sa sala.

"Oo nga po tita .Nakakatuwa."

"Hindi kapa ba kikilos?"

"Eh paano po Tita?"

"Ikaw muna ang tatanungin ko.Feeling mo ba buntis si Yane?"

"Hindi ko po alam."

"Yung ginagawa nyo ba yon nararamdaman mo bang sobrang mapusok ang bawat eksena?" Gusto ko talaga matawa pero nag isip ako at muling sinariwa ang ala-ala doon sa Gym.

Napaka saya ko noon dahil pakiramdam ko first time lang namin ginawa yon.

"Feeling ko nga po First time ko lang syang nagalaw." Komento.

"Ganoon ba? Basta bukas natin malalaman.."

"Sana po..Uhmmm.."

"Ma, matulog kana gaabi na ah?"

Tumayo si Tita at nagpaalam samin.

"Ikaw ba bakit di pa natutulog?" Usisa ko.

"Matutulog na nga eh.Di kapa ba uuwi?"

"Ah, eh, Ano..."

"Ano?"

"Uhmm.Pwede makitulog?"

"May bahay kayo." Tumalikod na.

"Pero gusto ko kayong bantayan.Wala pa naman si Tito ngayon."

"Maglolock nalang kami ng mabuti."

"Pero mas mainam kung may kasama kayong lalake."

"Bahala ka." Tuluyan na siyang  pumasok sa kwarto.

Ilang minuto ay lumabas ito at may dalang unan at kumot.

"Matulog kana.Maaga raw tayong aalis."

"Salamat." Inayos ko naman ang sofa at tsaka na higa.

"Maaga nalang akong uuwi para makaligo."

"Pwede naman dito nalang tsaka may damit kapa naman sa closet ko.Ang tagal na nun eh,para maiuwi mo na rin."

"Ah Sige..Salamat.."

Inirapan lang ako at tsaka bumalik sa kanyang kwarto.Napa buntong hininga nalang ako at na tulog.

Kinabukasan.Bago sumikat ang araw ay na ligo na ko.Kaya lang di naman kaagad ako naka pasok sa kwarto ni Bff ,binigyan lang ako ni Tita ng Susi nito  kaya naka pasok ako.

Tulog na tulog pa nga ito at ang gulo pang matulog.Nilapitan ko siya para kumutan at tsaka hinanap ang damit na sinasabi niya.Sa paghahanap ko ,doon ko rin nakita ang picture namin ni Yane nong mataba pa at marami pang bumubully samin.Itinago pa pala niya ito.Mula sa likuran ay may nakasulat dito na I love you Bff ko.Kinikilig ako kahit yung I love you na yun ay bilang kaibigan lang.

Lumabas na ko  para tulungan si Tita sa pagluluto.Pagkatapos naman ay sabay sabay na kaming kumain ng magising si Yane. Tahimik lamang ito at halatang hindi pa okay ang pakiramdam. Pinag drive ko sila ng papunta na kaming Hospital. Pinapasok muna si Tita sa OB tapos tahimik lang kaming nag hihintay.

"Ah Ms Yanella Ramos?" Usisa ng doctor.

"Yes doc?" Tumayo siya.

"Pinatatawag ka po ng Mommy mo.Pasok po."

"Sige maghihintay lang ako." Pumasok na ang dalawa at na iwan ako.

After 30 minutes lumabas na rin naka ngiti si Tita pero hindi niya kasama si Yane.

"Ta ,si Yane?"

"Nasa loob,"

"Bakit po? May problema po ba?"

"Wala."Naka ngiti niyang tugon.

"Pero Bakit pinatawag mo siya at Bakit na iwan?"

"Magtiwala ka lang..."

After 10 minutes.Lumabas na ang doktor kasama si Yane.

"Ma! Bakit ba kasi pina Check up mo pa ko.Kaasar ka talaga.Ano ba Akala mo sakin? Buntis? Ikaw nga dapat ipa check up eh."unod-sunod na wika ni Yane.

Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click www.webnovel.com/book/fubu-(-tagalog-)-rated-spg_14427272706397405/baby-baby-ohhh_39541757708399609 for visiting.

"Eh ano po bang balita?" Usisa ni Tita sa Doctor.

"Ayon po sa result namin...."

"Wala nga sinabi Ma ! Ang kulit mo! Hayys, hindi nga ko buntis,Okay? Gets..."

"Mrs.Mukhang di lang talaga matanggap ng inyong anak ang result  namin.So Yes , positive po. Buntis po si Ma'am Yanella ,Three months na po."

Nabigla ako habang si Tita panay palakpak sa harap namin. Si Yane naman ay di makapaniwala sa mga sinabi ng Doctor.

"Ma'am Yanella, i'm sorry pero tatlong beses natin ginawa ang examination at lahat po ng yon ay Positive. Maybe tanggapin nyo nalang po na buntis kayo.Hope maging happy kayo gaya po ng inyong Asawa." Sakin naman tumingin.

"Hindi ko siya asawa." Nag walk out ito

"Pasensiya na po Doc.Kakausapin ko lang."

Hinabol ko siya.

"Bff ..Wait...Bff .." Hinatak ko ang braso nito.

"Bakit ba?" Inis niyang tanong.

"Totoo ngang buntis ka?" Nag ningning ang mga mata ko.

"So?"

"Anong so? Ako ang Tatay ng nasa tiyan mo." Paninigurado ko

"Are you sure?"

"What do you mean?"

"Hindi sayo 'to okay? Wag kang assuming..." Tatakas sana pero na huli ko pa.

"Anong wag assuming? Tatlong buwan na ang nakakaraan buhat ng may nangyari satin.Paanong sasabihin mong assuming ako?"

"Dahil hindi naman sayo 'to eh! Kay Whence to! Naiintindihan mo ba? Kay Whence 'to!"

"Ha???"

"Nung gabing may nangyari satin tinakasan kita at nakipag kita ako Kay Whence. May nangyari rin samin .At nakakasiguro akong hindi sayo ito dahil hindi ko naman naramdaman na sa loob mo ipinutok." Paliwanag nito

"Teka , one hundred percent sure akong sa loob..." Nag isip ako ng sobrang lalim.

Sa pagod ko kasi nung gabi nakatulog kaagad ako at na gising nalang ako kinaumagahan na wala na siya sa tabi ko.

Hindi maaari 'to,

Hindi pwede...

Ugh ..

"Sabihin mong nag bibiro ka lang."

"Hindi ko sasabihin dahil nag sasabi ako ng totoo.Kahit tanungin mo pa si Whence."

Bumitaw na ko.

"Hindi na siguro kailangan. Mag mumukha lang naman akong tanga."

Tinalikuran ko nalang siya at binalikan si Tita.

"Anong pinag-usapan nyo?" Tumulo ang mga luha ko.

"Sorry Tita, na bigo po kita.Hindi po sa'kin yung baby." Hindi ko matignan si Tita sa kahihiyan.

"Ha ano? Paanong nangyari 'yon? Sabi mo di ba may nangyari sainyo?"

"Opo.Kaya lang hindi ako sure kung na iputok ko nga sa loob at ang masakit pa may nangyari sa kanila ni Whence nung gabing din 'yon."

"Anooo???" Salu-salo ni Tita ang ulo

"Tita...Okay ka lang?"

"Tyron...Hindi maaaring si Whence ang Ama..."

"Tita ...maupo muna kayo.." Pinaupo ko muna,Tita iwasan mong ma stress makakasama sayo 'yan."

"Jusko Tyron.Akala ko naman ikaw na talaga ang para sa anak ko."

"Tita relax ka lang.Relax ka lang."

"Umuwi na tayo.Kailangan ko ng magpahinga." Inalalayan ko siyang lumabas sa hospital.

Tahimik kaming tatlo sa loob ng kotse habang sa pag uwi ng bahay.Hindi naman din ako mapakali dahil iniisip ko kung tama nga ba ang nalaman kong hindi ako ang Ama ng baby ni Yane.

Nakakapanghinayang.

Hindi ba talaga ako? Nasaan na yung time na yon eh...bakit hinayaan ko pa.Waaaaaa ang saklap!!!! Hindi ko yata kakayanin na ikasal si Yane sa ibang lalake lalong-lalo na diyan sa Whence na yan! Waaaah.. ..Paano ba gagawin ko? Uhm .Nandiyan na eh, wala na ba kaming pag-asa ni Yane? Wala na nga ba talaga? Parang diko talaga kayang nangyayari. Parang gusto ko nalang na itakas siya at ilayo sa Whence na yon. Kung pwede lang.Kung pwede lang naman sana.Wala akong laban.Mahal na mahal nila ang isat-isa tapos magkaka-anak pa sila.

Next chapter