8 BIRTHDAY MESSAGE PARA KAY BALASADOR

PARA KAY BALASADOR

Poem Six~PERSONAL

Isang mainit-init o nagbabagang balita

Isang pagbati ang aking ipapamalita

Para sa isang tao na talaga naman nakakatuwa

Pangalan niya ay BALASADOR, ang magbabalasa

Turing man sa sarili ay GAGO

Ngunit kapag umibig ay DON ROMANTIKO

Kaya sa kaarawan mo

Ikaw ang bida sa araw na ito

Ang bati ko ay maligayang kaarawan

Ako sana ay may katanungan

Puwede ba namin malaman?

Ilang taon ka na? Puwede mo bang ipaalam?

Pero heto na

Ako ay magseseryoso na

Maraming blessings ang sa iyo sana ay dumating

Matupad ang iyong mga hiling

Buhay na matagalan

Sakit ikaw ay iwasan

At pagibig puwede bang pagusapan?

Pero dahil ikaw ay mabuting tao

Kahit turing mo sa sarili mo ay GAGO

Naniniwala pa rin ako na may isang taong nakalaan para sa iyo

Na mamahalin ka ng totoo

At mamahalin mo

Malay mo

Nasa tabi-tabi lang ang DESTINY mo

At hinihintay ka lang

Kaya muli ay Maligayang Kaarawan

avataravatar
Next chapter