6 The Secret Admirer

Hindi ko alam kung ano ang unang magiging reaksyon ko ng makita ko si Ethan. Kakakita ko lang sa kanya kanina, nagkita ulit kami ngayon. At nasa punto pa ito ng pagsasabi ko ng magic word na kailangan sabihin pagdating sa First Sight Game.

Ang unang lalaki na makikita ko dito sa canteen na ito, siya ang magiging forever ko.

Hindi ako makagalaw ng bigla akong makatayo at napatingin kay Ethan na sa ngayon ay nakaupo na ito katabi ni Yuan. Hawak-hawak ko ang tinidor na pinulot ko, para akong naging semento sa kinatatayuan ko. Hindi ko kasi ini-expect na dadating itong si Ethan dito ngayon eh. At doon ko na rin nalaman na magkakakilala pala silang magbabarkada ni Clyde. At syempre, pati na rin ni Althea.

"Hoy Joan..? Joan? Ano nangyayari sa iyo dyan?" bumalik ang pagkatao ko ng marinig ko ang boses ni Althea. Napatingin naman ako sa kanya na nagtatanong ang mukha habang hindi pa rin ako nakaka-move on sa nakikita ko.

"H-huh? B-bakit?" sabi ko sa kanya.

"Umupo ka nga. Ano ba nangyayari sa iyo dyan? Para kang nakakita ng multo. Dumating lang si Ethan, para ka ng timang dyan." sabi pa ni Althea sa akin. Umupo naman ako sa upuan ko pagkasabi niya.

"W-wala. Wala ito," sabi ko na lang sa kanya tapos tumingin ulit kay Ethan na busy na nakikipag-usap kay Thomas at Andrew.

"Ahm, by the way, Ethan..." narinig kong tinawag ni Althea si Ethan. "May ipapakilala nga pala ako sa iyo. Si Joan nga pala, cousin ko." pagpapakilala niya sa akin kay Ethan. Bigla naman napatingin si Ethan sa akin at biglang nabuo naman sa kanyang mukha ang pagtataka ng makita niya ako. Siguro namumukhaan niya ako ngayon kasi nga diba nagkakilala na kami kanina doon sa oval. Pero nakita ko naman na ngumiti siya sa akin na ginantihan ko rin ng ngiti para sa kanya.

"And, Joan, this is Ethan, my friend of mine." pagpapakilala pa ni Althea sa akin.

Bagkus na maglahad ng kamay si Ethan para makipagkamay sa akin, bigla siyang nagsalita. "Wait, ikaw 'yung babae doon sa oval kanina diba?" tanong niya sa akin.

Kaagad akong natuliro sa kinauupuan ko dahil sa tanong niya sa akin. Magsasalita na sana ako ng biglang inunahan na ako ni Althea. "Magkakilala na kayo?" tanong niya kay Ethan.

"Yes. Nagkakilala lang kami kanina doon sa oval." sabi ni Ethan kay Althea na kaagad ko naman tinunguhan ng biglang tumingin si Althea sa akin.

"Magkakilala na pala kayo eh. Dapat hindi na ako nag-effort sa inyo na magpakilala pa. Bahala na kayo, kakain na ako." sabi na lang ni Althea sa akin tapos nagpatuloy siya sa pagkain niya.

Narinig kong biglang nagsalita si Ethan na nakaupo sa unahan ko. "Nice to meet you again." sabi niya sa akin na sinabayan naman niya ng paglahad ng kamay niya sa akin.

Nanginginig ang kamay ko na tinanggap ito. For the second time na nahawakan ko ang kamay niya, parang gustong gusto ko na talaga na hawakan ito at huwag ng bitawan pa. Ang lambot eh!

"Nice to meet you too... again." pinilit kong ngumiti sa kanya kahit deep inside... kinikilig na naman ako. Tsk. Ito na naman ang puso ko. Bumibilis na naman ang tibok ng dahil sa gwapong lalaking ito. Sana naman hindi ako mahalata ni Ethan... lalo na kay Althea.

Kaagad naman kaming nagbitaw ng kamay tapos nagsalita ulit siya sa akin. "Oorder muna ako ah." paalam niya sa akin.

"Sige. Sige." sabi ko sa kanya. Nagpaalam rin naman siya kay Andrew, Thomas, Yuan, Clyde at Althea na oorder siya ng pagkain at saka tumayo para pumunta sa counter. Hindi ko talaga ini-expect 'to. Hindi ko ini-expect na siya pala 'yung tinutukoy ni Althea sa akin na bestfriend niya. Ang tagal ko na siyang nakikita dito, ngayon ko lang siya nakilala. Bakit nga pala bestfriend sila nitong pinsan ko? Wala naman siyang sinasabi sa akin na bestfriend sila ni Ethan eh. Aish, marami pa pala akong hindi alam kay Althea about sa mga kaibigan niya. Dapat kailangan niyang sabihin ito sa akin kasi may karapatan rin ako malaman kung sino mga kaibigan niya diba.

Mga ilang minuto ay bigla naman dumating si Ethan galing sa counter, dala dala ang tray na may laman ng mga in-order niya. Umupo naman siya sa upuan katabi ni Yuan at nagsimula ng kumain. Habang kumakain kami, hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanya ng palihim habang kumakain siya doon kasabay ng pagku-kwentuhan niya sa mga barkada niya.

Kapag napapatingin ako sa kanya, napapangiti na lamang ako ng hindi sinasadya. Hindi ko rin maiwasan na kiligin kasi nga nandito na naman siya, nasa unahan ko pa at kumakain. Bakit ba ganito na lang kalaki ang tama ng lalaking ito sa akin? Masaya ako kapag nakikita ko siya, kinikilig rin naman ako kapag kasama ko siya. Ang saya niya kasi kasama, lagi lang siyang nakangiti parati. At yung ngiti niya, ito ang nakakapagpapakilig at nagpapabuo ng araw sa akin.

Sana hindi na matapos ang araw na ito 'no. Sana hindi na talaga!

* * *

Matapos namin kumain sa canteen, kaagad na namin napagpasyahan na umalis na. Una na nagpaalam ay si Ethan. Nakakalungkot man isipin na aalis na siya para pumunta sa room pero hindi ko naman siya pwedeng pigilan diba kasi nga malapit na rin ang oras para magsimula na ang class niya. Tsaka, kung pipigilan ko siya, baka mahalata ako ni Althea na... may gusto ako dito kay Ethan.

Nalaman ko rin na first year high school pa si Ethan. Masakit sa dibdib ko ng malaman ko iyun mula sa bibig niya pero tinanggap ko na lang kasi nga wala akong magagawa. Ayoko pa naman sa na magkagusto sa first year high school pa lang pero ano pa nga ba ang magagawa ko, nagka-crush na nga ako sa kanya eh.

Age doesn't matter naman diba. Tsaka kahit first year pa siya, bawing bawi naman sa height. Ang height niya kasi pang-fourth year kaya kapag titignan ko siya, para siyang mas matanda kaysa sa akin. Sinabi naman niya sa akin na thirteen pa siya at hindi pa siya matanda. Nasa lahi lang daw talaga nila ang matatangkad at mga mature ang mukha.

Nang makaalis na si Ethan sa canteen, ako naman itong sumunod na nagpaalam sa kanila.

"Oh? Aalis ka na? Nawala lang si Ethan, aalis ka na?" sabi ni Andrew sa akin ng magpaalam ako sa kanila.

"Ano ka ba!? Kailangan ko na rin pumunta doon sa classroom at may gagawin pa ako." sabi ko kay Andrew.

"Ahh! Akala ko kasi aalis ka na kasi wala na si Ethan." nakangiti niyang sabi sa akin na para bang inaasar na naman niya ako.

"Ewan ko sa iyo!" sabi ko kay Andrew tapos sinabayan ko pa ito ng irap. Tuluyan na nga talaga akong nagpaalam sa kanila at naglakad na para lumabas sa canteen.

Speaking of lumabas na ako sa canteen, may point rin naman din si Andrew kung bakit ako aalis na sa canteen, kasi wala na si Ethan. Natawa ako sa sarili ko, just kidding!

Pagdating ko sa classroom ko, nagtataka ako kasi wala pa ang mga classmate ko. Mukhang maaga pa ako before mag-time. Kaya wala na akong nagawa kundi pumasok na lamang sa tahimik na classroom namin at pumunta sa permanent seat ko doon malapit sa bintana.

Nilagay ko ang bag ko sa upuan ko at uupo na sana ako ng biglang may nakita akong isang envelope na kulay white na nakapatong doon sa table ng upuan. Nagtataka naman ako kung ano at kanino galing ito. Hinawakan ito at tinignan. Napansin ko na naka-seal ito at feeling may laman itong papel sa loob. Ano kaya ito? Baka naman message ito galing sa guidance office? Naku naman! Huwag sana!

Tumingin ako sa paligid ko. Wala pa rin akong nakikitang tao sa loob ng classroom na ito. Binalik ko ang tingin ko sa envelope na hawak ko. Hindi ko naman maiwasan na magtaka kung kanino galing ito.

Napatingin bigla ako sa pinto ng classroom ng biglang pumasok si Ivan, yung nerd na kaklase ko na palaging nag-iisa pero matalino yan, bukod sa akin, siya talaga ang pinakamatalino sa buong campus. Atsaka mabait yan.

Bigla siyang napatingin sa akin ng makita ko siyang pumasok. Nagsalita naman ako ng makita ko siya. "Kilala mo kung kanina ito?" tanong ko sa kanya.

"Hindi. Ngayon lang ako dumating dito eh." sabi niya sa akin.

"Sige, thank you na lang." sabi ko sa kanya pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa permanent seat niya.

Nagtataka pa rin ako kung kanino ito galing. Ba't ba may ganito sa upuan ko.

Tinignan ko pang mabuti ang envelope na ito. Pagtingin ko sa likod, may sulat-kamay akong nakita doon at binasa ito.

From your secret admirer:

Lyle Spencer

Lyle Spencer? Sino ba ito si Lyle Spencer?

avataravatar
Next chapter