1 Prologue

Sino si Florenzia?

Ang dalagang namumuhay ng mag-isa sa gitna ng ipinagbabawal na gubat, ang Forbidden Forest. Lugar kung saan napapaligiran at pinaninirhan ng mababagsik at mababangis na mga halimaw sa lugar ng Leria.

Ano ang misteryo ang nababalot sa katauhan ni Florenzia? Siya ba ay may hatid na maganda sa mundo ng Leria? O ang kabaliktaran nito?

Halina't tunghayan natin ang pakikipagsapalaran niya sa mundo ng mahika. Pakikipagsapalaran sa paghahanap ng hustisya sa mga taong pumaslang sa kaniyang kinilalang ama at ina.

avataravatar
Next chapter