webnovel

Lost

Sa loob ng ilang minuto kasama siya sa kaniyang sasakyan. Ito 'yong pinakamasakit na parte kase ito na ang huling kabanata ng aming kuwento. Ako'y kaniyang ibabalik sa una naming tagpuan, kung saan kami unang nagkakilala.

Ano kaya ang mangyayari mamaya? Magpapanggap ba kami na hindi namin nakilala ang isa't isa? Na isa lang kaming estranghero? Iniisip ko pa lang 'to, sumisikip na ang aking dibdib. Walang kami, pero ang sakit. Ang sakit isipin na hanggang titig ka lang sa taong minahal mo sa madaling panahon. Kung alam mo lang sana kung paano mo ako pinasaya. Kung paano mo ako itinuring na prinsesa ng buhay mo kahit na alam mong hindi ikaw ang aking prinsipe. Bakit ba kasi ayaw mong alamin ang nais kong iparating na mensahe sa 'yo?

Para akong nalulunod sa sarili kong upuan nang tumigil ang kotse. Napatingin ako sa kaniya at umiling dahil nanunubig ang aking mata.

"We're h-here," aniya na may kakaibang tono. "I—." Hindi na niya itinuloy ang kaniyang sasabihin at binuksan na lamang niya ang pintuan ng kotse saka umikot patungo sa akin, at pinagbuksan. "I guess, this is it?" sabay kamot ng batok.

Umiling ako, "H-hindi. Magkikita pa tayo..." At tuluyan nang tumulo ang aking luha. Napakasakit. Yinakap ko siya ng napakahigpit, ganoon din siya. "Paalam, Sam."

Hindi siya umimik pero ramdam ko na mas humihigpit ang kaniyang yakap. Rinig ko rin ang kaniyang malalim na hininga.

Lumuwag ang kaniyang yakap saka niya ako pinakawalan sa kaniyang mga bisig. "Where's your car? I'll take you there."

Inikot ko ang aking paningin saka itinuro ang puting sasakyan, "doon."

"Tara?"

Nauna siyang naglakad pero hindi ako sumunod kaya napatigil siya, "bakit?"

Huminga ako ng napakalalim at linakasan ang aking loob, "S-Sam..."

"Hmm?"

"I have one last favor."

Kaya mo 'yan, Georgina.

"P-puwede mo ba akong isayaw? Alam kong parang napaka-desperada ko na—."

"Sshh. Okay lang. Saan mo ba gusto? Dito o sa loob?"

"Sa loob, please."

Natawa siya, "Masusunod, po, mahal na prinsesa." Inilahad niya ang kaniyang kanang kamay at akin namang tinanggap.

We exchanged smiles when the city clock strike at five minutes to midnight. Ang tagal pala naming nagkasama pero parang napakaikli ng oras. Ganito pala talaga kapag sobra kang naging masaya.

Dumiretso kami sa bukana ng bar at pumasok. Nang nasa gitna kami ng dance floor ay hinawakan niya ang aking bewang. Napakagat ako sa labi saka ipinatong ang aking dalawang kamay sa kaniyang balikat. Natawa kaming dalawa dahil hindi sweet music ang naka-play. Pero kahit ganoon ay pinagpatuloy namin ang pagsasayaw. We're too close to each other, yet so far.

Turn it up

It's five minutes to midnight

You're coming home with me tonight

I can't get enough

Shakin' me up

Sobrang lakas ng tugtog pero ang gandang pakinggan. Hindi man akma ang musika sa aming sayaw pero wala na kaming pakialam doon.

Nataranta ako nang ipinatong niya ang kaniyang ulo sa aking kaliwang balikat. Ang kaniyang mainit na hininga ay kumikiliti sa aking manipis na balat. Pero mas pumukaw ng aking atensyon ang kaniyang sinambit na sanhi nang panghihina ng aking tuhod, "I will be leaving you... soon," mahinhin niyang bulong sa aking tenga. "Mahal kita pero alam kong hangang dito na lang tayo," dagdag niya. At doon ko natunghayan ang pagluha ng lalaking minahal ko sa loob lamang ng ilang oras.

Turn it up

Alright, at five minutes to midnight

We'll see our name in city lights

We'll make the clock stop

Make your heart drop and come alive"

"Makinig ka, Sam... nagmamakaawa ako. Pakinggan mo ako sa huling pagkakataon."

Naguguluhan man siya pero tumango na lamang. "Sam... wala ako—." Nanlaki ang aking mga mata nang may humila sa akin para iharap ako sa kaniya na sanhi nang hindi ko pagtuloy ng aking sasabihin. Nanikip ang aking dibdib, "N-Nica." Hinila niya ulit ako palayo sa dance floor.

"Oh, god, Georgina. Where were you? I've been worried sick. Hindi ko alam kung sino 'yong kasama mo na sinasabi mo. Natakot ako dahil hindi ka nagre-reply sa mga text ko. Muntik ko na rin ipaalam kay tita na hindi kita mahanap. O tatanungin ko sana kung nakauwi ka na. Akala ko may nangyari nang masama sa 'yo. Oh, god! Pinag-alala mo ako," dire-diretso niyang saad.

Niyakap ko siya bigla-bigla, "Sorry... sorry." Napaluha ako sa kaniya.

"Talagang mag-so-sorry ka kasi pinag-alala mo ako ng todo. Muntik na akong himatayin kahahanap sa 'yo. 'Andito ka lang pala," dugtong niya. "Ba't ka umiiyak?" Tinaasan niya ako ng kilay, "Halika nga, punta tayo sa cr. Jeez, you look ghastly. Ang pangit mong tingnan." Hinawakan niya ang aking kamay at hinila patungo sa sinasabi niyang lugar. "Georgia?"

"Hmm?" Ang pangit ko nga, wika ko sa aking sarili habang tinitignan ang sarili sa salamin.

"Why are you so wet?" Huh?

"Talaga?" wala sa tono kong wika.

Napangiwi siya sa aking naging sagot, "Wet, soaked, Georgina. Not the wet-wet thingy. Your dress is wet. God, sa'n ka ba nagsusuot, ha? And where did you get that hoodie? "

"I'm with Sa— wait." Agad akong napalingon sa pintuan ng cr, "Sam."

"Who-who?" Hindi ko siya sinagot dahil para na akong linubayan ng aking kaluluwa para hanapin si Sam. "Kung sino man 'yang ano—ano ulit pangalan?"

"Ang tanga ko." Tumakbo ako palabas ng cr at iniwan si Nica roon. Bahala na kung pagagalitan na naman niya ako mamaya. Ang mahalaga, mahanap ko si Sam. Sumuksok ako sa dance floor kung saan kami pumwesto kanina. Parang may sumabog na confetti sa aking paligid nang may pigurang ng lalaki ang nakatayo roon. Nang aking lapitan ay bigla akong nanlumo nang hindi siya ang lalaking aking hinahanap. Inikot ko ang aking paningin kahit na medyo madilim pero wala talaga.

"Georgia!" Ugh. Si Lawrence. Hinawakan niya ang aking balikat pero inalis ko ito.

"Wag, please. May hinahanap ako, Lawrence. Importante siya sa akin." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay siya mismo ang lumayo.

Tumakbo ulit ako patungo sa mga vip lounge at baka sakaling naroon siya kasama ng kaniyang mga kaibigan. Nakatungtong ako sa huling pintuan ng mga vip pero nanghina ako nang tuluyan nang wala kahit ni anino niya ang aking makita.

"Sam... magpakita ka na, please."

Lumabas ako sa bar. Tumingin ako sa langit. "Saan ka na?"

May boses lalaki ang tumawag  sa akin, "Miss!"

Liningon ko siya, si manong bouncer, "Ako po?"

Lumapit siya sa akin at tumango. Kinagat ko ang aking labi at pinunas ang luha, "Bakit po?"

Nagtaka ako sa isang papel na kaniyang iniaabot, "para sa akin?" tumango ito at kinuha ko na lamang ang papel.

"Masakit?"

"P-po?" Natawa siya at umiling. "Ano po'ng masakit?"

Tinapik niya ang aking balikat, "Alam ng puso mo ang sinasabi ko," aniya saka siya umatras at bumalik sa kaniyang puwesto.

"Alam ng puso mo ang sinasabi ko," paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan ang sinabi ng bouncer. Ano ba ang ibig niyang sabihin. Linukot ko ang papel at umupo sa isang bench kung saan una niya akong niyaya para makasama at makilala siya. Bumibigat ang  aking dibdib na para bang may bumabagsak na semento sa tuwing inaalala ko ang mga nangyari kanina. Inobserbahan ko ang papel na aking hawak-hawak. Itatapon ko na sana nang may napansin akong nakasulat.

To the girl I love that I once have.

Sam?

Hinawakan ko ang aking dibdib dahil mas lalong naninikip nang simulan ko itong basahin.

We've met on this chair that you're sitting right now. To be honest, you caught my attention when I first saw you. At first, I am just attracted, but when we had time together talking and watching those city lights, I fell. I fell really hard, yes, and that's true. I was hurt when you answered me that you have a boyfriend. I hate that feeling.

I took the chance to be with you even just for a moment; even though you don't feel the same way. I love how you respond on my jokes though not funny; and how your face looks like when I sung. That time at Burnham park, I was caught off guard when you kissed me, but I love it. I am really into you, babe. I was so happy that time that I am with you. Every time you tried to tell something, I intentionally disrupt you. I don't know the reason, just obeying my instinct not to listen. I'm sorry for that.

I want to be honest with you, I was the one whom you dance with at the dance floor; and it was the time when he had our first kiss together. The reason why I searched for you?

You took my heart and I want to see your smile.

Now, you're asking yourself. Why did I searched for you? When you left me at the dance floor drunk, I want to know your name at that time. But I stopped because you were talking to a man, and it seems that you had a misunderstanding. I said to myself, maybe he's your man. And when I saw you leaning on my car, I was surprised and at the same time, happy. When I came back, I saw you sitting at the bench, so I took the chance and asked if I can take you to that place [where we had our first date. Yeah, first date.]

When you burst into laughter, and showed your hilarious laughs, I know that I loved you; that I want you to be mine. But when you cried, it hurts so bad, because I was the reason.

You were different from the other girls that I ever beheld. You were magnificent.

When we're back at the bar? The music were banging my ear, but I still heard your angelic voice. The lights were blinding me, but I still saw your gaze and sweet smile. You got the chance to know my name, yet I did not know yours. You let me held your hand. You let me took you to a beautiful place.  You let me kissed you - you kissed me. You let everything,  I did everything, except knowing your name.

Because...

I don't want to make memories that will truly make me regret. Since, you are not mine to begin with.

It's time to go. It's time to forget everything that has happened. I know I can't be with you , so sorry for not saying goodbye, just this letter. I hope it will do. And babe, I'm sorry for saying this, please don't look for me.  I don't want to ruin your relationship with your man.

One last thing, I'M SORRY THAT I LOVE YOU. Goodbye, my princess.

~S

_____

June 17, 2018

Next chapter