1 Chapter 1

"Janica Sarcilla"

"Present!" malakas na sabi ko at na taas ng kamay para mai-check ng guro na hindi ako absent sa klase.

Humalumbaba ako sa lamesa habang nakatanaw sa labas ng binta ng classroom. Umuulan ngayon at isang subject nalang mag u-uwian na.

'Sana naman huminto na ang ulan' piping dasal ko sa isip.

Wala kasi akong dalang payong ngayon, wala din mag susundo sa akin, hindi ako ma susundo ni papa ngayon hapon dahil naka overtime siya sa trabaho, nasa kanya kasi ang isa pang payong, bale dalawa yung dala niya ngayon dahil hiniram niya yung akin nitong umaga, naiwan niya kasi yung payong niya sa trabaho.

Napanguso ako ng lalong lumakas ang ulan na may kasamang hangin, nabasa pa ang gilid ng bintana ng classroom dahil pumapasok ang tubig. Nag simula na ang guro namen para sa huling subject ngayong araw hanggang sa matapos ito, hindi parin humihinto ang ulan.

Napabuntong hininga ako habang nag aantay ngayon sa waiting area ng school kasama ng ibang wala din payong, nakatanaw lang kame sa ibang mga estudyante meron payong at nag lakad na palabas ng gate.

kung mag aantay pa ako dito sigurado akong hanggang mamaya pa matatapos itong ulan, maabutan na ako ng baha sa may kanto.

Lumapit ako sa table ng guard, sakto naman na nandoon ang isa sa guard kaya nakahingi ako ng plastic bag para ilagay ang mga notebooks at libro ko doon para hindi mabasa. Nang matapos ako mag handa agad kong sinuot ang bag at nag lakad sa gilid ng waiting area. Inilagay ko ang attache case sa ulo ko para pang sangga sa ulan at kahit papaano hindi mabasa ang ulo ko.

'One...Two.. Three' bilang ko sa isip, pagtapos ng tatlo agad akong tumakbo palabas ng gate, naramdaman ko pa ang lamig ng patak ng ulan sa ibang parte ng katawan ko.

Patakbo ako nag hanap ng masisilungan pero wala akong makita, dahil puno din ng ibang estudyante na stranded ang area. luminga linga ako sa paligid, hanggang sa may nakita ako sa kabilang kalsada, tatakbo sana ako ng may isang braso ang humila sa akin pabalik sa gilid ng kalsada, saka ko lang na realize na may padaan palang kotse at kung muntik na ako masagasaan.

Agad akong napatingin sa taong humila sa akin, isang matangkad na lalaki na may hawak na itim na payong ang bumungad sa akin.

Hanggang ngayon nasa mukha ko parin ang pag kagulat sa nangyare, hindi ko akalain na muntik na akong masagasaan kung hindi lang dahil sa lalaking 'to, baka nasa hospital na ako ngayon.

"S-Salamat" mahinang sabi ko, hindi parin pinuputol ang tingin sa kaniya, ramdam kong bumilis ang tibok ng puso ko ng ma realize na sobrang lapit niya sa'kin, yung kaninang kaba ko ng malaman na muntik na ako masagasaan mas lalong lumalala, hindi ko alam kung natatae ako na ewan sa kaba.

Naramdaman kong binitawan na na niya ang braso ko dahilan para matauhan ako at napaatras palayo sa kaniya pero hinila niya ulit ako ng mabilis malapit sa kaniya, this time tumama yung mukha ko sa dibdib niya.

"Sht" dinig kong sabi niya.

'Ouch' gusto ko sanang mag reklamo, kaso hindi ako makagalaw.

"Gago yon ah," dagdag pa niya, ramdam ko yong kamay niya sa likod ko, nakayakap siya sa akin, at ginayad na gumilid sa kalsada.

Narinig ko ang isang motorcycle na mabilis humarurot sa likod ko.

'Muntik nanaman ba ako masagasaan?'

Agad siyang bumitaw sa akin at pinulot ang attache case 'ko na nasa lapag, nabitawan ko kasi siya kanina.

Tumingin ako sa paligid ngayon ko lang na realize na nakasilong na pala kame sa loob ng sari sari store.

"Ayos kalang?," tanong niya, at inabot ang attache case 'ko.

"Oo, Salamat," sagot ko at bahagyang ngumiti.

"Sa susunod mag iingat ka, wag dalos dalos ang pag tawid" paalala niya. Gusto ko sanang sabihin na 'hindi ako marunong tumawid' pero nahihiya ako dahil ang laki ko na para hindi alam ang bagay na yon.

"Taga saan ka?" tanong niya ulit

"Uh- dyan lang sa may kanto" sagot ko naman, medyo naiilang ako dahil ngayon ko lang siya nakilala, at kung kausapin niya din ako parang matagal na niya akong kilala.

"Sabay kana sa'kin, malaki naman itong payong" alok niya at itinaas ang payong na naka tiklop para ipakita sa'kin. "At tsaka doon din ang daan 'ko" Napaisip ako habang pinag masdan ang payong.

'Wala naman sigurong masama kung makikisabay ako diba?'

"Okay, sige" payag na sabi ko.

Agad na sumugod kame sa medyo kalakasan na ulan, mabuti nawala na ang malakas na hangin at panakanaka nalang ito.

Nakauwi ako sa bahay ng maayos at hindi gaanong nabasa ang gamit ko, agad akong nag banlaw dahil nabasa ako kanina.

"Salamat, una na ako bye, ingat ka sa pag uwi" paalam ko, hindi ko na inantay na mag salita siya dahil tumakbo na ako papasok ng gate na medyo malayo layo rin kung saan ko siya iniwan, pumasok agad ako sa bahay at nag banlaw sa cr.

Habang nag banlaw naalala 'ko yong nangyare kanina, muntik na akong masagasaan, kung hindi dahil sa lalaking yon siguro nasa hospital na ako ngayon.

'Hindi ko manlang nalaman ang pangalan niya'

"Ate! Bilisan mo dyan, na iihi na ako!" dinig kong sabi ng kapatid ko sa labas ng banyo, umiling ako para iwasik ang iniisip at nag patuloy sa pag banlaw.

Kinabukasan, maaliwalas na ang langit, hindi pa gaanong natuyo ang kalsada pero patuyo na ito dahil sa init ng araw.

Tahimik na nag lakad ako papasok ng school habang nakikinig ng music mula sa earphone na suot ko. Napahinto ako ng pag lalakad ng may basta nalang nag tanggal ng isang earpiece sa kabilang tenga ko dahilan para mapalingon ako s ataong nag tanggal.

"Hi" nakangiting bati niya, may kasama pang pag kaway ng kamay sa harap ko. Nasa harap ko ngayon ang lalaking nag ligtas sa akin kahapon.

"Hello" pilit na ngiti naman akong bumati din, pinatay ko na din ang music at iniligpit ang earphone ng makapasok ako sa building. Nahihiya ako ewan kaya nanatili akong tahimik. Akala ko hihiwalay na siya sa akin ng mga pasok ako sa building papunta sa classroom ko, pero hindi pala.

"Anong section mo?" Tanong niya.

"Commitment" sagot ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

"Ahh~" tumango tango ito.

Sabay kame nag lalakad at nilalagpasan ang iba pang room sa second floor building, maraming mga taga ibang section ang napapalingon sa gawi namen, hindi pala sa amin, kundi sa lalaking kasama ko.

Inaamin ko, may itsura siya kaya hindi nakakapag taka kung maraming mapapalingon na estudyande kapag nadadaanan niya, hindi katakataka kung malalaman ko na marami din mag ka gusto sa kaniya.

Lumiko ako papuntang hagdan para humakyat sa pangatlong palapag, kaunting lakad nalang at makakarating na ako sa classroom ko, lumingon ako sa gawi niya, nandyan parin siya kasabay ko mag lakad.

'Wala ba siyang klase? Bakit ba sunod siya ng sunod sa akin?' naiiritang tanong ko isip.

Nang makarating ako sa classroom huminto ako sa may pinto at nilingon siya mula sa likod ko, pag sasabihan ko sanang wag nang sumunod sa akin pero dumiretso ito papunta sa kabilang classroom dahilan para mapatunganga ako sa pagkapahiya.

Nakangiting kumaway siya akin ng papasok na sa pinto ng classroom niya.

Akala ko talaga sinusundan niya ako, hindi naman pala, ako lang itong assumera dito na feeling sinusundan ako, kung sabagay sino ba naman ako para sundan ng lalaking yon? ah ewan

Yumuko ako napapahiyang naglakad ako at umupo sa chair ko at hindi makapaniwalang nag assume ako kanina sa lalaking hindi ko naman lubos na kilala.

"Hoy, nakita ko yon ah! Anong meron? " kinalabit ako ni prim na katabi ko ngayon at nag tanong.

"Wala 'yon"

"Nakita kita, nakatitig ka sa gwapong lalaking yon na papunta sa kabilang room," Pag uusisa niya.

"Wala nga yon"

"Sus, kunwari kapa baka malaman ko nalang crush mo pala yon ah." pairap na sabi niya.

Kung ano ano nanaman pinag sasabi nito ni prim. Nag simula na ang klase kaya hindi ko na pinansin ang pang iintriga ni Prim, nakinig lang ako buong klase habang si Prim naman nangungulit sa gilid ko, at kung ano anong pinag sasabi, pinagalitan nga siya ng guro dahil sa kadaldalan niya e. Hanggang sa lumipas ang buong klase, at oras na para mag lunch, pagkalabas ng guro sa classroom agad agadan akong hinila ni prim papuntang canteen.

"Dalian mo kung ayaw mong pumila ng napaka haba" sabi nito at pabagsak na may kasamang pag tulak na binitawan ako sa dulo ng pila kung saan bumangga ako sa lalaking nasa unahan namen.

"Sorry" pag hingi ko ng sorry sa nabangga kong nakatalikod sa akin dahil nakapila ito, lumingon ito sa akin, agad ko siyang nakilala.

"Oh! Nandito ka pala," gulat na sabi niya ng makita ako at umusog ng bahagya sa pila, "Una na kayo," alok niya na mauna kame sa kaniya sa pila, agad naman akong tinulak ni prim sa unahan niya, "Thank you," pag papasalamat ni prim, mas lalong ako nahiya sa inasta ni prim. Lumingon ako kay prim para tingnan siya ng may kahulugan, pero binigyan lang niya ako ng nakakaasar na ngisi, umismid ako dahil don. Kahit kailan talaga ito si prim napaka kapal ng mukha hays.

Habang kumakain ng lunch natatanaw ko siya kasama ang grupo ng mga lalaki sa dulo ng cafeteria, classmate niya siguro ang nga yon namumukhaan ko kasi e, may nakisalo pang mga babae sa table nila at may dala din mga pagkain, ang usa tumabi sa kaniya kinakausap siya at halos hindi na kainin ang dala nitong pagkain habang siya naman dire-diretso ang pagkain na para bang nag mamadali.

"Matunaw yan te," natauhan ako ng madinig ang sinabi ni prim, agad naman humarap ako sa kaniya at kumwari walang nangyare, binigyan niya ako ng makahulugan tingin pero kinunotan ko lang siya ng noo para matago na nahuli niya akong nakatingin sa lalaking yon.

"Wala lang pala ah" mapang asar na sabi nito, may kasama pang pag tango. "Pero halos tunawin na niya sa kakatitig," hindi ko siya pinansin at nag patuloy lang sa pagkain, ramdam ko yung mapang asar na tingin sa akin ni prim kahit hindi ako nakatingin sa kaniya.

Maya maya bumalik ulit ang tingin ko sa grupo nila, nakita kong paalis na sila sa table at nag lalakad papunta sa direksyon namen ni prim, agad akong nag iwas ng tingin ng magawi ang tingin niya sa akin, kinakabahan ako bigla.

"Uhm, may assignment ba tayo prim?" kunwaring tanong ko kay prim na mabilis na patingin saakin ngayon at gulat na gulat sa tanong ko.

"Huh? Diba wala?"

"Ah wala ba," sa gilid ng mata ko malapit na sila sa direksyon namen. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ang weird mo ah, kailan kapa nag tanong sa akin ng ganyan," hindi ko pinansin ang puna ni prim. Tumungo ako para sumubo ng pagkain ko at para hindi ko siya makita na dadaan sa gilid namen papunta sa lababo para mag hugas ng kamay. Isa lang naman kasi ang dahilan kung bakit siya dadaan sa gilid namen e, malapit ang pwesto namen sa may lababo at salamin ng cafeteria.

"Eat well," dinig kong sabi niya ng makadaan sa gilid namen, agad ako nag taas ng tingin, biglang naubo naman si prim na parang nabulunan sa kinakain niya, hinimas nito ang dibdib, inabot ko naman ang tubig niya at buksan ito, hinablot naman niya sa akin ng mabilis at itinungga.

"Anong nangyare sayo?" nag tatakang tanong ko.

"Wala, nabigla lang ako," umiling ito habang nakangiti, kaya kumunot ang noo ko sa pag tataka, tinitigan ko siya habang nakataas ang isang kilay.

"Ubusin mo na yan pagkain mo, hindi mo na makikita crush mo-este ma le-late na tayo sa klase," may bahid na pang aasar ang boses nito, hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang sinasabi niya.

"Hindi ko crush yon," seryosong tanggi ko.

"Wee?"

"Oo nga, promise hindi ko crush yon"

"Okay sabi mo e," nag kibit balikat ito at binigyan ako ng ngiti na may kahulugan.

Natapos na ang lunch nag si balikan na ang lahat ng estudyante sa kani-kanilang klase, bumalik na din kame ni prim sa classroom, at inantay ang susunod na subject, hindi ko na din nakita siya ng agad na umalis sila ng mga kasama niya sa cafeteria.

Tahimik akong nag aantay sa guro hanggang sa dumating ito inilapag ang gamit sa table niya, pumasok naman ang mga lalaki na may buhat buhat na mga bagay na mukhang school project, naalala ko ang sabi ni ma'a sa amin last meeting, ngayon nga pala ang pinangakong araw na ipapakita ni ma'am ang mga samples ng project ng ibang section sa amin.

Bahagyang nanlaki ang mata ko ng pumasok ang huling lalaki sa loob ng classroom at inilapag ang buhat na gamit, nakita ko pa ang pag tutulakan ng mga babae kong kaklase dahil don.

Nag angat ito ng tingin ng mailapag ang buhat nya dahilan para lumakas ang ugong ugong sa loob ng klase, luminga ito sa paligid hanggang sa mag salubong mga mata namen, napahinto ito saglit at ngumiti, saglit lang yon dahil pinapabalik na sila sa kaniya kaniyang klase.

"Ang gwapo naman non," parang demonyo namang bumulong sa akin si prim, sa sobrang lapit ng bunganga niya sa tenga ko nakiliti tuloy ako parang automatic naman na iniwas ang ulo ko palayo sa kaniya.

"Sa mga may kulang nang requirment, tapusin niyo lahat ngayon, mag aantay ako sa faculty until 9pm, kapag hindi nyo napasa until 9pm, sorry to say hindi ko na iyan tatanggapin pa, naiintindihan nyo ba?

Kung wala na kayong tanong pa sige class dismiss" sabi ng huling guro namen para sa araw na ito.

Tumingin naman ako kay prim na hirap na hirap sa scrapbook niya na hanggang ngayon hindi niya pa tapos.

"Bakit kasi ngayon mo lang ginawa yan? Ang tagal ng palugit ni ma'am," naiinis na sabi ko kay prim.

Bukod sa amin may iba pang estudyante ang natira sa classroom na tinatapos din ang ibang requirments nila sa ibang subject. Gusto ko man umuwi kaso naawa naman akong iwan dito si prim, kaya nag desisyon nalang akong antayin siya matapos at sabay kame umuwi.

Nang matapos si prim agad namen itong ipinasa sa faculty ng hindi pa umaabot ang oras sa itinakda. nakahinga ng maluwag si prim ng makalabas kame sa faculty.

"Finally tapos na lahat ng requirments," sabi ni prim habang nag lalakad kame palabas ng gate.

Pagkarating namen sa gate, unti unting nanlaki ang mata ko ng makita siya na nakaupo sa waiting area chair na para bang may inaantay ito. tanging siya nalang ang nakaupo sa waiting area at wala ng masyadong tao sa may gate, naramdaman ko naman ang pag siko ni prim sa gilid ko, "Nandyan siya," hindi mapakaling sabi ni prim. Nakaramdam naman ako ng kaba habang papalapit na kame sa direksyon niya.

Napansin ko pabalik balik ito ng tingin sa screen ng cellphone niya, nang makalapit kame banda sa puwesto niya agad ito nag angat ng tingin at napatayo. Mabilis na isinuksok nito ang cellphone sa bulsa ng pantalon at sinalubong kame.

"Uhm. Pauwi na kayo?" tanong niya.

"Oo e, ikaw?" kinakabahang sagot ko.

Sumabay ito sa pag labas namen sa gate, hanggang sa paglalakad sa kalsada.

"Hatid ko na kayo, pauwi narin ako," nakangiting sagot niya.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, habang nag lalakad. naalala ko na mauunang makakauwi si prim sa akin. Ibig sabihin maiiwan akong kasama siya pauwi.

avataravatar