1 Prologue

Ako si Lorelei. Lei for short.

Normal na teenager lang naman ako. Normal na estudyante. Normal lang din ang buhay.

Ang boring!

Sa sobrang boring ng buhay ko, ginusto ko ng adventure! Pero hindi ko naman akalain na kakaibang adventure pala ang mararanasan ko nang makilala ko ang lalaking may bughaw na mata.

Isang normal lang din na araw dapat iyon. Hindi ko akalain na magbabago ang takbo ng buhay ko sa isang iglap.

Isang normal na celebration lang dapat ng 18th birthday ko yun pero kakaibang regalo ang aking natanggap.

Nang araw na iyon ay natuklasan ko ang kakaiba kong kakayahan at nagbukas ang isang panibagong mundo. Ang normal kong buhay ay hindi na naging normal.

"You're not human."

"Hanapin mo si Sehria, ang babae sa propesiya."

"Oh, so you have powers too? Cool!"

"Kayo ang limang hinirang para iligtas ang mundo."

"Hindi ito ang mundo mo."

"You're a Sehir."

Sandali nga! Naguguluhan ba kayo sa nangyayari?

Ganito kasi yan....

avataravatar
Next chapter