webnovel

chapter 1

WARNING

RED AT YOUR OWN RISK!

ANG MANLALAKBAY:

NAPAKANTA na lamang si rolando nang makita niya ang poste na may nakasaulat na "No enter! escape or run!"

"Grabi naman pala dito sa lugar na ito vince!ang weird at isa pa sa napansin ko ang tahimik at walang masyadong bahay!"

"Malapit na tayo sa san christian agustin! dadaanan natin ang simbahan bago tayo tumuloy sa bayan!"

Hininto ni vince ang kotse dahil may nakaharang na puno sa kalsada. Napansin ni marco ang dalawang lalaki na nakatayo sa gitna ng kalsada at hindi ito umaalis doon.

Si james ang unang bumaba sa kotse at tinungo ang dalawang lalaki na nag-uusap.

"James!!" Sigaw ni marco.

"James mag ingat ka!" Sigaw muli ni marco.

Walang naririnig si james at nakatayo lamang ito sa gitna ng kalsada at nakatingin sa dalawang lalaki na nag-uusap.

"James!ano ba ang nangyayari sa'yo!?" Kinakabahang tanong ni roland habang nakasakay sa kotse.

Naglakad papalapit si jonathan sa kinaroroonan ni james ngunit nahinto ito sa kanyang paghakbang. Si james ay hindi na gumagalaw at napansin ni jonathan ang mapulang likido na pumapatak sa kalsada.

"J-james?pare!ayos ka lang ba?"

Hinawakan ni jonathan si james sa balikat,biglang natumba si james at bumagsak sa harapan ni jonathan ang ulo nito.

"Pare!pare sakay na!"

"Takbo!"

Nakita ni vince at marco ang dalawang lalaki na lumingon sa kinaroroonan ni jonathan. Nakangiti ang dalawang iyon na papalapit sa binata kaya't gan'on na lamang ang pagpanik ng mga kaibigan nito.

Tinalikoran ni jonathan ang walang buhay na si james at dali-dali itong tumakbo pabalik sa kotse ngunit biglang lumusot sa dibdib nito ang makalawang na bakal.

Bumagsak sa kalsada ang duguang bangkay ni jonathan. Agad ding pinaandar ni vince ang kotse pabalik upang takasan ang mga taong iyon.

"Ano ba ang mga iyon?"

"Roland!manahimik ka nga!"

"Vince!babalik mo na tayo sa grupo at ipagbigay alam ang nangyari dito!"

"Sige marco!tawagan mo si prof! sabihin mo na may masamang nangyari dito!"

Sa kasamaang palad walang signal ang cellphone ng mga ito,naliligaw na rin sila dahil sa pasikot-sikot na daan.

Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ng kotse biglang lumipad sa eri ang bubong nito. Patuloy pa rin sa pagtakbo ang kotse patungo sa bangin.

Sa pagbagsak ng kotse sa bangin ay siya ring bumagsak sa kalsada ang mga ulo nito.

Hindi napansin ng magkakaibigan ang alambreng nakaharang sa kalsada,dahil siguro sa mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan hindi nila agad iyon napansin.

Pinulot ng dalawang lalaki ang mga ulo na tumilapon sa kalsada. Inalis na rin nila ang mga alambre sa daan at ang mga ulo na hawak nito ay isinakay sa likod ng truck.

Mabilis na nilisan ng dalawang lalaki ang kalsada na parang walang nangyari.

"Maria!!!"

"Maria!!nasaan kana?"

"Sanabihan kona siya kanina na huwag ng lalabas ng gabi!"

Kanina pa pinaghahanap ng mga tao si maria, malapit na magdilim kaya nagtulong-tulong na ang mga tao na hanapin ang dalaga.

Nang dumilim na ang paligid ay hindi na ipinagpatuloy ng mga tao ang paghahanap sa dalaga dahil delikado.

Pinuntahan ni mang joel ang hacienda upang tignan kung may iniwang bakas si maria. Sa gitna ng malakas na ulan narinig ni mang joel ang sigaw ng isang babae sa gitna ng maisan.

Pinasok ni mang joel ang maisan upang hanapin ang pinagmumulan ng sigaw. Kanina pa ito sumisigaw at habang papalapit si mang joel sa pinagmumulan ng sigaw ay siya namang humihina ang boses.

"Maria anak!nandiyan na ako!"

Nang makalapit ito sa pinagmumulan ng sigaw nakaramdam ng tuwa si mang joel dahil ang dalagang si maria ay nakatayo sa gitna ng maisan.

Mahigpit na yinakap ni mang joel ang kanyang anak ngunit napansin ng matanda ang mabahong amoy na nanggagaling sa balat nito.

Tinignan ni mang joel ang leeg at kamay ng dalaga at nakita niya ang kulay itim na likidong dumadaloy sa balat nito.

Hindi si maria ang babaeng yakap yakap ni mang joel kundi ang kaluluwa nito. Nang humarap ang babaeng yakap ni mang joel ay biglang nakaramdam ng takot ang matanda.

"Namumukhaan kita!" Saad ni mang joel habang nakatitig sa nilalang na iyon.

Mabilis na kumaripas ang matanda palabas ng maisan,binalaan na siya ng mga tao na huwag pupunta sa maisan dahil sa haka-hakang may nagpapakita sa maisang iyon.

Hingal na hingal na ang matanda sa kakatakbo,hindi napansin ni mang joel na nasa dulo na siya ng hacienda at walang daraanan palabas sa maisan.

Napahawak na lamang sa dibdib si mang joel nang humarap siya. Isang lalaking nakasuot ng sumbrero na gawa sa dahon ng mais ang bumungad sa kanya.

Biglang tumalsik ang dugo ng matanda sa dahon ng mga mais, bumagsak ang katawan ni mang joel sa lupa.

Hinila ng lalaking iyon ang katawan ng matanda patungo sa gitna ng maisan. Hindi na nahanap ang mag-ama noong mga gabing iyon.

"Marami na ang nawawala sa mga kababayan natin!hindi kona kayang magtiis pa dito!"

Galit na sinigawan ni martin ang ina nito,naglayas ang binata dahil sa takot. Walang araw na walang nawawalang tao sa bayan kaya't mas pinili ni martin na mangibang bayan.

Kinabukasan nagulantangan ang mga tao sa san christian agustin dahil sa natagpuang katawan ng isang lalaki sa bakod ng hacienda ng mga del gado.

"Jusko!ano ba ang nangyayari sa bayang ito?"

"Nasaan na ba ang mga pulis na nagbabantay sa bayan?"

"Kahit na mga pulis ay nababayaran!ang tanong hindi tao ang may kagagawan ng pagpatay sa mga kasamahan natin!si martin ay kahapon lang umalis ngunit tignan niyo patay na siya!"

Nagkagulo ang mga tao sa maisan hanggang sa dumating ang pari na si father louie.

"Mga anak!bumalik na kayo sa mga tahanan niyo!hayaan niyo na ang mga pulis sa pag-iimbistiga!Sige na uwi na kayo!" Pagsasaway ni father louie sa mga taong nakikiusyuso sa nangyari.

"Sa tingin mo father sino ang gumagawa ng krimin dito sa bayan?" Tanong ng sakristan nito.

"Wala akong ideya!pero isa lang ang may kaya nitong gumawa!ang taong sinangla na ang kaluluwa sa demonyo!" Saad ni father louie.

-FINDING RESEARCH-