1 Ang Flirt Mo!

Did you ever like someone?

Someone YOU REALLY DON'T KNOW!

Someone you met

BEFORE

by chances

Talaga bang hindi lang sinasadya ang lahat?

nagkataon lang ang lahat?

O

Sadyang nakatadhana talagang mangyari ang mga pangyayari?

There's a guy I know, na simula palang grade 6 ako kilala ko na.

Hindi ko alam kung bakit tumatak ang mukha niya sa isip ko.

Pero sa pangalawang pagkakataon na nakita ko siya,

NAGUSTUHAN KO NA SIYA!

Ang mga galaw niya,

ang mga ngiti niya,

ang bawat expression ng mukha niya,

HINAHANGAAN KO YUNG LAHAT

Nakatingin lang ako, humiling... na sana Lumingon sya,

kasi may taong nakatingin sa kanya, AT AKO YUN!

MAPAPANSIN PA KAYA NIYA, AKO?

o

HANGGANG TINGIN NA LANG TALAGA AKO?

If you only know that I already fell in love with you the moment we met.

Chapter 1

tik.tak.tak.tik.t-

Yun yung una kong narinig nung unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Tunog ng orasan ko. Bumangon ako at isinuot yung eyeglasses ko. Letche oh, mahina na ang paningin ko dahil sa pakikipagchat ko kina Mama at Papa na nasa ibang bansa. Sandali, anu na bang oras ngayon?

"7-WAAAAAHHhh!!!" nagbihis agad ako at nagsipilyo! 7:45 na, konting minuto na lang at malelate na talaga ako.

Pumunta akong balcony para kunin yung mga sinampay. Sa pagmamadali, biglang nalaglag yun- sa kabilang bahay.

Napatingin ako dun sa lalaking nandun at dahan dahan pa kamong inalis yung anu sa may ulo niya-

"AAAAAAhhh!! BASTOS! Bigay mo yan sakin!" hiyaw ko. Magkatabi lang kasi ang balcony naming dalwa dito sa 3rd floor. Halos magkatabi Lang tlaga. Nakakainis naman imong lalaking ito.

Hinampas ko siya ng malakas gamit ang patpat sa may ulonan. Napahawak naman siya sa ulo niya at inayos ang salamin niya.

"Kasalanan ko bang mahawakan yang bra m-" hinampas ko uli siya. And this time napaupo na siya. Loko talaga yung Jayson na yun. Ang bastos! Nakakainis talaga!

Dali-dali akong lumabas ng apartment. Bumaba ng hagdanan at naglakad patungong school. Napaisip naman ako, magkaklase kami ni Jayson pero bakit di pa siya umaalis? Late na diba!? Hay.. bahala na.

Pagdating ng gate, nag-ayos ako ng konti. Sa may buhok, nagpabango, tumingin sa salamin, at inayos ang eyeglasses ko. Hanggang sa..

"DEFENSE!!! Anu ba habulin niyo ang bola! Depensaaaa!.." ang sipag niya talagang magpraktis. Napangiti ako. Kumpleto na araw ko dahom nakita ko na ang insperasyon ko. Ang gwapo talaga niya.

Malimit dun ako dumaan at hindi talaga sa main gate. Kaya wala akong ginreet na guard. Dumiretso na akong room. Bubuksan ko na ang pinto, nang..

"Goodmorning, Athena!!!" Athena Ysabelle Del Rosario ang buo kong pangalan. At ang cute na sexy'ng babaeng nasa harap ko. Ang 3 years friendship ko, si Stephanie Guerrero. Steph for short.

"May assignment ka na ba?" nakaupo na kami. Magkatabi pa kami. Tanong niya yun habang kinukuha niya chemistry notebook niya. Napahiga ako sa arm chair ko.

"Wala. Alam mo namang hirap na hirap akong mag-aral ng chemistry diba. " nakasimangot kong sabi. Lumitaw naman ang mga ngiti sa labi ni Steph.

"Heto. " abot tenga ko namang inabot yun. Dumating naman si Jayson. Hindi siya tumingin sakin. Bumalik na muli ako sa notebook ni Steph nang madatnan ko siyang nakatitig sakin habang nakahalumbaba.

"Bakit?" Tanong ko sa Kanya.

"May napupusuan ka na ba bhestie?" ang tamis ng mga ngiti niya. Hala! Saan Kaya galing yung tanong na yun?

Bigla akong namula. Pumasok sa isip ko yung tunog ng bola. Si Sharheen Roy. Biglang nag-init yung mukha ko. At nagsimula na akong magsagot at kompyahin ang assignment namin.

"Wala pa noh." eksaktong tumunog naman yung bell. Napabuntong hininga ako. Thanks lord. Sorry Steph, pero di pa ako handang aminin ang totoo, lalo na ang nararamdaman ko kay SR sa ibang tao. Secret nalang muna siguro.

Nung magrecess, habang naglalakad kami sa corridor ng 4th year, napasok na naman yung topic ni Steph, na kung sino ba daw ang napupusuan ko. Kinabahan akong bigla. Tumingin ako sa paligid, baka nandyan lang siya. Nakuu.. Kinakabahan talaga ako.. Kailangan ko ng sapat na tapang. Lumapit si Steph sakin at biglang kinurot ang pisngi ko.

"Sino na kasi!?" nangilabot ako sa ginawa niya kaya nag-init ang mga pisngi ko.

"Uyy.. namumula ka na oh." tinakpan ko bibig niya.

"Wag kang maingay Besh, baka may makarinig sa pinag-uusapan nating yan." pagkaalis ko ng kamay ko, nakasimangot siya. At naglakad palayo sakin. Papunta nga pala kaming rooftop.. Dapat.

Napabuntong-hininga ako. Aalis na sana ako para iwan siya.. pero di ko rin natiis eh. Hinabol ko siya at hinawakan ang kamay niya.

"Ngayon, sasabihin mo na ba?" ang totoo, kahit magbestfriend na kami niyang si Steph sa loob ng tatlong taon. Ang masasabi ko lang, hindi talaga namin kilala ang isa't-isa. Hindi kami open-minded sa isa't-isa Lalong lalo na sa love life naming dalawa.

"Kasi.." ganun pa man. Sobrang bait ni Steph sa akin. Ako nga lang ang kaibigan niya dito at ako lang din ang kanyang pinakikisamahan. Ewan ko ba. Parang ang laki ng pinagkaiba namin in other ways.

"Sino?" nangilabot na naman ako sa biglaang paglapit niya sa mukha ko.

Basta na lang ako tumuro sa may unahang kaliwa namin. Tumigil naman siya at ako naman ay napamulat ng mata Para tingnan.

"Si Adrian ba besh?" sabi niya na para bang gulat na gulat.

"Huh?" binaba ko na yung kamay ko. Nakatingin parin ako kay Steph na nagtataka

"Sino siya?" alam kong fake ang mga ngiting pinakita ni Steph nung mga sandaling yun.

Tumingin ako sa tinuro ko. Ang flirt ng lalaking to! Playboy siguro to.. bakit ba siya ang naituro ko. Bakit ba may tao pa talaga sa pinagturuan ko. Ang malas malas ko naman eh. Pero Senior naman siya, kaya di rin naman niya ako mapapansin.. ngumiti ako.

"Kaya nga ayaw kong sabihin sayo eh. Kasi di ko kilala ang crush ko." ramdam kong tumingin sakin si Steph. Nakatingin parin ako sa flirt na lalakin yun..

Lalayo na sana ako ng tingin nang bigla siyang tumingin at..

Kindatan ako!.. Waaaah..

Teka nga, Bakit ako kinikilig?

avataravatar