5 III

Unedited

"Do you have a problem, Ms. Lacandula?" Pag-uulit ni Sir sa tanong niya. Mas lalo akong kinakabahan.

"W-wala po, sir." Mahina kong sagot.

"Are you sure? Bakit narinig ko ang name ko? May problem ba kayo sa akin?" Mabilis na tanong nito pagkasagot ko. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na itinanggi ang paratang nito.

"Naku, sir! Hindi po! Medyo nahihirapan po kasi kami sa lesson namin ngayon kaya hindi po kami nakakasunod. Medyo mabilis po kasi kayong mag-discuss kaya mahirap po kayong sundan. D-diba, Liana?" Sabi ko habang sinisiko nang mahina si Liana. Halos nagrarap ako habang nageexcuse. Naghahanap nang palusot sa katangahang ginawa ko at ni Liana.

Nanatiling nakatulala si Liana. Kaya medyo nilakasan ko ang huling siko ko rito at medyo napaaray ito.

"Ms. Bhatungbhakhal, are you hurt somewhere?" Nag-aalalang tanong ni sir.

"A-ah wala po sir. Medyo nahihirapan lang po akong sumunod sa lesson." Mahina nitong sagot na parang wala sa sarili.

"Is that so. Maybe, I will adjust my teaching strategies to fit your class. Let's see..." Nag-iisip nitong sabi habang nakahawak sa baba niyo.

Parang pumalakpak ang tenga ko sa narinig. Sa wakas, abswelto na kami. Pero, akala ko lang. Nahigit ko ang hininga ko nang kasi napansin niya ang pesteng notebook na naihulog ko.

"Oh, and what is the problem with that notebook, Ms. Lacandula? Natapakan mo na." Yumuko ito at kinuha ang notebook na nilalaman ang kaartehan ni Liana.

"Wala po, sir. Reviewer lang po---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi nabasa na ni sir.

Wala na. Finish na. Detention room na ang pupuntahan naming dalawa.

Nakakunot ang noo ni sir nang mabasa ang sulat ng gagang si Liana.

"Meet me after class. We will talk about the punishment for the both of you." Mahinang bulong nito sa amin bago naiiling na pumunta sa harapan at pinaupo na kami.

"Good morning class. So, for today's lesson, we will tackle Cellular Respiration. So Cellular Respiration is a set of metabolic reactions and processes that take place in the cells of organisms..."

Iniisip ko ngayon kung ano gagawin ko pagtapos nitong period. Kasi nasa bingit ng kamatayan ngayon si Liana. Kailangan ko siyang tulungan kaya nagiisip ako ng pwedeng gamiting alibi mamaya kapag tinanong kami ni sir.

Sabihin ko kayang kamukha ni sir yung ex niya? Huwag pala. Baka sabihin ni sir na obsessed si Liana sa ex niya na hanggang ngayon hindi pa makalimot.

Hmmm... what if naalala ni Liana sa kay sir yung namayapang aso niya na si Laki? Lalaki iyon tapos mahilig magexperiment parang si sir. Pinageexperimentuhan lang naman ni Laki yung tae niya. Kinakain, eww kadiri.

'Wag na lang baka maexpell kami.

"Class dismissed."

Noon lang ako nakabalik sa katotohanan. Kasalukuyang nag-aayos si sir ng mga gamit niya. Break naman ang kasunod namin kaya okay lang.

Habang paunti nang paunti ang tao sa loob ng classroom namin, palakas nag palakas ang tibok ng puso ko. Pinagpapawisan din ako kahit nakatodo ang air condition unit namin dito.

"Ms. Lacandula and Ms. Bhatungbhakhal, follow me." Tumalikod ito sa amin at nagsimulang naglakad papunta sa office niya. Tahimik na nakasunod lang kami ni Liana sa kanya.

Liliko na sana ako pakanan nang may mabunggo ako.

Ano na naman?

Sumalubong lang naman sa mukha ko ang dibdib ng isang lalaki. Take note, well-toned ang chest nito. May abs kaya?

Pero dedma na kasi papagalitan kami ni sir kaya hindi ko magawang magsaya.

"Sorry." Hingi ko nang paumanhin dito at nagpatuloy sa pagsunod kay sir.

"Mi ghad! How could she!"

"Attention seeker! Sinadya niyang banggain si Prince!"

"Grabe, like she's not that pretty pero inisnob lang si Prince."

Habang naglalakad, naririnig ko ang mga bulungan ng mga malalantrot.

Malantrot, malantod na haliparot.

Yung mga mahilig magpakita ng boobs at magsuot ng napakaiikling short. Na sa sobrang ikli, nakikita na yung mga maiitim na singit nila.

Nakakasuya silang tingnan kapag wash day. Oo, may wash day kami kasi trip ng president namin. Ala lang, mema lang.

"Sis, sino ba yung Prince na sinasamba ng mga malalantrot na iyon?" Naiinis kong bulong kay Liana.

"Prince Bry Rutherford, exchange student galing London. Grade 12 na yata yun tapos napakatalino daw tsaka sporty. Magaling daw magbasketball tsaka chess. Idagdag mo pa yung height niya na 6'2 and looks niyang parang Leonardo DiCaprio as Jack ng Titanic kaya maraming nagkakacrush." Sagot nito sa akin na parang nananaginip. Yung nakasaklop mga palad niya sa pisngi tapos nakatingin sa itaas.

Tumingin bigla ito sa akin na ikinabigla ko.

"Favorite food daw nito ay Chicken Pastel kaya pinag-aaralan ko kung paano lutuin ito para sa future namin." Nakangiti na naman ito na nakakatakot.

"O...kay."

Sayang! Hindi ko nakita kung ano hitsura niya. Gwapo pa naman. Pero okay lang kasi nabasbasan naman ang mata ko ng isang anghel kanina.

Para akong matatae nang makita ko ang office ni sir. Pumasok kami rito at inilagay na ni sir sa table niya ang mga gamit niya. Naupo rin ito habang kami ay nakatayo sa harapan ng table niya.

Poochie! Kinakabahan ako.

"Sir, mahal kita." Matapang na amin ni Liana kay sir.

Gulat akong napatingin sa kanya. Nasisiraan na ba siya ng bait? Hindi lang ako ang nagulat dahil pati si sir, ganoon din ang hitsura.

Shookt.

Nang makabawi si sir, naubo siya at tiningnan nang seryoso si Liana.

"Ms. Bhatungbhakhal, I kow that it's a taboo for a student and a teacher to have an affair. I need my job as well as you need to study---" Pinutol ni Liana ang sasabihin sana ni sir.

"But, sir---" Nanlalaki ang mga mata kong binalingan si Liana. Nababaliw na ba siya?

"Ms. Bhatungbhakal, you should at least respect me as your teacher and yourself. It's better to stop your feelings for me as quickly as possible---"

"Sir---"

"Because I don't carry special feelings for you." Nalungkot bigla si Liana. Parang gusto niyang umiyak pero nagpanggap siyang parang wala siyang narinig.

Tae! Gusto ba talaga niya si Sir Algreg?

As in, legit?

"Ms. Lacandula," baling sa akin ni sir.

"Y-yes sir." Hindi ko ineexpect na ako na ang susunod.

"I don't like how you lie a while ago, trying to protect your friend for me. If someone found this...your classmate or worse...other teacher, my career as a teacher and your friend's stay in this university will end." Guilty akong napayuko.

"I won't tolerate your behaviour, the both of you. I will give you a task."

Jusme! Anong task?

"If you failed with this task, you will fail my subject, too."

Malaki pa sa koala ang mata ko ngayon sa narinig. Kailangan kong magawa ang task na iyon dahil candidate ako for running for... running from my mother's knife, rather. Dahil kapag nawala ako sa top 5 ng classroom, worst, failing marks, madededo ang lola ninyo.

Kaya kahit mahirap kailangan kong kayanin. For me and for Liana na munti kong friend.

"This task is not going to be easy."

avataravatar