4 II

Unedited

"Hoy!"

"Ay, palaka!" Naiinis akong bumaling sa nanggulat sa akin. "Ano bang problema mo?"

"Ito naman. Binibiro lang. Praning ka na, girl! Nagpahula lang kagabi, praning ka na ngayon." Umupo ito sa bakanteng upuang katabi ko.

Meet my bff, Liana Bhatungbhakhal.

Magkaibigan kami since elementary. We have a very strong bond.  Oo, parang Mighty Bond. Nagsimula ang aming friendship nang nahuli ko siyang tumatae sa CR ng girls kasi ako ang kasunod niya.

Nakaamoy ako ng napakasangsang na amoy kaya alam ko nang may business na ginagawa ang sinusundan ko kaya napagpasyahan ko na umalis na lang at tumae sa isa pang CR ng school namin. Narinig ko siyang malutong na nagmura sa loob ng banyo.

"Pakshet! Nakalimutan ko yung tissue sa bag ko. Pisti naman!" Naiirita nitong reklamo.

Okay lang talaga ako. Pakibilisan naman po kahit onti.

Napasulyap ako sa sabon na Safeguard na hawak ko. Iniisip ko kung papahiramin ko siya kasi parikaramdam ko bubulwak na itong pinipigil ko.

Tantsya ko ay hindi ko na kaya pang magpigil at pumunta pa sa isa pang CR kasi may kalayuan ito. Sa huli ay napagpasyahan kong pahiramin ito.

Kumatok ako sa pintuan ng banyo.

"Meron po ako ditong sabon. Baka kailangan ninyo po," sabi ko sabay lagay sa ilalim na awang ng pinto. Nakita kong kinuha naman niya ito at ginamit.

Pinagpapawisan na ako nang malapot habng naghihintay sa kanyang matapos. Napapapadyak padyak pa ako kasi hindi ko na talaga kayang pigilan. Lalabas na siya!

Napakasaya ko nang bumukas ang pinto ng banyo. Narinig ko pa siyang magpasalamat pero mabilis kong dinaklot ang sabon sa kamay niya at pumasok sa banyo.

Success!

Para akong nasa langit matapos ang ginawa kong business. Itinago ko sa bulsa ko ang sabon na ginamit ko at fin-lush ko ang toilet bowl gamit ang lahat ng tubig na inipon ko sa timba habang tumatae.

Wala kasing laman kasi tamad na tamad ang mga estudyante magpuno kaya gamit lang sila nang gamit, hindi naman marunong magpuno. Bwisit!

Nagulat ako kasi paglabas ko nandoon pa rin siya. Nagpakilala ito sa akin.

"Hi! Ako nga pala si Liana Bhathungbhakhal. Nice to meet you," nilahad nito ang kamay niya. Mabilis ko itong tinanggap gamit ang kamay ko na pinanghugas ko sa puwet ko.

"Hello. Maica Lacandula."

Uy, 'wag kayo! Naghugas naman ako nang maigi. Tsaka sigurado akong patay ang 99.9 percent ng germs kasi Safeguard ginamit ko.

  Hindi mo kami mapaghihiwalay dahil magkasama kami sa lahat ng problemang kinaharap namin.

Isa na rito ang pagkaiwan ko ng id, syempre mahirap mahuli kasi hindi ka makakapasok kaya ang ginawa ni ate mo girl, dinaldal yung matanda naming gwardiya. Take note, hindi lang basta daldal, chinismis pa yung teacher naming panot sa AP.

Kesyo daw nakita nitong Sesame Street pa ang design ng halfslip ni Ms. Belmonte pati na rin sa kung bakit sa tingin niya ang dahilan kung bakit hindi na ito nakapag-asawa. Nakarating na rin ang usapan nila sa panloloko ng isang actor sa isang actress. Ehem! Kawawa naman si Mama B.

Sinamantala ko ang sitwasyon at nagmadaling pumasok sa gate. Jusmiyo marimar! Nakapasok ang lola ninyo! Wohoo! Parteh pipol! Parang ang sarap magpaparty!

Kung alam ninyo lang ang hirap makapasok sa main gate ng school namin nang walang id, para itong defense na kailangan mong maipasa. Ganoon kahirap mga ka-bessy!

Kaya ang motto naming dalawa sa buhay ay:

"Walang iwanan sa hirap at ginhawa, dusa at saya, pero huwag magpakialaman sa toppings ng pizza."

Paano ba naman kasi sabi niya ang pineapple ay hindi dapat sinasama sa pizza. Which is not true! Love ko kaya ang pineapple on pizza. Nagbibigay siya ng kakaibang flavour, diba? Diba!

Pineapple lovers diyan, baka naman. Mag-ingay! Ahoo! Charot.

Ah, basta. Pineapple deserves to be with pizza. Huwag nating silang paghihiwalayin 'cause they are perfect together. Just leave them as they are.

Back to reality, hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang sinabi ni Madam Auring kahapon. Hindi ko alam kung maininiwala ako sa kanya or what, kasi natatakot na ako.

"Girl, huwag kang matakot. Hindi ka agad mamatay kasi kampon ka diba ng kadiliman. Ang mga kinukuha agad ay ang mga nalililiwanagan. E ikaw, malinaw pa ang tubig ng ilog Pasig kesa sa takbo ng isip mo." Sabi niya habang nagsusulat sa notebook niya.

"Eh paano ba naman nagkakatotoo ang sinasabi niya. Like, minalas ako pag-uwi natin at kanina papasok.  Straight, take note, straight. And baka ngayon at hanggang sa kamatayan ko minamalas pa rin ako." Naiinis kong sagot.

"Girl, you need to calm down." Ani nito while rolling her eyes unto me. Mahipan ka nang hangin diyan. "About your worries, just shake it off."

"Heh! Tigilan mo ako sa pagiging Swiftie mo. Tulungan mo ako sa problema ko." Binaling ko ang buong atensyon ko sa kanya samantalang busy ito sa notebook niya.

"He he he..." natatawa itong nakatingin sa notebook habang may sinusulat.

May kakaiba sa ngiti ito na parang may binabalak. Biglang nagsitaasan ang mga balahibo sa buong katawan ko, oo pati bulbol ko. Mabilis kong hinablot ang notebook ng loka-loka at parang gusto kong iuntog ang ulo ko sa matigas na abs este pader.

Jusmiyo, marimar!

Nandidiri kong binalingan nang tingin si Liana. Ngiting aso naman ang bruha at parang nagtatanong ng kung ano ang problema.

Ano ang problema? Nagf-flames lang naman siya gamit ang pangalan niya at pangalan ng prof. namin.

Binalik ko ang tingin sa papel at nakita ko ang nakasulat dito. Pangalan niya at pangalan ng silahis na professor namin sa Science.

Paano ko nalamang baluktot ito?

Well, halata naman sa kilos at galaw nito. Hindi lang naman ako ang nakakaalam. Lahat nang kaklase ko kasama na si Liana.

Ang nakakadiri ay pinagnanasahan ni Liana si Prof. Algreg tapos parang wala lang sa kanya. Alam naman siguro niyang pareho sila nang hanap at hindi sila talo pero bakit?

Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko siya. Ngunit umiwas lang nang tingin ang bruha at ngumuso.

"Bakit si Sir Algreg pa?" Nanggigigil na tanong ko dito. Napakaharot kasi! Natigilan ako nang may naamoy akong pamilyar na pabango. Pabango ito nang teacher namin sa period na ito.

"What is the problem with me, Ms. Lacandula?" Nakangiting tanong sa akin ni Prof. Algreg habang nakatayo sa harapan namin.

Namutla ako at parang mahihimatay na. Binaling ko ang tingin ko kay Liana at ganoon din ang hitsura niya. Para siyang matatae pero alam kong mas malala ang hitsura ko ngayon.

Napapikit ako at napalunok.

Patay.

avataravatar
Next chapter