3 I

Unedited

"Mamamatay ka kaagad, iha." Seryoso niyang sabi. Nakakatakot ang paraan ng pagtingin niya sa akin.

"Pero... maraming magagandang lalaki ang iibig sa iyo. Iba't ibang lahi ngunit ang lahat nito ay sawi... maliban sa isa. At ang isa na iyon ang magdudulot ng iyong kamatayan. Mag-ingat ka." Nakapikit niyang ani. Mahigpit na hinawakan ni Liana ang kamay ko.

Kahit gulat sa aking mga nalaman, napagpasyahan kong magpaalam at umalis na.

"Maraming salamat po, madam." Tumayo na ako sa kinauupuan ko.

"Mayroong tsyansa na makaligtas ka sa kamalasan..." Nakatingin ito sa mga barahang nasa harapan niya.

"At iyon ay hanapin ang lalaking magiging lucky charm mo."

Ngumiti lang ako sa kanya at lumabas na. Nakahinga na ako nang maluwag sa wakas. Nakatingin lang sa akin si Liana.

"Sa tingin mo ba may magkakagusto sa akin? Ang pangit ko kaya," nakatingin ako sa kanya. Bumuntong hininga lang siya.

"O-oo. Meron naman siguro kahit pangit ka." Tumatango nitong sagot.

Tss.

"Bakit ba ang malas ko!" Malas na sigaw ko. Napatingin ang mga taong dumadaan sa amin.

"H-huy! Tumigil ka nga diyan. Para kang sira." Saway sa akin ni Liana. Hinihila ako nito sa braso. "Umuwi na tayo."

"Oo na," naiiyak kong sagot.

Hindi ko alam kung dahil sa kamalasan ko ba ito o dahil sa katangahan ko pero kapag sinuswerte ka naman!

"Bes, naamoy mo ba ang naamoy ko?" Huminto sa paglalakad si Liana at sumisighot singhot pa.

Oo, gaga! Nakatapak lang naman ako ng tae!

"Nakatapak lang naman ako ng jackpot." Sagot ko sa kanya habang kinakalma ang sarili ko.

Kalma, Maica, kalma!

Hinga nang malalim. Breathe in, breath out!

Ilang beses ko itong paulit ulit na ginawa hanggang sa tuluyan na akong kumalma. Pero nawala iyon nang may lumapit sa aming lalaki. Mukha naman itong mabait. Napansin ko rin na may mga kabarkada itong nakatayo sa gilid at nagtatawanan.

"Miss, saan po ba dito yung SM?" Pagtatanong nito. Kumindat pa ito kay Liana. Well, maganda kasi si Liana kaya hindi ko siya masisisi.

"Mukha ba kaming mapa? Maghanap ka kaya. Duh! Gamitin mo yung mata mo," irap nito sa kawawang lalaki. Nahihiyang bumaling ako rito at ako na lang sumagot nang matino sa tanong niya.

"Kuya, pasensya ka na. Bad trip lang itong kasamahan ko. By the way, may masasakyan ka namang jeep papuntang SM diyan sa may kanto," tinuro ko sa kanya yung kanto kung saan humihinto yung mga jeep. "May sign board namang nakalagay na SM."

"Sige salamat, miss!" Nakangiti nitong sagot sabay tapik sa likod ko. Naiilang ko itong nginitian pabalik at pinanood na bumalik sa mga kabarkada niya.

Inaya ko na si Liana maglakad pauwi. Tumalikod na kami sa gawi nila at nagsimula nang lumarga. Rinig na rinig ko ang malakas na tawanan nang mga ito.

Nagtataka man pero hindi na ako lumingon para alamin kung ano iyon. Habang naglalakad, pinagtitinginan kami nang mga naglalakad, lalo na sa akin.

Partikular, sa likod ko!

"Mommy, what does 'B for rent, 150 per night.' means?" Narinig kong tanong ng bata di kalayuan sa amin, kasama nito ang nanay niya. Malamang mommy nga daw niya, diba?

"Baby, that's bad! Where did you learn that?" Sinasaway niya ito. Sumulyap ako sa mag-ina.

"I saw it at that lady's back. It's written in paper and pasted at her shirt." Itinuro pa ako nito at mas lalo akong nagulat sa narinig.

Huminto ako at ganoon din si Liana. Tumalikod ako sa kanya at malakas siyang napasinghap. Pagharap ko sa kanya may hawak siyang bond paper na may sulat, in all capital letters, written with black marker.

B FOR RENT, 150 PER NIGHT

Kaya pala ako pinagtitinginan kanina pa. Naiiyak akong napatingin kay Liana. Sobrang nakakahiya!

Lupa kainin mo na ako!

Akala ko dun lang matatapos ang kamalayan ko. Akala ko lang kasi kanina pagpasok ko, habang naglalakad papuntang school, may nakita akong askal. Oo, asong kalye. Tapos hinabol lang naman ako nang walang hiya.

Hindi ko naman inaano. Hayop yun ah!

Diba dapat hindi diba tatakbo kapag may aso kasi hahabulin ka. Pero dahil saksakan ng galing ang lola ninyo, tumakbo si gaga. Yung aso? Ayun hinabol ako.

Nagtitinginan na naman ang mga tao sa akin. Mayroon pang kumukuha ng video ko na hinahabol ng aso.

Syempre, ngumiti ako sa cellphone na kumukha ng video ko para kahit papaano maayos hitsura ko. Malay ninyo mag-viral. Maipalabas sa tv.

Oo nga noh!

Galing! I am peymus now! Peymus... famous, I mean.

Binagalan ko na ang pagtakbo at naglakad na lang nang hindi ko na nakita yung aso sa likod ko. Thank goodness!

Nakangiti akong tumalikod at may panibagong kamalasan lang namang nangyari.

"Damn."

Patay!

"Damn." Naiinis na sabi ng lalakimg nakabangga ko. Natapunan lang naman ng kape yung long sleeve shirt niya. Take note, white yung kulay kaya visible na visible yung coffee stain.

"Hala! Kuya, I'm sorry hindi po ako tumitingin sa dinadaanan ko."

Namumutla ako mga bes!

Ano na namang kamalasan 'to?!

"No, it's fine. Just be mindful of your surroundings, miss." Ngumiti ito sa akin. "Take care!"

Nakatingin lang ako sa kanya habang lumalakad siya papalayo sa akin.

Kinginers! Ang gwafu niya!

Matangkad, maputi, singkit tapos may dimples. Tapos ang tangos ng ilong niya. Sana all!

Nakangiti ko siyang sinundan nang tingin nang mapako ang mata ko sa isang parte ng katawan niya.

Ang tambok ng pwet niya!

Whit whew! Sexy ass.

And, oh em gee!

Ang seksi ng likod niya!

Kumbaga mapapakanta ka ng "oh bring it sexy back~" kapag nakita mo 'to.

Wait a minute, kili-kili kong may anghit.

Bakit kamukha niya si L ng Infinite!

Kyahh! Sayang di ko natanong name niya. Pero kapal naman ng mukha ko, hano? Ako na nakabangga, naabala siya tas tatanong ko pa pa name niya.

Mahiya naman kahit kaunti, hano?

Mabuti naman at naubos na yata ang kamalasan dahil wala namang nangyaring hindi kaaya-aya sa akin papasok sa school.

Wala pang masyadong tao kaya umidlip muna ako saglit sa upuan ko. Nagising din agad ako sa ingay ng mga kaklase ko. Luminga ako sa paligid, hinahanap ko si Liana.

Wala pa ang gaga.

Hayon, tumunganga na lang ako pagkatapos.

"Hoy!"

avataravatar
Next chapter