webnovel

Finally Found You (TagLish)

Author: HiImFebby
Teen
Ongoing · 2.8K Views
  • 3 Chs
    Content
  • ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

Hurt by her past, Naomi finally moved on after being betrayed by her Ex and best friend leaving her with a trauma that almost cost her life. In the process of her healing, she encountered Bevan, a Singer from Sicinthe, and made her life worthwhile. But what will happen if she unexpectedly met her idol in real life? Will this lead to a budding romance or another unforgettable trauma?

Tags
6 tags
Chapter 1Whilom

"Okay lang ba?" Tanong ni Julia na katrabaho ko.

"Sige, go lang. Ako na dito. Wala naman akong ibang gagawin." Sagot ko, habang pinapanood siyang mag-ayos ng kanyang mga gamit.

"Thank you. Thank you nang marami! Bawi ako sayo sa susunod na shifts. Alis nako ha." At mabilisan siyang umalis ng office. Iilan na lamang kaming naiwan dito since mga nagovertime kami at wala na ang ibang empleyado.

"Okay, Nam. Let's do this!" saka ulit sinimulang mag-type sa keyboard para tapusin ang ilan pang mga linya ng codes.

Isa na namang araw bilang corporate slave. Dahil ako ang team manager, ang dami ko pa din kailangang tapusin. Bukod sa pagchecheck ng codes ng mga ka-department ko, mayroon pa akong ilang documents na natitira for review. Stress at pagod to the max.

I am Naomi Han, 1994, IT Department Manager sa isang game company. Tired but cute.

"Mukhang walang problema ngayon. Pwede na ulit tayo makapahinga kahit saglit." Aniya nitong demonyo sa tabi ko. Legit mandedemonyo na naman porke wala na siyang ginagawa.

Tinanguan ko lang siya at patuloy na tinatapos ang weekly report nang maaga para na din makarelax ng konti. "Tabi, busy ako. Mamaya ka manggulo. "

"Sigurado ka ba na wala kang nakakalimutan?" Pabirong tanong ni Denise.

Tumigil ako saglit para isipin kung mayroon ba akong nakakalimutang importanteng bagay. Dahil sa sinabi niyang 'yon, hindi ako mapalagay. Parang may something na hindi ko dapat malagpasan.

"Gaga, comeback concert ng Sicinthe ngayon." Binatukan niya ako sabay flash ng black screen sa kanyang cellphone na may nakalagay na 'Broadcaster will be live soon. Please standby'. "

"Kaya kung ako sa'yo, mamaya na'yan. Magsstart na," sabay sipa sa office chair kung saan ako nakaupo. Wow, the nerve.

"Teka lang. Last graph na para tuloy-tuloy tayo."

Kinuha ni Denise ang nakatago niyang Lightstick at saka nagplug ng earbuds, isa para sa kanya at isa para sa akin.

"Finally finally finally. Nagcomeback din sila." With matching sign of the cross pa nitong katabi ko sabay wawagayway ng lightstick sa ere.

"Ilang months din silang hiatus? Mga 7 months ba?" Tanong ko habang nagnanavigate sa laptop.

"Oo, inintay kasi nila yung recovery ni Bevan kaysa mag individual activities sila." sabi niya at todo tango lang ako habang nagsasalita siya.

*Makalipas ang isa't kalahating oras*

"Thank you for being with us today. See you on our next livestream!" Kumakaway na nagpaalam ang Sicinthe sa fans sa kanilang livestream. Inexit na ni Denise sa homescreen ang ginamit naming laptop at sinimulan nang kuhain ang kanyang mga gamit.

Napatingin ako sa lockcreen ng phone ko, "Na-miss kita. I'm glad you're back."

Kinausap ko ang hangin na parang baliw. Oo at baliw na talaga ako kay Bevan, ang bias ko sa grupo ng Sicinthe.

----

Hindi ko alam kung paano ko siya naging bias pero may kakaiba siyang charm at nahatak niya agad ako sa kanya sa unang labas pa lamang ng kanilang banda.

Aside from being the current source of my happiness, malaki din ang naging kontribusyon ng Sicinthe sa mental health ko.

***flashback***

It was a rainy day, hindi na nakakagulat sa "ber" months.

Kasabay ng patak ng ulan ang pagpatak ng aking mga luha.

'Hanggang doon na lang ba talaga kami?'

'Wala ba talagang halaga na sa kanya ang pinagsamahan namin?'

Ang daming gumugulo sa utak ko, ang daming pumapasok na masasamang ideya. Gusto ko na lamang tapusin ang buhay ko para na din matapos ang sakit na pinaramdam nya paulit-ulit sa akin.

"Lucas, bakit mo nagawa sakin' yon? Saan ba ako nagkulang?" Nakatulala ako sa kawalan at patuloy ang daloy ng luha mula sa aking mata. Hindi ko na din alam kung saan akong lupalop napadpad.

Walang dalang cellphone, walang dalang payong panangga sa malakas na ulang bumubuhos, at higit sa lahat wala nang pakialam sa mga nangyayari.

Gusto ko na lang mawala na parang bula.

Binigay ko kay Lucas, sa ex ko ang lahat-lahat na kaya kong ibigay. Mapa-oras man 'yan o atensyon at pagmamahal, to the point na wala na akong maitirang pagmamahal para sa sarili ko.

Siya ang kauna-unahang lalaking minahal ko at nagmahal sa akin pero sa isang iglap, naglaho ang lahat.

"Kailan pa, Lucas? Kailan pa?" Hindi ko na mapigilang hindi umiyak. Magulo ang utak ko at ayokong pakinggan ang katotohanan.

"Patawarin mo ako Nam, pinigilan ko naman eh pero hindi ko na-kaya. Nasakal ako." sabi niya na may malungkot na ekspresyon sa kanyang mukha.

"Nasakal ka? In what way? Ibinigay ko na lahat sa' yo tapos sasabihin mong nasakal ka? Sinuportahan kita sa gusto mo, inalalayan kita na makalapit sa pangarap mo pero ano itong ginawa mo? Nagloko ka Lucas, nagloko ka... niloko mo hindi lang ako pati na din ang pamilya ko. "

---

"I'm sorry." mahinang sabi ni Lucas.

"Wala nang magagawa ang sorry mo, Lucas. Nangyari na eh. Bakit sa dinami-dami pa ng magiging dahilan kung bakit tayo masisisira eh ang best friend ko pa? Hindi lang relasyon natin Lucas ang sinira mo kundi ang relasyon namin ni Kate."

---

Lumapit siya akin at nagtangkang yumakap ngunit lumayo ako.

"Hindi ka nagkulang, Nam. Gusto ko lang ng kalayaan. Sobrang pressured ako sa daddy mo, sa expectations nya para sa akin at sa future natin, at yon ang hindi ko na kinaya." tumigil sya ng ilang saglit para tingnan ako sa mata.

"At kay Kate mo nahanap ang comfort zone mo?" Nanginginig ang aking boses pero pinilit ko pa din sabihin ang mga salitang 'yan, kahit natatakot akong marinig ang sagot niya.

"Patawad para sa lahat, Nam," hinawakan nya ang kamay ko. "pero hindi na ako masaya." at bumitaw sya ng dahan-dahan.

Tumakbo ako paalis sa bahay namin. Sa bahay na pilit naming binuo ngunit ngayon, ang bahay na 'yon ay magiging ala-ala na lamang ng kasinungalingan at pagtataksil sa akin ng pinakamatalik na kaibigan pati na din ang sarili kong kasintahan.

Sa ilalim ng ulan, dama ko ang bigat ng bawat patak mula sa langit.

Sa dilim ng kapaligiran, wala na din ako halos makita. Walang hupa ang aking mga luha, hindi na din ako makahinga dahil sa gulat at sama ng loob kong dinanas.

Ayoko na.

Gusto ko nang bumigay.

Saan nagsimulang magbago ang lahat at ako'y hindi naging sapat para tupadin ang mga pangarap na pinlano naming magkasama?

"Miss!"

Minahal ko si Lucas simula pagkabata. Sa kanya ko lamang nilaan ang pagmamahal at atensyon ko sa mga nakalipas na taon. Ikakasal na sana kami.

Pinagsikapan ko na mapaglapit ang loob naming dalawa.

Oo, sobrang worth it. Hanggang sa...

"Miss!!"

hanggang sa...

"Miss!!"

****

"Sir, madam, ang masasabi ko lamang ay kailangan natin ng isang milagro para magising siya. Stable naman ang vitals at test niya pero hindi namin matukoy kung bakit hanggang ngayon wala pa din siyang malay." an unfamiliar voice.

Gusto kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko kaya. Gusto ko din maigalaw ang aking mga daliri pero para itong walang pakiramdam pati na din ang aking katawan. Patay na ba ako?

Sumunod na lamang ay narinig ko ang iyak ni mama at pagcocomfort ni daddy sa kanya.

"Bakit sa anak pa natin 'to nangyari? Pinagsisisihan ko na wala ako all these years sa tabi niya at hindi ko siya natutukan ng maayos. Tingnan mo tuloy ang nangyari sa kanya." - Mama

"Hindi mo kasalanan Margaret. Wala ni-isa sa atin ang may gusto ng mga nangyari. Magdasal na lamang tayo na magising na siya agad."

I heard their cries. My whole body is numb but I felt their pain.

I wanted to get up but my body is betraying me. I cannot open my eyes or either move any limb.

I heard footsteps going out of the room, sina daddy siguro 'yon pero ilang minuto ang nakalipas, may nagbukas naman ng pinto.

"Sino yan?" pero narealize ko na sa utak ko lamang ako nakakapagsalita.

"Sana gumaling ka." Isang lalake. Boses ng lalaki na hindi pamilyar sa akin.

"Sana lang talaga, hindi ako nahuli noong iniligtas kita." Hinawakan niya ang aking braso at naramdaman ko iyon. Ang malamig niyang kamay na dumadampi sa aking balat.

He paused for a long time, at ilang sandali, naramdaman ko na naman ang pagdampi ng kamay niya sa aking braso, kasunod ang mga basang patak na tila luha. "I hope when you wake up, you'll forget all the things that made you sad and be happy again, " he tapped my shoulder.

A tear suddenly escaped from my eye. 

Bakit ba nagkaganito kami? Bakit isang araw, nawala na lang lahat?

I wished.

I wished I hadn't met Lucas, when we were younger. I wished we didn't encounter each other and began to grow feelings.

I wished I was braver.

I wished I doubted him earlier.

That one day when the atmosphere between us changed, I wished I confronted him immediately. I wish I had the courage.

"I wish you well." he tapped me once again and heard the sound of his footsteps. Fading, every second.

"Wait, don't leave!" Gusto ko siyang pigilan, dito ka lang sa tabi ko... gusto kitang makilala.

"Thank you," I said unconsciously.

"Thank you for saving me and giving me a second chance to be stronger."

*** *** *** ***

"You good, dear?" A tap startled me from my thoughts. It was Uncle Shu, fellow manager ko dito sa company.

"Opo, Uncle Shu. May iniisip lang po ako." Sinimulan kong ayusin ang nagkalat na mga stationaries sa table para bumalik ako sa wisyo.

It's been 5 years since that incident, 5 years ko na din hindi nakikita sina Kate at Lucas. We ended our relationship on a bad note. No closure and such. They disappeared in a blink of an eye.

I woke up after 4 months of coma. In my process of recovering, doing rehabs para makalakad ulit ng maayos, kasabay ko nang kinalimutan ang sakit na naranasan ko dahil kay Lucas.

I decided to bury the past, move on and hope for the best of the best for my future. Now, all I can say is that I am indeed happy.

Then, Sicinthe appeared in my life. They made me happier.

"Kayong dalawa ni Denise, kailan ba kayo magkakaroon ng boyfriend? Puro na lang kayo idol groups." Si Miss Marj, from the Legal department, dumaan.

"Wala yatang balak 'yang dalawang 'yan. Hayaan na natin." - Uncle Shu

Nginitian ko lang sila "Wala pa 'yan sa plano ko Uncle. For now, carpe diem!"

I am going to excel more in my career, be happier and do the things I wasn't able to do back then.

I fished out a piece of paper from my pocket, "And of course, the apple of my eyes."

I smiled, my Sicinthe VVIP Concert ticket.

Ilang oras naming pinaghirapang kuhain 'to ni Denise. See you next week my babies!

END.

[This chapter was originally published on: October 27, 2021]

You May Also Like

Disguised As A Boy To Attend Belmont High School

Rule number one: "As a scholarship student, you should steer clear of the rich kids." Olive raised an eyebrow. "Why? Because of bullying?" she asked, playing dumb, though her mind flashed back to the scene she had witnessed earlier. "Exactly! You should avoid the school heir especially. Bullying's like a sport around here for guys like him. If you offend the wrong person, it won't end well. Trust me, if you want a peaceful year, just stay out of their way." _______ In a world where social hierarchy and family legacy reign supreme, Olivia Williams, a brilliant and determined student, disguises herself as a boy to attend the prestigious Belmont High School. She's won a coveted mathematics scholarship, but her triumph comes with a price: keeping her true identity hidden amidst the treacherous landscape of boarding school life. Enter George Lucas, the charismatic and arrogant heir to Belmont's legacy, who finds himself inexplicably drawn to "Olivia," the mysterious new student. As they engage in a fiery hate-to-love relationship, Olivia must navigate the complexities of her own feelings, the danger of discovery, and the class differences that threaten to tear them apart. As they delve deeper into their whirlwind romance, Olivia and George must confront the dark secrets of their own identities, the weight of family expectations, and the transformative power of love. But with great passion comes great risk: their relationship could upend George's family's reputation and legacy, forcing them to choose between love and loyalty. __________ Warning: Contains 18+ scenes at volume 2. And trust me, this isn't your regular type of highschool romance. Read it and you're sure going to love it.

BLUE_WAVY_ · Teen
Not enough ratings
190 Chs

ratings

  • Overall Rate
  • Writing Quality
  • Updating Stability
  • Story Development
  • Character Design
  • world background
Reviews
WoW! You would be the first reviewer if you leave your reviews right now!

SUPPORT