1 Home

Lumaki ako sa pamilya na kung saan ang aking mga magulang ay laging nag aaway , may mga araw na masaya pero mas madalas ang gulo na umaabot sa sakitan , bata palang ako laman na ako ng kapulisan dahil sa away nang aking mga magulang .

Ang papa ko ay nag ta-trabaho nuon sa ibang bansa at sa tuwing anduon siya sa ibang bansa ay duon lang ako nakakaranas ng saya dahil sa tuwing wala siya duon ko nakikitang masaya ang aking ina . katuwang ng mama ko ang aming lola sa buhay , Oo nasa ibang bansa ang aking ama , pero hindi sumagi sa isip niya na suportahan kami ng aking ina . Madami akong kapatid sa ibat-ibang lugar, isa sa ibang bansa at anim naman sa iba't-ibang probinsya . Sa tuwing uuwi ang aking ama mula sa ibang bansa ay nakaugalian niyang saktan ang aking ina madalas ay sinasarado niya ang pintuan upang hindi makatakas ang aking ina sa pananakit niya .Ang aking ina ay may sakit na hika kaya naman habang ito'y pinag mamalupitan niya ay tinatago din niya ang gamot para siya ay hindi makahinga ,habang tinatakpan ng unan sa muka . Wala akong magawa kundi umiyak , sumigaw ,humingi ng tulong at mag makaawa sa aking ama na itigil niya na ang pananakit niya .

Lumipas ang ilang araw ay bumalik na ang aking ama sa ibang bansa upang ipag patuloy ang trabaho niya ,natigil nadin ang aming pag uusap kahit na malayo siya masaya ako para sa amin ni mama, dahil hindi na ito mauulit sa kanya ,pero hindi papala duon natatapos ang lahat.

avataravatar