2 NEW BEGINNINGS

JUSTICE'S POINT OF VIEW

This is the worst day ever!

Back to school aren't boring anyway but I think this is not for me.

Pinagtitinginan ako ng iba, ang iba'y may panganga effect pang nalalaman. Mabuti na lang nakapasok pa ako sa paaralang ito kahit graduate na ako.

Hindi ko na lang pinansin ang mga matang nakamasid sakin at nagpatuloy na lang sa paghahanap ng classroom ko. Ayos din 'tong si Theo eh, pinasok ba naman ako sa pinakahate kong subject— ang Science. Ayaw na ayaw ko talaga ang science simula noong bumagsak ako noong second year highschool ako.

Sa wakas natagpuan ko na ang classroom kaya naman agad akong pumasok. Akala ko katulad noong dati na nagbabatuhan sila ng papel o di kaya'y magdaldalan, ibang iba sa nakikita ko ngayon, masyado silang tahimik at pormal kung umupo. Sa amin dati pati paa nasa armchair na eh.

As usual hindi ko na lang sila pinansin tutal di din naman nila ako pinansin. Ni "Good moring or hi new classmate" wala eh

Maya-maya ay dumating na ang teacher namin, inisa-isa nitong tiningnan ang mga estudyante at panghuli'y dumako ang tingin nito sa 'kin.

"Miss, may I know your name?" tanong ng prof namin

Wengya heto na nga ang pinakakainisan ko eh ang introduce your self.Nakakabagot promise, gusto ko nang makipagrambulan sa headquarters!

"I'm Justice Isabelle Ramos, 19" yun lang ang sinabi ko saka umupo na agad. Ayos din 'tong nag-isip ng pangalan ko eh, mabuti na lang 'di tinanggal ang Justice sa pangalan ko.

"Tell more about your self, miss Ramos. Your classmates wants to hear more about you" udyok sakin ng prof ko.

Sayang gwapo ka pa naman sana kaso pinipilit mo ako sa ayaw ko. Pangit ka na simula ngayon

"Nothing more interesting in my life. If you want to know more about me ask google siya nang bahala sa'yo" sagot ko naman.

Narinig kong nagtawanan ang mga kaklase ko kaya napangisi ako sa loob loob.

"QUIET!" sigaw ni prof kaya naman agad ulit namayani ang katahimikan.

"Miss Ramos, your so ignorant student. How could you to answer your proffesor like that?!" halata na ang galit sa boses nito, gusto ko pa sana siyang pagalitin kaso naalala ko ang sinabi ni Commander.

"Act natural inside or outside the school. Hindi natin alam na baka isa sa mga estudyante o faculties ang kagrupo ng demonyo. You must aware on people around you, huwag kang mamimilosopo"

Tsk Pahirap sa buhay!

"Miss Ramos!"

"Sir?"

"Go to dean's office, now!" halos yumanig ang bubong ng classroom sa sigaw niya.

Gusto ko siyang pilosopohin kaso baka mapalpak ang plano ko.

Dati dati nasa dean's list ako dahil sobrang talino ko pero ngayon ipapa dean's list ako hindi dahil matalino ako kundi dahil may kasalanan ako. I guess this is the new beginnings, bagong buhay, bagong rules.

Nakarating na kami ng prof ko sa dean's office, pagbukas ng opisina ay halos mapatili ako sa gulat sa natanaw buti na lang natakpan agad ng prof ko ang bibig ko.

Isinara niya iyon at hinarap akong naka poker face. Parang wala lang talaga sa kanila ang ganoong sitwasyon?

"Bakit ganun? Bakit naghahalikan sila?! Susko! Basbasan niyo po ang mata kong birhen!" nakakadiri talaga promise.

"Huwag kang OA" narinig kong nagsalita ang prof ko.

"Paanong di magiging OA? Ganyan ba talaga parati ang nadadatnan niyo?" tumango lang ito saka iniwan akong mag-isa sa harap ng pintong iyon.

"Siguro kaya nangyayari ang lahat ng kasamaan sa paaralang ito ay dahil mismong dean ay walang pakialam."

Umalis na lang ako doon dahil hindi ko talaga makayanan ang nakita. Napag-isip-isip kong huwag na lang bumalik sa classroom tutal hindi naman talaga ako estudyante dito, narito ako para sa kaso.

Biglang pumasok sa isip ko na mag-ikot sa paaralan upang ma-familiar ito.

Una kong pinuntahan ang gym kung saan nadatnan ko doon ang mga kalalakihan na naglalaro ng basketball, meron ding table tennis sa kabilang side. Masyadong malaki ang gym nila kaya nagkasya ang limang sports dito.

Naglalakad ako sa gilid malapit sa bleachers kase baka matamaan ako ng bola.

"Miss!"

Nilingon ko 'yung tumawag pero bigla akong napabagsak dahil sa may malakas na impact ang tumama sakin. De javu, naalala ko din 'to noong pinaghahampas ako ng kadena ng demonyo.

"Aray..." sinapo ako ang mukha ko, hilong-hilo ako at halos hindi na makatayo.

"Miss, okay ka lang?" salita ng isa sa mga tumulong sakin.

"Ikaw kaya ang matamaan ng bola." mapait kong sagot.

"Aray... ang ilong ko.." hinimas ko pa 'yung ilong ko dahil iyon talaga ang napuruhan, hindi ko naman kase kasalanan na matangos talaga ang ilong ko.

"Dadalhin na kita sa clinic" sinubukan niya akong patayuin pero iwinakli ko ang kamay niya

"Okay lang ako" sabi ko saka naglakas na palayo himas himas ang namamaga kong ilong. Buti na lang hindi sanay ang ilong ko sa nose bleed kundi magpapaospital talaga ako.

Hindi naman ako weak pero ang ilong ko huhuhu -_-

Hindi pa nga ako nakakadalawa sa plano ko bagsak na ako. Dahil baka ma nose bleed ako ay ako na lang ang pumunta sa Clinic upang mahiga doon

Hindi ko na kailangang kumatok dahil naiwan namang nakabukas iyon.Wala na mang bantay kaya okay lang.

Inihiga ko ang katawan ko sa bakanteng clinic bed at sinara ang kurtina para walang distorbo.

Pero hindi pa ako nakakapikit ay may narinig akong nag-uusap, more on like taong may kausap sa phone.

"Opo. Hindi naman nila nahalata kaya lang po-- Yes po-- hindi ko po ipapahalata--- sige po--- nasa ilalim ng desk ng dean ang bombang kinabit ko--- salamat po"

At doon na naputol ang usapan nila. May bomba? Sa dean's office?

Agad na nanlaki ang mata ko dahil sa gulat,wala man lang kaalam-alam ang dean na nalalapit na ang pagsundo ni San Pedro sa kaniya.

Nakarinig ako mga yabag papalabas kaya naman sinilip ko para makompirmang nakalabas na siya.

Agad kong hinawi ang kurtina at tumatakbong tumungo sa dean's office, dahil matalas ang memorya ko ay naalala ko pa ang daanan. Walang katok-katok ay agad kong sinipa ang pintuan dahilan para mapatalon sa gulat ang mga tao doon

Hindi pa pala sila tapos? Tumalikod na lang ako upang di makita ang hubo't hubad nilang katawan.

"WHAT THE HELL?!" sigaw sakin ng dean kaya agad akong napatakip ng tenga. "HINDI KA BA MARUNONG KUMATOK?! PAPARUSAHAN KITA KUNG GANUN!"

Wala na dapat pang oras na sasyangin kailangan ko nang ma defuse ang bomba kundi sasabog ang kwartong ito.

"Sir, with all your respect, hindi ko po intensyon na istorbohin kayo, may nakakabit na bomba sa ilalim ng desk niyo, kung ayaw niyo namang maniwala wala na akong magagawa doon" nakatalikod parin ako sa kanila.

"B-Bomba?" nauutal na sambit ng dean.Humarap ako sa kanila at nakita kong sinilip niya ang ilalim ng desk niya "BOMBA?!" bulalas niya ng makompirma.

END OF CHAPTER TWO

VOTE AND COMMENT

avataravatar
Next chapter