13 Seira's One Sided Love

Heidi's Pov...

Hay..hindi na naman pumasok si Adam saan kaya iyun nagpupupunta may tinatapos nga pala syang misyon pero isang beses ko pa talagang makitang pumatay sya ng tao baka kung sno na mangyari sa akin.Sigurado akong ako na naman ang tatanungin nila

"Heidi nasan na si Adam bakit wala pa rin sya?"kung hindi ako inaasar nito ni Sherrie kay Adam iisipin kong may gusto rin sya sa lalaking yun."Ewan ko sa kanya,may sarili syang buhay kaya wala akong pakealam sa kanya"biglang ngumiti ng nakakaloko si Sherrie kaya nagtaka ako."Yiee LQ kayo no"ang kulit talaga niya sinabing hindi ko boyfriend si Adam eh.

*toogsh*

Nagulat kami dahil sa sobrang lakas na pagbukas ng pintuan ng room namin at nakita ko si Trance na hingal na hingal at sa akin nakatingin at kinikilabutan ako sa tingin nyang yun."Hello my lovely Heidi wala ka bang gagawin ngayong araw?"sabi ko na nga ba may kailangan na naman itong lalaking ito eh."ba..bakit?ngumiti sya sa tanong ko."Well aayain sana kita mamaya"wait saan naman kaya ako balak dalhin ng isang to."At saan naman yun"

"Well pag pumayag ka sasabihin ko"ano daw nababaliw na ba tong lalaking to."Ah eh.... "bigla na naman syang ngumiti ng nakakaloko. "Ou di ba sige aasahan kita mamaya" what nag ah eh lang ako oo kaagad ang intindi nya dun, well para kasing a e i o u pero bakit kaya nya ako niyaya, kinikilabutan pa naman ako sa lalaking yun, napakaweird nya.Weird na top 1, oo tama kayo ng rinig ay mali basa pala sya ang top student ng section 1, o diba edi wow sya na matalino ako na ang bobo.

"Yiee ang haba ng hair mo bhe ha nakakainggit ka kung alam mo lang"hay hindi ko nga rin alam kung bakit ako pinapansin ng mga yun napakaplain ko lang naman ni hindi nga ako palaayos eh,pero sabi nila ang brown kong mata ang nagdadala at naiinggit din sila kasi makinis at maputi ako,eh balat lang naman to.Ang kailangan ko physical at mental na galing hindi makinis na balat.

"

Palit na lang kaya tayo Sherrie ng malaman mo yung nararamdaman ko"sarcastic kong sabi."Ok ok sorry na di ka naman mabiro,pero kwento mo sa akin yung date nyo ni mr.honor student ha kyaa"=___=ok kung date nga yun,at kung magiging date yun uuwi ako kaagad dahil tulad ng sinabi ko napakacreepy talaga ng aura ni Trance para sa akin.

Napatigil kami ng may mahinang kumatok sa pintuan ng room namin,at nakita ko si Seira yung anak ng principal at kapatid ni Adam na may yakap na notebooks,nakasalamin at nakatali ng tarintas yung buhok."Um..pi..pinapakuha ng principal yung uhm attendance para ngayong buwan"tumayo lang ako sa sinabi nya at iniabot kaagad sa kanya ang hinahanap nya at ng iniabot ko na ay medyo nahihiya pa sya.Ano ka ba naman Seira,maganda ka,dshil hindi ko maikakailang gwapo ang kuya mo.Pagkakuha nya ay umalis kaagad sya.

Seira's Pov...

Ang ganda talaga ni Miss Heidi napakaputi at napakakinis hay kung ganon lang sana ako,kaya lang hindi eh nagkataon pa naman na kapatid ko si kuya.Alam kong yun din ang dahilan kung bakit sya laging pinupuntahan ni Trance,pero naniniwala akong di lang maganda si Miss Heidi mabait din syang tao,akala ko nun masungit sya eh pero nung kinausap nya ako sobrang bait nya pala at napansin kong nung unang pasok ni kuya Adam ay kasama nya si Miss Heidi kaya alam kong napansin nya na rin ang napansin ko kay miss Heidi.

Hay Trance napakagwapo mo at napakabait sana dumating naman yung panahon na ako naman ang pansinin mo.Huminto na ako sa pangangarap dahil nasa harap na ako ng pintuan ng office ni mama,pagkabukas ko ay nakita ko ang principal na si Mama."Oh come here darling,did you finish my favor to you"tumango lang ako para ibig sabihin ay oo,pero ang totoo galit ako sa nanay ko.Bakit?siguro di nyo pa kailangang malaman"Sei dear nasaan na ang sa section 1"tanong ni mama sa akin,oo nga nakalimutan ko."Ku..kukunin ko lang po"yung na pang ang sinabi ko at lumabas na.

Ano ba iyan iniisip ko pa kasi kanina si Trance eh,eh wala naman akong mapapala sa kanya,hindi naman nya ako napapansin dahil ang gusto nya ay magaganda di tulad ko.Pagkadating ko sa section 1 ay bubuksan ko na sana yung pintuan ng bigla itong bumukas at may lumabas na lalaki pero di ko nakita yung mukha nya kasi matangkad sya,eh sobrang lapit ko pa naman sa pinto.Pagkatingin ko sa mukha nya ay muntikan na akong matumba,si..si Trance omygod anong gagawin ko.

"Oh ikaw pala Miss..uhmm ano nga ulit pangalan mo?"ouch ang sakit,sabi ko sa inyo hindi ako napapansin ng isang ito eh."Ah uhm I'm Seira Garcia"pagkasabi ko nun ay bigla syang nag isip isip"Wait,you..you're the principal's daughter,right?"tumango na lang ako dahil hindi ko sya kayang tingnan sa mata,well crush ko kasi talaga sya,gusto nyo malaman kung kailan nagsimula.

Flashback...

"Grabe ang panget panget mo naman bakit nag allow ang school.na ito ng kasing pangit mo"yan ang typical na araw para sa akin pero maya maya pagnalaman nilang ako yung anak ng principal magsosorry sila,kailangan ba maganda ang tao at mataas na posisyon para itrato ng tama,lahat naman tayo tao diba pero bakit may mga katulad nilang ganito ang ginagawa,siguro hindi na talaga ako makakakita ng taong tatanggap sa akin bukod sa pamilya ko."Look at you geek you really looks like a rag now haha ouch"

Napatingala ako dahil biglang nagouch yung isa sa mga nambubully sa akin.You shouldn't bully the weak"pagtingin ko ay hawak hawak ng isang lalaki ang kamay ng isang nambully sa akin.Medyo naguguluhan ako sa kanya,ang alam ko mahilig syang makipagflirt pero ngayon bakit parang kakaiba sya.Nagsialisan na sila at naiwan akong kasama si Trance."U..um thank you"pagkasabi ko nun ay tahimik lang sya.

"You don't need to thank me basta sa susunod pag aralan mong ipaglaban ang sarili mo,lahat tayong mga tao sa mundo ay pantay pantay kaya wala silang karapatang manakit ng kapwa,yun sige.Pasalamat ka napadaan ako dito sa gym kundi kung ano pang mangyari sayo"sa panahong iyon di ko alam kong may sakit na ba ako sa puso pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko,ito na yung sinasabi nilang pagmamahal..

End of flashback..

"By the way ano nga palang kailangan mo miss Garcia"tanong nya sa akin,wait oo nga pala."Um pinapakuha ng principal yung attendance para sa buwan na to"bumalik sya sa loob at sumenyas na saglit lang at pagbalik nya ay nakangiti na sya at biglang hinawakan ang kamay ko...at nilagay yung papel na hinihingi ko..

Grabe hindi na to kinakaya...

A Suivre.....

Tnx po talaga sa mga nakakarating dito..

~T_T~

YuKi....

avataravatar
Next chapter