webnovel

Pauna

Ika-pito ng hulyo taong 1995

Malalim na ang gabi nang makarinig ng katok si Mrs. Castañeda. Bagamat kinakabahan ay ihinanda niya ang kanyang sarili, sapagkat dalawa lamang ang taong inaasahan niyang darating ngayong gabi. Ang una ay ang kanyang asawang nagpadala na nang mensaheng hindi siya aabot sa inaasahang araw ng kanilang pagkikita. Kaya't batid niyang ibang pigura ang nasa labas.

Nakarinig muli siya ng katok mula sa taong nasa labas na tila naiinip na. Mas lalong siyang nakaramdam ng kaba. Hindi nga iyon ang kanyang asawa. Mabilis siyang kumilos upang humanap nang pag-tataguan, nanginginig man ay nagawa niyang piliting isiksik ang sarili sa pagitan ng kanilang malalaking tukador.

Napakatahimik ng paligid, at tanging pag-tangis ng Ginang ang maririnig. Sunod-sunod na patak ng luha ang tumulo sa kanyang pisngi at kahit na nanginginig ay sinikap na takpan ang kanyang bibig.

"ipagpasalamat mong kumatok pa ako, dahil hindi ko ugaling dumaan sa pinto kapag papatay ako"

Nagitla siya nang may mag salita sa kanyang harapan. Isang Ginoong may takip ang kalahating parte ng kanyang mukha. Nakarinig ang Ginang ng pagkasa ng baril.

"H-Hener..." Bulong ng Ginang habang binabanggit ang ngalan ng kanyang Asawa. Hinihiling na sa ganoong paraan ay maririnig niya ito't sasagipin siya.

"H'wag mo nang asahang darating ang Asawa mo, patay na siya, pinatay na si Hener, Eleanor!!"

Kasabay nun ay ang dikit sa sentido ng Ginang ang malamig na nguso ng baril saka kinalabit ang gatilyo't hindi na nagawa pang mag-luksa matapos malamang patay na ang kanyang Asawa.

Tumayo ang Ginoo't tinanggal ang kanyang pantakip sa mukha. Inayos ang pigura at prenteng humakbang papalabas ng silid, tila ba normal ang nangyari.

Thank you for reading!

Ambrosio_08creators' thoughts
Next chapter