2 The Job

Agad na pumasok si Mesiah sa bar ni Jerard na puno parin ang isipan ng kung anong trabaho ang magbibigay sa kaniya ng isang milyon. Naisip niyang imposibleng pagbebenta ito ng laman dahil hindi ganun ang pagkakakilala niya kina Jerard. Atlis doon ay nakampante siya. Isa lang ang paraan para masagot ang lahat ng tanong niya, bilisan niyang maglakad para makaharap na niya ang boyfriend ng kaibigan.

Nang makapasok sa loob ay wala pa siyang nakikitang tao, maliban sa mga staff na naghahanda na sa pagbubukas nila ngayong araw. Maliwanag padin dahil nakabukas ang lahat ng ilaw. Isang tanawing malayo sa nangyayari tuwing gabi dito.

Dumiretso siya sa opisina ni Jerard at pumasok sa loob. Doon ay nakita din niya ang kaibigan na nagsi-cellphone lang sa loob ng opisina ng boyfriend nito. Nang mapansin si Mesiah ni Leah ay tumayo ito at bineso siya.

Magkaiba ang mundo nila ng kaibigan. Mayaman ito habang siya ay mahirap. Lahat ng gusto nito ay nakukuha habang siya ay kailangan niya pang paghirapan. Pero kahit magkaiba ang estado nila sa buhay, tinuturing siya nitong kapatid, at ganun din siya dito. Ito ay dahil nahanap nila ang kapayapaan sa bawat isa. Iyong tipong kahit anong sabihin mo ay tanggap ka ng kaibigan at mahal ka nito. At tutulungan ka nito sa abot ng makakaya nito sa lahat ng problema mo. Nandoon sila sa tabi ng bawat isa sa bawat problemang naranasan ng isa't isa simula ng magkilala sila, malaki man ito o malaki. Nakita nila ang bawat isa sa pinakamababang estado, ngayon nga'y siya itong labis ngayong namomroblema at ito na naman ang kaibigan at tinutulungan siya.

"Pahiramin na lang kaya kita ng pera. Nagdadalawang-isip ako sa trabahong naisip ni Jerard eh," nakangiwing sambit ng kaibigan niya kahit alam nitong hindi niya ito tatanggapin. Ewan ba niya sa sarili, buhay na ng lolo niya ng nakataya, pride parin niya ang iniisip. Gusto niyang paghirapan ang bawat bagay, at ayaw niya isipin na naman ng tiya ni Leah na pera lang ang habol niya sa kaibigan.

"Alam mo na naman ang sagot diyan eh. Leah, pinalaki ako ni Lolo na mapride. Pero salamat sa pagtulong. Okay na itong tinulungan mo akong maghanap ng trabaho. Sobra-sobra na ito." Ngumiti siya para makumbinse ang kaibigan. Napahinga na lang ito ng malalim bago siya hinila papalapit sa mesa ng boyfriend nito.

Nang makalapit na siya kay Jerard ay bineso din siya nito. "Hi, long time no see, Alicia." Ngumisi ito at kinindatan siya. Natawa na lamang siya ng umirap si Leah dito.

Jerard is a funny guy. Maganda ang sense of humor at sobrang maloko. Madami din itong babae dito, pero napatino ng kaibigan. Napailing na lang siya sa kaniyang isipan ng maalaa kung paano nagkatuluyan ang dalawang aso't pusa.

"Yeah, sorry sa abala ah?" Mesiah smiled apologetically to Jerard and sat down on the couch where her friend sat awhile ago.

"Ano ba, walang problema 'yun. You helped us too before kaya it's our honor to helo you too." Ngumiti si Jerard bago umupo sa harapan niya.

"Anyway, Love, aalis na ako dahil may family dinner kami. Ikaw ng bahala kay Alicia," paalam ni Leah at humalik sa pisngi ni Jerard. Tumingin ito kay Mesiah at niyakap siya, na sinuklian naman niya. "If you change your mind, you can just borrow money from me. Siraulo kasi 'yung kapatid ko eh. Edi sana may trabaho ka pa ngayon." Her friend sighed while still hugging her. Nang bumitaw ito ay nginitian niya ang kaibigan.

It's not Leah's fault that her half-brother is a jerk and a maniac. Sinubukan nito siyang akitin at iblackmail para makipagsiping, ngunit binato niya ng resignation letter niya ang lalaki at sinampal ito. Kaya heto siya't naghahanap ng trabaho.

Nang makaalis na si Leah ay naramdaman ni Mesiah ang pag-iba ng hangin sa loob ng office. Gone was the playful mood, here comes Jerard in his business demeanor.

"I'm not really the one hiring you, kundi 'yung kaibigan ko. At the moment, he's on his way here para ipakita sa iyo ang kontrata at interview-hin ka. I don't really approve of this job. especially kung ikaw ang sasabak, but this is the easiest clean job I can give to you," seryosong sambit ni Jerard. Nasa mukha nito ang pag-aalinlangan sa trabahong ibibigay nito kay Mesiah, na naging dahilan upang bumalik ang mga tanong niya kanina.

"What's the job description?" kabadong tanong ni Mesiah kay Jerard.

"First, I want to tell you that you have every rights to reject this job. Pero kung kailangan mo na talaga ang pera, my friend, Lance Virto, is in dire need of a contract wife. Are you willing to take the job, Alicia?"

avataravatar
Next chapter