1 Receiving Help

Mesiah sighed in defeat as she sat on the bench outside the hospital. She just visited her grandfather and talked to his doctor, only to find out that if she wants her grandfather to live, he needs immediate operation, which she can't pay for, yet. Nararamdaman na niya ang namimintong pagsakit ng kaniyang ulo.

Ipinikit niya ang kaniyang mata para sana magpahinga, pero nakita niya ang itsura ng kaniyang lolo sa kaniyang isipan. He brought her up alone, and worked hard to feed her and fend her other needs. Nararapat lamang niyang suklian ang lolo sa kahit anong paraan, maliban na lang sa pagbebenta ng laman.

Pinalaki siya ng lolo niya ng may prinsipyo, at kahit pa buhay nito ang nakataya ay hindi niya babaliin iyon, ito mismo ang nagturo sa kaniyang manindigan sa lahat ng paniniwala. So she's now out here to find another way to pay for her grandfather's operation bills, aside from pleasing her former boss with her body.

Pinilig niya ang ulo at dumilat. Wala siyang mapapala kung tutunganga na lang siya dito. Kailangan niyang kumilos kung gusto talaga niyang magkapera. Umuwi siya sa kanilang apartment, na ngayon ay siya na lang ang nakatira dahil halos gawin ng bahay ng lolo niya ang ospital. Kinuha niya ang mga papeles niya na kailangan sa mga interviews, habang hinayaan ang teleponong mag-ingay habang sinusubukang tawagan ang kaibigan.

Sa pang-apat na ring ay sumagot din si Leah, ang kaibigan niya simula pa college. "Oh? Buhay ka pa pala?" Pinigilan ni Mesiah ang mapairap.

"Matagal mamatay ang masamang damo, nagulat ka pa?" gatong niya sa biro ng kaibigan.

"Buti alam mong masamang damo ka. Pero seryoso, anong problema? Ba't ka napatawag?" takang-tanong ng kausap.

"Hindi pwedeng nangangamusta lang?" Naiimagine niya na ang pag-irap ng kaibigan sa kaniyang sinabi.

Hindi naman kasi talaga niya ugali ang mangamusta, dahil lagi silang magkasama ng kaibigan. Kaya alam na alam na nito na kapag tumatawag siya ay may kailangan si Mesiah sa kaniya. Napangiwi na lamang siya sa katotohanang iyon.

"Guguho ang mundo bago mangyari 'yon, Alicia. Sabihin mo na kung bakit ka napatawag para matapos na." Huminga ng malalim si Mesiah, nagdadasal na sana ay may maitulong nga ito sa kaniya dahil matatagalan pa siya bago matanggap kapg mag-a-apply siya para sa trabaho.

"Kailangan ko ng trabaho, Leah. 'Yung medyo malaki ang sahod. Kailangan ko kasi ng 500 K para sa operasyon ni Tatang. Mas mataas ang, sahod, mas maaga ang operasyon, mas malaki ang tsansang gumaling si Tatang. Patanong naman kay Jerard kung meron silang bakanteng trabaho sa bar nila oh?" Bangit niya sa kaibigan na may halong pagmamakaawa.

Si Jerard ay isang sikat na businessman na ang field of work ay mga clubs at bars. Boyfriend ito ng kaibigan niya at may balak na rin ang mga itong magpakasal. Isa ito sa mga dahilan kung bakit si Leah ang hinanapan niya ng trabaho. Sa boyfriend pa lang nito, may tsansa na agad siyang magkatrabaho, kung wala naman ay may mga koneksyon ito para makapasok siya.

"Ganoon na pala kalala ang lagay ni Tatang. Pero I'm so sorry, bes, walang bakante sila Jerard ngayon. Pero if you want, I can ask him about it. Teka, 'wag mo putulin ang linya." Umupo si Mesiah sa couch nilang halos lumabas na ang spring habang hinihintay si Leah. Narinig niya ang mga kaluskos at mahinang usapan na hindi niya maintindihan, marahil siguro ay malayo ang telepono sa pwesto ng dalawa. Hawak-hawak ang sariling telepono ay kabado siyang naghintay sa kaibigan. Hindi rin naman masyadong matagal ang hinintay niya ng bumalik sa linya ang kaibigan.

"Guess what? You're quite lucky and unlucky at the same time. Jerard said that a job is open as of the moment, pero hindi ka sa kaniya magtatrabaho. Anyway, the job is a one-time job and the payment is 1,000,000 pesos. Sobra-sobra pa sa kailangan mo. The thing is, the job's something I'm not certain you can be comfortable doing. Basta kung interesado ka, pumunta ka na lang dito and Jerard will do the explaining. How 'bout that?" mahabang lintanya ng kaibigan.

Napangiti naman siya sa narinig. 1 million... Sobra pa para sa operasyon ng lolo niya, pero sapat na para mabayaran ang mga utang nila at makapagpatayo ng maliit na store sa kanilang compound. Pero napasimagot din siya. Anong klaseng trabaho ang ipapagawa sa kaniya para sa isang milyon? Hindi naman sana ito pagbebenta ng laman dahil hindi niya iyon masisikmura.

Pinigilan niya ang sariling mag-isip ng kung ano at agad na inayos ang mga gamit para magpunta sa bar ng jowa ng kaniyang kaibigan. Kailangan niyang malaman ang trabaho at tsaka na siya magdidecide pagkatapos noon.

avataravatar
Next chapter