3 Hate at First Sight

Natahimik si Mesiah at nabingi sa lahat ng mga iniisip. Iniwan siya kani-kanina lang ni Jerard para mag-isip. Sasalubungin din daw nito ang kaibigang papunta na.

If she were to accept the job, she will have to spent the three years of her life with someone she just met. And not only that, her status will be different after the contract. Handa ba siyang isakripisyo ang tatlong taon ng kaniyang buhay?

Then she remembered, how her grandfather reject her suggestion for him to find someone to love after her grandmother died. Kahit na may natitipuhan itong babae ay sa kaniya nakapukos ang atensiyon ng kaniyang lolo. Bata pa ito ng mabuntis ang lola niya sa kaniyang ina. Gayundin ang ina ng aksidente siyang maipagbuntis nito sa ex-boyfriend nito. Bata pa ang lolo niya ng magdalaga siya, maaari pang mag-asawa kung gugustuhin nito. Pero hindi siya nito maiwan. What's the three years of her life with all those years her grandfather sacrificed for her well-being.

Buo na ang desisyon niya. Para sa pagpapagamot ng lolo niya, gagawin niya ang lahat. Kahit pa maging asawa sa papel ng isang taong hindi niya kilala.

Hinilot ni Mesiah ang kaniyang ulo ng maramdamang unti-unti itong sumasakit. Wala pa nga pala siyang tulog at kain. Kalusugan kasi ng lolo niya ang iniisip niya simula pa kanina kaya nawala sa isip niyang alagaan ang sarili.

Narinig niyang may kumatok sa pinto at sumilip si Jerard. "Hey, malapit na 'yung kaibigan ko. You can think about it again after hearing and reading the contract, okay? No pressure." Napangiti si Mesiah ng agad na sinarado ng lalaki ang pinto at umalis.

Jerard is really a gentleman. Kahit opisina nito ay kumatok ito para maayos ang sarili bago ito sumilip, at sinabihan siya nitong papalapit na ang kaibigan para masaayos ang takbo ng kaniyang utak. Jerard actually gave her a cue to collect herself.

"It's okay," she thought to herself. Andiyan si Jerard para gabayan siya. Hindi lang ito basta boyfriend ng kaibigan niya, kaibigan na rin niya ito. May kasama si Mesiah na kaibigan habang nagdedesisyon siya para sa mga susunod na taon ng kaniyang buhay, at ng buhay ng kaniyang lolo. She can do this, she needs to do this.

Kinalma niya ang sarili at nag-ayos. Even though it is marriage they're gonna talk about, it's still pure business, so she needs to be presentable. Kailangan ding nasa tamang pag-iisip siya bago magdesisyon, kailangan niyang isaalang-alang lahat ng nakasulat sa contract, kung hindi, siya ang kawawa.

Muling may kumatok sa pinto matapos ang ilang minuto. Unang pumasok si Jerard sa silid at kasunod nito ang isang lalaking pamilyar na pamilyar sa kaniya.

(Flashback)

It was so serene that night. The sky is clear and the moon cast the dark night with it's cold light. The stars also was bright, shining around the moon. If one was to look up to the sky, it was a breathtaking view. But against that tranquil night, Mesiah's emotions are too chaotic. Pinaghalong galit, pandidiri, kahihiyan at panghihinayang ang naramdaman niya. Drey fucking Marquess tried to harass her on his office, ang kapatid ni Leah sa ama na kailanman ay hindi niya pinansin kahit ipaglandakan nito ang pagkagusto sa kaniya. Kung hindi lang ito isa sa mga boss at kung hindi ito parte ng mga Marquess ay landakan na rin sana niyang ipinahayag ang pagkadisgusto niya sa lalaki.

Manyakis ito at nakakadiring tumingin. Akala mo hinuhubaran ka nito, lalo na kapag hawak na nito ang mga labi at tinitignan ka simula ulo hanggang paa. Gwapo sana ito, mayaman at matalino, kung hindi lang talaga ito manyakis. At sa sobrang galit nga ni Mesiah sa lalaki ng sinubukan nitong pormahan siya ay nasampal niya ito, sabay sabi ng, "I quit! Mabuti pang umalis sa lugar na ito kaysa maging isa sa mga babae mong hayop ka!" At ngayon nga'y wala siyang trabaho. Paano ng ang lolo niya ngayon niyan?

Kailangan niyang ayain si Leah uminom. Kailangan niyang mailabas lahat ng frustrations niya, kaya tinawagan ni Mesiah ang kaibigan.

Agad silang nagtungo sa isa sa mga bar/club ng boyfriend nito na si Jerard at agad na nagbook ng private booth. Sinimulan agad ni Mesiah uminom kahit pinipilit siya ni Leah na kumain muna. Wala tuloy nagawa ang kaibigan dahil sa galit niya. Nagtagal ang oras at katulad ng inaasahan, nauna siyang malasing sa kaibigan kahit mas malakas siyang uminom dito. Halos tunggain na kasi ni Mesiah ang bote ng rum. Pulang-pula na ang mukha niya at matabil na din ang dila dahil nasambit na niya ang lahat ng murang alam niya para sa kapatid ni Leah habang nagkikwento dito ng mga nangyari.

Kalagitnaan ng inuman ay lumabas si Mesiah ng kwarto para magrestroom, ngunit pagbalik niya ay isang pagkakamali ang naganap. Sa sobrang lasing niya ay maling kwarto ang napasukan niya. Nagulat na lamang siya nang may humaklit sa kaniyang braso at hagkan siya sa kaniyang labi.

Nagulat siya, ngunit dahil sa kalasingan ay wala siyang lakas para maitulak ang kung sino mang poncio pilato ang humalik sa kaniya. And again, with the help of alcohol to faze her mind, she unconsciouly bit the man's lower lip that made her earn a growl from the stranger.

A firm hand hold both of her wrist on the the top of her head, while another hand lightly hold her chin to deepen the kiss. Biglang humigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa kaniyang baba, dahilan para bumuka ang kaniyang mga labi. Napaungol si Mesiah ng biglang pumasok ang dila ng lalaki sa nakaawang niyang bibig. Their tongues met and she accidentaly suck the stranger's tongue when she tried to find some air. The man growl before shifting her kiss down to Mesiah's neck.

The stranger licked and sucked the base of her neck which made her moan lightly in return. Nang umabot ang kamay nitong dati ay nasa baba niya, papunta sa ilalim ng kaniyang dibdib ay natauhan siya. Nawala ng parang bula ang epekto ng alak sa kaniyang sistema. Malakas niyang tinulak ang lalaki at malakas itong sinampal. It was the second man she slapped that day.

Dali-dali siyang lumabas ng silid at hinanap ang daan palabas ng pasilyong iyon. Pero bago pa niya marating ang dulo ay muling hinablot ang kaniyang braso ng kung sino man. Nang pumihit siya paharap ay isang braso din ang pumaikot sa kaniyang bewang, dahilan para mas mapalapit ang katawan niya sa katawan ng estrangherong lalaki.

"And where the hell do you think you're going?" Ramdam ni Mesiah ang galit sa tinig ng labi. It was very much visible through the guy's clenched jaw under the dim lighting of the hallway, compare to the dark room they were in awhile ago.

"Anywhere where I can't see anyone like you, bastos!" Agad niyang inumpog ang ulo sa ulo ng lalaki at tinuhod ang tiyan nito. Dumaing ang lalaki sa sakit, na siyang nararamdaman niya rin ngayon. Ngunit hindi niya pinansin ang pagkahilo at dali-daling lumabas ng establisiyamento at sumakay sa taxi-ng nag-aabang ng pasahero. Agad niyang binanggit ang apartment na tinitirhan habang nagsi-send ng message sa kaibigan na nauna na siyang umuwi. Napahinga na lang siya ng malalim. Napakamalas na araw.

(Present)

Unconsciously, Mesiah touched her forehead where a bump lay, definitely an effect of what she have done to the man who's currently standing infront of her. Napangiwi siya ng makitang ngumisi ito, halatang nakilala din siya ng lalaki. After all, everything happened two days ago, paano nila parehas malilimutan ang mainit na gabing iyon?

avataravatar
Next chapter