1 Ch 00

LAKAD-TAKBO, iyan ang pa-ulit-ulit na ginagawa ni Sophia sa isang mahabang daan na tila walang katapusan. Mabato na nakakasugat na sa kanyang talampakan ngunit 'di na niya alintana pa iyon. Ang mahalaga ay makatakas siya. Makalayo sa taong humahabol sa kanya ng mga oras na iyon. Hindi alam kung saan patungo at wala miski ano mataguan.

Walang ni-isang makita na pwedeng hingan ng tulong. Mas binilisan pa niya ang takbo upang makalayo lamang sa malagom na boses na tumatawag sa kanyang pangalan. Bakit ba kahit anong gawin niyang pagtatago ay nakikita siya nito? Nahahanap pa din siya kahit na nasa pinaka-suluksulukan na ng mundo. Kailan ba siya makakalaya? Kailan ba siya sasaya na walang iniisip na iba?

Patuloy siya sa pagtakbo hanggang sa may liwanag na nakita sa dulo. Muli niyang nadinig ang malagom na tinig na tumatawag sa kanyang pangalan. She hate her name. Lahat gagawin niya para mapalitan iyon at mamuhay kahit sa katauhan ng ibang tao. Lahat kanyang gagawin makatakas lamang sa nakakatakot na mundong ginagalawan niya. Walang lingon likod siyang dumiretso sa pagtakbo hanggang sinalubong niya ang nakakabulag na liwanag.

Dagling napabalikwas ng bangon si Sophia at habol hiningang tumingin sa nakabukas na bintana. Mabilis siyang tumayo at tinungo iyong isara ng maigi. Paano niya nakalimutang i-repair iyon kanina? Masyado siyang napagod sa biyahe kaya imbis na mag-ayos ay nakatulog na lamang siya. Sinunod niyang tinungo ang pintuan at gaya sa bitana'y sinara niya ding maigi iyon.

Napasandal siya sa dahon ng pintuan at sinuklay ang buhok na tumabing sa kanyang mga mata. Pa-ulit-ulit na lamang ang panaginip na iyon. Kilala niya ang boses na tumatawag sa pangalan niya. Kapag naalala'y hindi magawang maiwasang maiyak dahil sa takot. Sophia travelled down the farthest town in Mindanao region just to hide from someone who's trying to hurt her.

"He won't find you, Sophia. Starting tomorrow, Sophia is dead and you will be Faye Mckenzie..."

Malalim siyang napahinga matapos sabihin iyon. Lahat ginawa niya upang mabura anumang trace ng isang Sophia Delos Ama sa kanyang buong pagkatao. She cut her hair short and colored it blonde. Alter her face featured slightly and her look more american. Lahat ng identification card niya'y nakapangalan na sa isang Faye Mckenzie na umuwi ng Pilipinas para dito na manirahan. Walang ibang uungkat sa nakaraan niya sa lugar na ito. She's safe here and no one will ever suspect that she has a fake identity.

"In this town, I'll start over again."

Kinabukasan, maaga siyang bumangon at naghanda para bumili ng mga kakailanganin niya sa pag-aayos sa bagong titirhan. Nabili niya sa hindi kamahalang presyo at may kakailanganin lang na ayusin. Minimal repair that she can handle all by herself. Gumawa siya ng checklist ng dapat gawin sa isang buong linggo na nakasanayan na niya noon pa. Pati ang mga bibilhin ay nilista na din niya upang wala na makalimutan.

May kalayuan ang tirahan niya sa town proper at naglalakad lamang siya kaya hangga't maari ay iniiwasan niyang may malimutan. Kennedy Town is a serene place that has small population. Zero ang crime rate dahil halos lahat ay magmakakilala na sa sobrang liit ng barrio na iyon. Siya lamang ang bagong mukha doon at kailangan niya makisama ngunit iyong sakto lamang. Hangga't maari ay ayaw niya ma-involve sa miski na sino na sa bandang huli'y makakasakit sa kanya.

Nilagyan niya ng turban ang maikling buhok saka sunod na inayos ang suot na running shoes. Iyong mga damit niya'y nanggaling pa sa mismong closet sa nilisang tirahan. Kaunti lamang ang nadala niya sa pag-alis ng walang paalam sa Manila. Miski ang mga magulang niyang wala naman na talagang pakialam sa kanya ay hindi alam na nakatakas na siya. She waited for this chance to live in a place where no one knows her and the past she's trying forget.

All about her life was a mistake, Binenta siya ng mga magulang upang makabayad sa lampas ulo nilang pag-kaka-utang sa isang negosyate. Doon nagsimulang maging imperyo ang buhay, maging ang mundong ginagalawan. Ginawa siyang alipin at wala ni-isa ang tumulong sa kanya kahit pa nakikita na ang kanyang paghihirap. Walang nagtangkang lumaban sa negosyateng iyon miski na ang lalaking akala niya'y totoong nagmamahal sa kanya. Masahol pa sa teledrama ang buhay niya sa Maynila.

Tinakasan niya iyon at dala ang kakarampot na pag-asa, tumungo siya sa Kennedy Town, maliit na barrio sa loob ng Davao Oriental. Doon siya magsisimulang muli bilang ibang tao. Lahat ng bagay na may kinalalamang kay Sophia Delos Ama ay binaon na niya sa malalim na hukay. Siya na ngayon si Faye Mckenzie, isang half american, half pinay na nagnanais na manirahan sa lugar na iyon imbis na sa Maynila. Bagong simula, at hindi na siya bilanggo pa ng mapait na mga karanasan.

"Ikaw yung bagong lipat sa may bandang dulo?" tanong ng may-ari ng general merchandise store na pinasok niya.

"Oo." Matipid niyang sagot dito. Mula sa gawing kanan niya, dinampot niya ang color pallete ng mga pintura. Namili siya doon ng maaring ipang-kulay sa sahig maging sa kanyang dingding, Kupas na kasi ang kulay ng mga iyon at hindi siya mapalagay sa kulay ng sahig na kanyang lalakaran.

"Ikaw lahat gagawa ng mga repair?"

Ang totoo'y medyo naiirita na siya sa pagiging matanong ng may-ari sa kanya. Iniiwasan lang niyang makasakit ng damdamin lalo't bago pa lamang siya sa lugar na ito. Hindi na siya sumagot at binalik na ang color pallete sa pinagkuhaan. Saka na lamang siya bibili ng pintura. Sa ngayon ito munang mga repair sa pintuan at bintana ang kanyang ayusin upang hindi na siya kakaba-kaba pa sa gabi.

"Walang masamang humingi ng tulong," sabat nang tinig na nagmula sa kanyang likuran.

Nilingon niya ito saka tiningnan mula ulo hanggang paa. Hindi niya ito nakita kanina nang pumasok siya sa loob ng general merchandise store na iyon. Agad siyang dumukot ng pambayad at inabot iyon sa may-ari. She waited until all the stuff she bought is already packed. Umalis siya doon at walang lingon-likod na binigay sa dalawang lalaki na iniwan niya sa loob.

It's better not to be associated to anyone here...

*****

SINUNDAN lamang ni Conrad ng tingin ang babaeng basta na lamang umalis at hindi kumibo sa kanila ni Mang Delfin. Nakita na niya ito kahapon nang maglipat ito sa bahay sa pinadulo nitong Kennedy Town. Malayo iyon sa mga tinitirhan nila at wala siyang nakitang anumang sasakyan na ginamit nito. Naglakad lang ito mula sa pinaka-dulo hanggang dito sa tindahan ni Mang Delfin?

"Tama nga si Corazon, masyadong tahimik ang babaeng iyon na bumili ng bahay niya." ani Mang Delfin.

"Hindi pa sanay sa gawain dito at naiilang pa sa mga tao kaya gano'n," sabat naman ni Aling Fely.

"O baka naman hindi tayo na-iintindihan kasi sabi tiga-ibang bansa dati ang batang iyon." dagdag na sabi naman ni Aling Graciella

Imposible iyon dahil nadinig ni Conrad na sumagot ito kay Mang Delfin kanina nang tanungin ito ng matanda.

"Tama na muna iyang tungkol sa bagong salta dito. Pag-usapan na natin ang tungkol sa fiesta." Sanlasa ni Mang Delfin na dahilan ng kanyang pag-ngiti.

"Ito lang muna, Mang Delfin." sabi niya saka nilagay ang napiling pagkain sa harapan ng matanda.

Isang sandwich at citrus juice ang kanyang lunch para ngayong araw. Ngayon lang siya kakain matapos ang madaming ginawa sa emergency room ng kanilang provincial hospital. Nanawa na siyang kumain ng mga pagkain sa cafeteria sobrang unhealthy naman. Ospital ngunit ang mga pagkain na nakahain ay mga posibleng maging dahilan ng mga sakit. Wala na siyang oras para magluto dahil sa sobrang daming ginagawa.

"Sasama ka sa pag-aayos mamaya, doc?" tanong sa kanya ni Mang Delfin.

"Pag-ka-out ko ho mamaya sa ospital. Masyado lang madaming hong ginagawa kaya hindi pa ako nakaka-out ng maaga."

Tumango-tango ang matatanda sa sinabi niya. Hindi siya tiga-Kennedy Town at na-relocate lamang doon noong isang taon. Galing siya sa prestiyosong ospital sa Manila at iyon pinaglilikuran niya ngayon ay affliates ng nasabing health care establishment. Pinili niyang ma-relocate doon kaysa isang ospital na malapit lamang sa naunang pinanggalingan. Sa Kennedy Town, kakaunti ang kakayahan na makapag-entertain ng pasyente na may malubhang sakit.

Kulang sa mga kagamitan at maging sa mga personnel na unti-unti na naman niyang sino-solusyunan. Bilang medical director ng Kennedy Town Provincial Hospital, madami siyang kinaharap na hamon. Kalahati ng maliit na populasyon na mayroon ang lugar na kinaroonan ang mga matatanda na. Mas kailangan na tutukan ng buong atensyon upang bumaba ang mortality rate sa lugar na iyon. Nadagdagan na din ang staff na nagsimula lamang sa lima.

Isa pang hamon ang transportasyon na nagdadala sa may mga sakit sa ospital kaya ang kanyang ginawa ay dinala niya ang ospital sa mga tao. Mas madali iyon at kung minsan ay nagagamit pa ang sasakyan na kanyang pag-aari. Hanga siya sa babaeng may blonde na buhok kanina dahil nagagawang maglakad mula tindahan ni Mang Delfin hanggang sa dulo. Nagpaalam siya sa mga matatanda at mabilis na sumakay sa sasakyan niya pinasibat iyon nang tumunog hawak niyang pager. Isa na namang emergency patient ang kailangan niyang tugunan ang pangangailangan...

Next chapter