webnovel

#01

Chapter 1

*SHOWBIZ NEWS

Sikat na actress at model na si Astrid Dela Riva at Model/Producer na si Miguel Hernandez kumpirmardong hiwalay na*

Yan agad ang nakita ko pagkabukas ko pa lang ng TV. Nakakairita na nga eh kasi It's been a week since pumutok ang balitang yan hindi pa rin pala tapos ang public. Hanggang ngayon trending pa rin yan. I bet kagagawan yun nung retokada, malandi at ilusyunadang girlfriend ni Miguel na si Scarlet kasi wala namang iba eh. Sya lang ang may galit sa akin at sya lang gagawa nun para ipamukhang nanalo sya kapal ng mukha. I wonder nga kung ano ba talaga ang ipinaglalaban ng mahaderang yun eh hindi naman ako naghahabol pero masyado nyang pinapalaki ang issue isa hindi ako ganun ka desperate para maghabol walang hiyang gaya ng lalaking yun. duh.

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa pagtawag ni Agatha. ang assistant ng manager ko o should I say ang isa sa mga bruha kong kaibigan.

"Yes hello Agatha?"

[Astrid nasaan ka na ba hinahanap ka na ni Ms.Jhen nandito na yung production ng bago mong movie under Sunflower films kaya bilisan mo in an hour daw dapat nandito ka na]

Oh sh*t bakit ko nakalimutan yun. I ended the call without saying a word at nagmamadaling umalis. Tama wala akong time para magmukmok at intindihin ang kaartehan ni Miguel at Scarlet. Gosh bakit ko ba nakalimutan ang meeting na yun. Buti na lang at walang traffic kaya wala pang 30 mins ay nakarating agad ako sa Agency. At agad akong sinalubong ng galit na mukha ng manager kong si Ms.Jhen

"Mamaya na tayo mag-usap, bilisan mo ikaw na lang ang hinihintay nina Direct Chino nandoon na rin yung bago mong leadingman kaya pumasok na tayo" diretsong sabi nya. Kaya hindi na ako nagsalita pa kasi pagagalitan nya lang ako kapag ginawa ko yun

Pagpasok namin almost complete na lahat at talagang kami na lang ang kailangan. Nagsimulang iabot sa mga casts yung scripts at nagulat ako sa role ko it's not the typical role na ginagampanan ko grabe ang revealing ng scenes, I mean kailangan ko ba talagang gawin ang sexy scenes na ito? I looked at Ms. Jhen. She just nod at me. Gosh. isa pa may nakakairitang impakta dito eh yung bruhang si Scarlet at nagkataon pang sya ang main antagonist gosh baka kapag di ako nakapagpigil ay maging totohanan ang mga samplan at awayan scenes namin.

"Just read those scripts for now at pakisabi na lang kung may gusto kayong i-complaint lalo na sa roles ng main protagonists Ms. Astrid, David"

"Okay direk" sabay na sabi namin ni... OMG ang lalaking makakaka love team ko ay si... Goodness it's a big disaster.

Next chapter