webnovel

Chapter 3

Alex POV

"Nice to see you again Miss"humarap ako sakanya at umirap.

"Sungit mo naman ikaw nga yung may kasalanan sakin eh binuhusan mo ako ng juice"binuhusan duh Hindi ko yun sadya muli ko siyang hinarap.

"Anong binuhusan hindi ko yun sadya kung hindi ka lang tanga edi sana di ka nabasa"sagot ko sakanya na mukang nainis pa sa naging sagot ko.

"Mr.Monterverde and Ms.Ferrer warning!"aahhhh bat ba kasi ang ingay nitong katabi ko first day of school.

"Can you please shut your mouth napapahamak ako dahil sayo!"asik ko sa kanya,nabigla ako ng nagtaas siya ng kamay at biglang tumayo.

"Mrs.Makapili!dinadaldal ako nitong katabi ko sabi pa niya ang gwapo ko daw tapos mag usap nalang kami kaysa makinig sa inyo"

Nagtawanan naman ang ilan naming kaklase may humihiyaw pa nga eh wala Naman akong sinabing ganun ah oo gwapo siya pero Wala akong sinabing magdaldalan nalang kami ni hindi ko nga sya gustong kausap!

"Is that true Ms.Ferrer?kay bago bago mo palang dito ganyan na sinasabi mo sa professor dito!Get out and I will talk to you after this class!"

"Pero hind-"

"I said get out!"

Pareho pala sila nung katabi ko eh mukhang tanga hindi muna inalam kung totoo.

"Okay"sabay tayo ko umirap muna ako sa katabi kong mukang mamamatay na sa kakatawa at naglakad na palabas ng room.

Naglakad nalang ako papuntang locker room para kunin ang libro ko para sa susunod na subject  pero saktong pagbukas ko may nahulog na note at pumunta sa ilalim ng locker. Ano kaya yun?dumapa ako para sana makuha yung note ng may napansin akong kuminang sa baba ng kabilang locker.Agad ko yung kinuha at yung note binasa ko muna yung nakasulat sa note.

'Mag-iingat ka,pinapanood lang kita'

Kinilabutan ako tumingin tingin ako sa paligid pero walang sinumang tao bukod sakin.Pinunit ko nalang yun at tinapon sa basurahan malapit sakin. Sunod kong tinignan yung necklace sa kamay ko may nakaukit sa pendant nun.Hindi ko mabasa sa sobrang liit ng letra sa pendant.Binulsa ko nalang yun at naglakad palabas sa locker room.

Pagkadating ko sa room kakatapos lang ng class ni Mrs.Makapili at saktong paglabas niya tinawag niya ako.Siguro pagsasabihan ako nito dahil sa sinabi ng lintik kong katabi.

Sumunod nalang ako sakanya.

"Ms.Ferrer"

"Po?"

"Totoo ba yung sinabi ni Drake?na ayaw mong  makinig sa klase ko"hmm so Drake pala pangalan nun nice name pero hindi nice ang ugali.

"Miss hindi po totoo yun sya nga po yung dumadaldal sakin"

"Okay pero sa susunod na makipag usap ka sa katabi mo habang nagkaklase ako ibabagsak na kita sa subject ko"

"Pero miss-"

"Go back to your room now"

"Sige po"

Ugali siguro ng professor na yun ang hindi magpatapos ng sasabihin. Bumalik nalang ako sa room at umupo sa upuan ko.

"Anong sinabi sayo ni miss?" natatawa pang tanong niya.

Lumingon ako sakanya at ngumisi "Sinabi ko lang yung totoo,sabi niya kapag hindi ka daw tumahimik sa klase niya ibabagsak ka niya sa subject niya"

Halatang nagulat siya sa sinabi, uto-uto pala to ni hindi ko nga siya sinumbong sa pagsisinungaling niya kay Mrs.Makapili.Magsasalita pa sana siya kaso dumating na yung susunod na professor.

"Good morning!"mukhang bakla tong prof. na to.

"Good morning"sagot naming lahat

"Sa mga hindi pa nakakakilala sakin I'm Jason Buenavista hindi ako bakla muka lang kung yan man ang iniisip nyo,I'm your teacher in Biology" natawa ako sa sinabi nyang hindi sya bakla pero muka lang

Nag-start na siyang mag discuss, napatingin ako sa katabi kong nakatingin Lang sa harap at mukhang nakikinig kaya nakinig nalang din ako

Discuss

Discuss

Lunch Break

Inayos ko kaagad yung gamit ko papatayo na sana ako nung may lumapit saking tatlong babae at dalawang lalaki.

"Hi I'm Coleen Buenaventura!"pakilala ng may maiksing buhok na may kaunting kulot sa dulo,maputi siya, malaki ang hinaharap,makapal rin ang kilay niya at blue ang mata niya

"Hi I'm Claire Anderson!"siguro fil-am to.Maputi siya hanggang balikat ang buhok at brown ang mata pero hindi masyadong halata katulad nung sakin.

"Hi I'm Pauleen Buenaventura!" kakambal ni Coleen pareho din sila ng features ang pinagkaiba lang nila ay mahaba ang buhok ni Pauleen hanggang balikat at straight.

"Hi I'm Josh and this is Kyle!"pareho silang gwapo kilala ko na rin si Kyle dahil kasabay ko siya kanina magpakilala.

"Nice to meet you all!"

"Tara sabay ka na samin"Pauleen

"Sure"

Naglakad na kami palabas ng room at pumunta na kami sa school canteen. Nakahanap kami kaagad ng mauupuan at nagprisinta si Josh at Kyle na sila na raw ang mag oorder kaya sinabi nalang namin ang order namin sa kanila..

Next chapter