2 Chapter 2

Drake POV

Maaga akong pumasok sa school dahil meron kaming practice sa basketball baka pag nalate pa ako hindi na ako yung MVP,habang tumatakbo may nakabanggaan akong babae maputi siya matangkad ren siya pero syempre mas matangkad parin ako dahil meron siya dalang juice natapon tuloy sa jersey ko.

"Are you blind?!"asik ko

"Sorry nagmamadali kasi akong pumunta sa room ko late na ako e"siya

" Wala akong pake,how can i play when my jersey is wet" sabay turo ko sa jersey kong basang basa na dahil sa lintik na juice na Yan.

"Nabasa rin naman ako ah di lang ako yung may kasalanan kung tumingin ka rin sana sa daanan edi sana di tayo magkakabangga at di tayo mababasa!"asik rin niya sakin

Nagulat Naman ako sa sinabi niya, may inabot siya saking face towel pero tinignan ko Lang yun at tinabig Ang kamay niya,naiinis ako pano na ako makakapaglaro ang lagkit lagkit ko na rin!nag lakad nalang ako papuntang locker para kumuha ng white shirt ako pa ata papagalitan dahil dito.

Pagkarating ko sa gym naguumpisa na sila,lagot ako nito kay coach.

"Mr.Monterverde late ka na sa practice tapos di ka pa complete uniform!"Sabi ko na nga ba papagalitan ako e

"Coach,may tangang di tumitingin sa daanan eh nabangga niya ako may dala siyang juice kaya natapon sa damit ko!"asar na asar ako sa babaeng yun.

"Okay makipractice ka na sa kanila"

--------------------------------------------------

Alex POV

Nagmamadali akong pumasok sa gate dahil late na ako ng 20 minutes sa klase nang may mabangga akong lalakeng naka jersey saktong may hawak akong juice ayun natapon sa damit naming dalawa,paano na ako papasok nito first day ko pa namn baka pagalitan pa ako ng professor.

"Are you blind?!"biglang sigaw niya saken nainis ako bigla kami kayang dalawa ang nabasa kung di lang sana siya tanga at sana tumingin din siya sa daraanan pero dapat stay calm lang ako first ko pa naman baka sa guidance office ako didiretso.

"Sorry nagmamadali kasi akong pumunta sa room ko late na ako e" sabi ko using calm voice.

" Wala akong pake,how can i play when my jersey is wet" sabay turo niya sa jersey niyang basang basa na dahil sa juice na natapon.

"Nabasa rin naman ako ah di lang ako yung may kasalanan kung tumingin ka rin sana sa daanan edi sana di tayo magkakabangga at di tayo mababasa!"sorry self di ko na nakayanan eh,pogi ka pa namn sana ang sama Lang kasi ng ugali mo nag offer nalang ako sakanya ng face towel ko pero tinabig niya Lang yung kamay ko Ang arte ah kala mo Naman Kung sino.

Nahanap ko na rin yung guidance office at kinuha ko na Rin Ang schedule ko,habang naglalakad papuntang room  naalala ko yung mukha ng lalake yung mapupulang labi niya,mahahabang pilik mata, makakapal na kilay pati narin matangos na ilong pati narin Yung jawline niya nakakalaglag panty, binura ko kaagad sa isipan ko ang mga yon.

"Hey!are you new here?"tumaas ang kilay ko sa lalaking nakaharap sakin bat ba lahat ng mga nakita ko ngayong umaga may itsura!

"Yes"maikling sagot ko

"I'm Kyle"sabay lahad ng kamay niya,pero tinaasan ko Lang siya ng kilay.

"I'm Alex"

"Nice name,dito rin ba first class mo?" tango nalang Ang naging sagot ko"so magkaklase pala tayo tara na"nauna siyang pumasok saken at sumunod nalang ako.

"Yes?"professor

"We are the transferees"Kyle

"Oh okay class you have new classmates!"sabay palakpak niya "Introduce yourselves"

"I'm Kyle David Cooper nice to meet you all"

"I'm Alexandria Louise Claverio Ferrer"

"That's it?tell them more about yourselves"umirap nalang ako sa kawalan.

"I'm 18,we have a company Cooper Corporation nag iimport ng ibat-ibang klase ng wine sa bansa,my mother's name kyla and my father's name is Dave that's all thank u"napataas nalang ako Ng kilay sa kanya nagkamot naman siya ng ulo.

"How about you miss Ferrer"

"We have two big companies"

"That's all?"tanong niya

Tumango nalang kami.

"You Mr.Cooper you can sit next to Ms. Del mundo"tumango naman siya at umupo na .

"And you Ms.Ferrer you can sit beside Mr.Monterverde but he's not here yet"sabay turo sakin ng uupuan ko seriously sa likod?

"Let's start so I'm Mrs.Makapili"

Sa kalagitnaan ng klase bigla nalang pumasok Yung nakabanggaan ko.

"Mr.Monterverde what took you so long?"seriously ito yung katabi ko?!sinasadya ba talaga ng tadhana to?

"You can sit beside Ms.Ferrer" habang tinuturo Ang katabi kong upuan shet bakit katabi ko pa to.

Bigla naman siyang ngumisi at umupo na sa tabi ko.

avataravatar
Next chapter