1 Chapter 1: Confession

"Yesha, i want to tell you something important. " Napabangon na ako mula sa kinahihigaan kong blanket na nakalatag sa damuhan dahil sa sinabing iyon ni Kalix. Tama ba ang narinig ko? May importante daw siyang sasabihin sa akin? Napalunok pa ako bago napatitig sa gwapo niyang mukha.

"A-Ano 'yon, Kalix?" nauutal ko pang tanong.

Ngumiti si Kalix.

Anak ng! Ang gwapo talaga niya lalo na kapag ngumiti. Para siyang nagko-commercial ng toothpaste sa harap ko.

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa 'yo eh" sagot niya na napakamot pa ng ulo.

Pa-cute pa ang mokong! Kung pwede lang na i-fast forward ko na! Oh my gosh! Ito na nga yata ang pinakahihintay ko na sasabihin niya sa akin. Kaya ba ipinagpaalam niya ako kina Papa at Mama na dadalhin dito sa Tagaytay dahil... Dahil magtatapat na siya?

"Yesha....."

Naramdaman ko ang mainit na palad niya sa ibabaw ng kamay ko. Ilang taon ko na bang hinintay na marinig ang mga salitang sasabihin niya ngayon sa akin? Tatlo? Apat? Limang taon? Ah! Hindi ko na talaga maalala.

Isang malalim na buntung-hininga ang binitawan ko bago muling napalunok nang salubungin niya ang aking tingin.

"Matagal ko na itong gustong sabihin sa 'yo...." pagpapatuloy niya.

Wala na akong makapang salita na itutugon sa kanya. Bumibilis na ang pagtibok na puso ko. Kaba? Excitement? Hindi ko na alam ang nararamdaman o mararamdaman ko. Sasabihin niya na ba talaga sa akin ang mga salitang napakatagal ko nang hinintay na ipagtapat niya?

"Yesha...."

Hinawi niya ang buhok ko at inipit iyon sa likod ng tainga ko. This is it, pusit! Sa malamig na hangin, sa ilalim ng bilog na buwan at sa nagkikislapang mga bituin sa langit, magtatapat na sa wakas ang lalaking kauna-unahan at nag-iisang nais kong makasama sa habambuhay.

"Kalix..." nakangiti at malambing kong banggit sa pangalan niya. Malapit na ba talaga akong maging isang Mrs. Kalix Saveryo?!

"Yesha, i just want to tell you that..." tumikhim pa siya na dahilan para maantala ang sinasabi niya.

Pinapakaba ba ako lalo ng poging ito o siya mismo ang kinakabahan sa gusto niyang sabihin sa akin? Sabagay, sino ba naman ang hindi kakabahan kung magtatapat ka na sa taong matagal mo nang napupusuan?! Shemay! Ngayon pa lang, sobrang kinikilig na ako talaga! Lord, alam kong napakabata ko pa para dito pero sign lang ang kailangan ko. Kung magtatapat ba siya ngayong gabi sa akin, siya na talaga ang para sa akin. Pero kung hindi pa.... kung hindi talaga.... Pwede bang siya na lang!? Please!

"Yesha, I'm...." Ikinulong na niya sa mga palad niya ang magkabilang pisngi ko at wala ng isang dipa ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa.

Nakagat ko na ang pang-ibabang labi ko nang mapansib kong nangingilid na ang luha sa mga mata niya. Oh my god talaga! Magtatapat lang siya ng feelings niya, naiiyak na siya kaagad! Juicecolored! Heto na 'yon. Magtatapat na siya... Ipagtatapat na niya sa akin ang lahat... Ipagtatapat na niyang.....

"Yesha, I'm gay....."

"A-Ano!?"

At tapos niyang sabihin ang kanyang itatapat na akala ko ay na may gusto siya sa akin na yun lang pala na siya ay bading o berde ang dugo, para bang nawalan na ako ng saysay sa mundong ito... gumuho na at para bang wala na akong pag-asa sa kaniya.

avataravatar
Next chapter