webnovel

Paghahanap ng Housemate

"PERO dapat sa lahat ng bintana, lalo na sa mga pinto ay may nakasabit na bawang!"

Pinipigilan ni Michie tawanan ang kausap. Pangwalo na si Lisbeth sa kanyang na-interview para maging housemate pero kahit ito ay may saltik. Ganito na lang ba kahirap makakita ng matinong makakasama sa bahay?

Iyong una ay gustong pinturahan ng itim ang pader ng kuwartong gagamitin, syempre ay hindi siya pumayag.

Iyong pangalawa okay na sana pero may dalawang pusa at isang aso na kasama, eh bawal sa condominium na iyon ang mga hayop.

Ang pangatlo, tawad ng tawad sa renta at ipinapalibre pa ang bayad sa kuryente at tubig. Malaking cross out.

Pang-apat, weekend lang daw makakasama ang boyfriend at gustong doon tutuloy ang lalaki na malaking bawal sa kanyang set of rules.

Ang pang lima naman ay hotel yata ang kailangan dahil sa kaliit-liitang gamit kagaya ng face towel ay dapat daw niyang i-provide. No way!

Pang-anim, hindi pa man nagkakasara ng deal ay inuutang na agad ang unang buwang bayad sa renta nito. Masakit sa bangs, ha!

Ang pang-pito, lalaki na kung tumingin ay tila gusto na siyang sunggaban. Agad siya humingi ng paumanhin na hindi niya nailagay sa ad na babae lang ang hinahanap niyang housemate. Ipapa-ban pa niya ito sa condominium!

At itong huli, kaya pala ganoon ang ootd at mystical designs ang tattoo sa katawan, pinaghalo-halong feng shui, mambabarang, at voodoo ang pinaniniwalaan.

Hindi alam ni Michelle kung gusto lang siya nito bentahan ng kung anu-ano'ng charms.

"At kailangan din i-re-arrange ang mga gamit ayon sa direksyon ng compass at birthdays natin," dagdag pa ni Lisbeth. That's it! Wish niya lang ang isang napakalaking black pentelpen pang-cross out sa pangalan nito.

Ngumiti si Michelle. "Salamat, Lisbeth. Sige tatawagan na lang kita o i-email kung sino ang mapipili ko. May isa pa kasi akong i-interview-hin mamayang hapon. Kailangan ko na ding umalis kasi may trabaho pa ako," paalam niya.

Ni-request nito na sa araw at umagang iyon sila magkita na ayon sa astrological alignment ay masuwerte daw.

Habang bumibiyahe papunta sa trabaho ay hindi napigilan ni Michelle ang pagtawa. Kapag naka-sampu na siya ng ini-interview ay titigil na siya sa paghahanap ng housemate, baka mas makakabuti nga a kanya na mamuhay na lang mag-isa.

Napapa-isip tuloy siya kung siya ang weird o ang mga taong nakausap niya.

Sana naman, wala nang saltik ang i-interview-hin niya mamayang hapon. Nagkasundo sila sa isang café sila magkita sa itinakda niyang oras pagkatapos ng trabaho.

May-ma-o-order naman siguro siyang inumin na hindi aabot ng isandaang piso.

Mabilis lumipas ang maghapon hanggang sa dumating na ang itinakdang oras ni Michie para sa interview. Naka-puwesto na siya sa pandalawahang lamesa ng café.

Sinabi niya sa email kay Jamie Santos ang kulay ng kanyang jacket. Very distinct ang kulay na sky blue kaya alam niyang wala siyang makakatulad doon.

"Miss Michelle Dimapalad?" tanong ng isang buo at malagom na tinig.

Nanigas si Michie sa kinauupuan. Lalaki ulit? Ay naku, bakit kasi ayaw pumayag nung diyaryo na maglagay siya ng correction sa kanyang ad? Naka layout na daw. Tsk!

Alangan namang hindi niya ito harapin, dinayo pa siya doon. Akala niya ay babae dahil sa pangalan nitong Jamie. May ka-batch siya noong high school na ganoon ang pangalan pero babae.

Nag-angat ng tingin si Michelle at muntik na siyang mapanganga sa lalaking nakatindig sa tabi ng lamesa.

Ang kanyang puso ay parang nag-desisyon tumakbo ng one hundred kilometers per hour sa sobrang bilis ng pagtibok. The light shining behind his back made him look surreal.

Hindi mestizo ang puti ng lalaki pero hindi rin ito kayumanggi, sa madaling salita ay light colored ito. Nakapusod ang buhok nito kaya kitang-kita ang detalye ng mukha.

Deep set ang mga mata na binubungan ng makapal na kilay at pilik. May katangusan ang ilong na binagayan ng manipis na labi at defined na panga.

Kung kasama niya ang mga kabarkada niya noong college, bibigyan nila ito ng score na perfect 10.

Para itong Spanish-Mexican na pang cover sa mga romance novels na Mills and Boons na binabasa ng mama niya noong kabataan nito. May ilan pa kasing librong nasa bahay nila kaya kilala niya ang libro.

Naalala niya sa lalaki iyong bakla sa MTV ni Carly Rae Jepsen na Call Me Maybe.

Time stood still as he smiled at her. Kulang na lang ay umulan ng petals sa kanilang paligid at kumanta ang mga anghel ng Alleluyah.

Ito na ba ang sagot ng tadhana kay Michie na isang NBSB dahil sa paghihintay sa kanyang the one?

Iyong may magic kapag nakita mo ang isang tao? Na may kapasidad ang lalaki na pabilisin ang tibok ng kanyang puso? If it is, then this is it.

Dahil nakaupo si Michelle, hindi niya ma-tantya ang taas ng lalaki pero pang basketball player ang height at pangangatawan. Pero sigurado siyang wala ito sa PBA o PBL o kaya sa UAAP.

Hindi siya avid fan ng sport na iyon pero dahil sa long hair nitong nakapusod ay alam niyang hindi ito basketball player. Mas mukha itong artist kahit hindi rugged ang suot. Actually, he's dressed well in polo and slacks. Branded pa.

Tumikhim si Michelle bago nakapagsalita. "Please sit down." Mabuti na lang at hindi siya nautal. Hindi niya napigilan ang sarili na pagmasdan ang kaharap.

May stubble ito pero mas lalo lang na-emphasize ang manliness ni Jamie. Ang sabihing guwapo ito ay understatement kasi napakaguwapo nito at lalaking-lalaki ang dating! Gusto niyang kiligin!

At ang lalaking kanyang pinagmamasdan ay tila may ginigising na kamalayan sa kanyang kabuuan. It's a sexual feeling that is stirring an emotion buried deep inside her, trying to surface with the sight and scent of this guy.

Gusto niyang ipilig hindi lang ang ulo, kundi pati katawan niya ay gusto niyang i-shake. Pero siyempre ay kailangan niyang pigilin ang sarili at baka mapagkamalan siyang kung hindi baliw ay baka inaatake ng epilepsy.

She knew it wasn't nice to stare at people pero iyon ang ginagawa nila sa isa't isa. The weird thing is, she didn't feel uncomfortable, but instead, she likes it.

Tila ay hinahaplos ng tingin ng lalaki ang bawat bahagi ng katawan niyang pinagmamasdan nito. Hindi ito si Superman para magka-x-ray vision pero tila ay nakikita nito ang mga bagay na pinakatago-tago niya.

Kung gugustuhin nitong tanggalin ang kanyang saplot, may lakas kaya siya para tumanggi? Ay, napa-praning na siya? Isusuko ba naman ang Bataan sa isang estranghero?

The weirder thing is, feeling niya ay kilala niya ang lalaking ito. Or is she hoping that she knew him so that their acquaintance will not end in this meeting?

Hindi niya puwedeng kunin ito bilang housemate eh, lalaki. Baka kalbuhin siya ng kuya niya kapag kumuha siya ng lalaking housemate.

But the weirdest feeling is, pakiramdam niya ay ito na ang lalaking pinakahihintay niya na tila ba ay noon pa man ay may tali nang nag-uugnay sa kanila. Is he the guy for her?

Heto na naman siya na naniniwala sa destiny at kung anu-anong churva. Dapat siyang mag preno, siya na ang tumutulak sa sarili para mag fall.

"Ikaw si Jamie Santos?" tanong ni Michie.

Tumango ang lalaki. Hindi alam ni Michie kung ano ang gusto niyang maramdaman.

Nandoon ang panghihinayang at pagkadismaya dahil hindi siya puwedeng kumuha ng housemate na lalaki.

Sayang! Sagad man sa buto ang panghihinayang niya dahil pagkatapos ng pagkikita nilang ito ay baka hindi na niya makita ang lalaki, pwera na lang kung hingin nito ang numero niya dahil nagka-interes din sa kanya kagaya ng interes niya dito. Asa pa siya.

With a heavy heart and a deep sigh, kailangan niyang sabihin dito ang bad news….. para sa kanya.

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. I'm so sorry because the fault is at my end. Hindi ko nailagay sa ad na babae ang kailangan kong housemate. Unless you're gay," she added the last sentence with a nervous laugh.

Huwag naman sanang bakla, sayang ang genes! Marami siyang kasama sa trabaho na boyfriend material kung hitsura ang pag-uusapan, kaso boyfriend din ang hanap.

Napansin ni Michie na napalunok si Jamie bago napakurap ng ilang beses. Naku, na-offend yata. Lalaking-lalaki nga naman, pag iisipang bakla? Nakakahiya tuloy ang biro niya dahil hindi ito natawa.

"Ahm," alanganing simula ni Jamie, "Talagang hindi puwede ang lalaki?"

"Sorry talaga."

Saglit siyang pinagmasdan ng lalaki bago ito muling nagsalita. Ano kaya ang iniisip ni Jamie? Sana ay na-ga-gandahan ito sa kanya.

Ay naku, baliw na talaga siya. Bumalik siya sa katotohanan nang magsalita ito.

"Kasi walang nakaka-alam na iba, pero...." Bakas pa din sa mukha ni Jamie na parang alangan sa sasabihin. "Pero, sa ating dalawa na lang, ha," anito at binabaan ang tinig sa susunod na sinabi, "ang totoo eh bakla ako.

"Pero hindi pa ako makapagladlad kasi parehong may sakit sa puso ang parents ko. Baka ikamatay nila kapag nalaman nila kaya as much as possible ay itinatago ko at hindi ako nakikipag relasyon sa mga lalaki. May tamang panahon para doon."

Namilog ang mga mata ni Michelle, at hindi makapaniwalang tinignan ang kausap. Muntik pang nalaglag ang puso niya nang ngitian siya nito. Hinila ni Jamie ang tali ng buhok at ipinakita pa sa kanya kung gaano kahaba ang buhok nito.

Napamaang siya. Bakit pa kasi niya naisip kanina ang kantang Call Me Maybe, ganoon tuloy ang sitwasyon ngayon. At gusto niyang ngumawa. Paano na ang puso niya?

Oh Michie, you're such a drama queen! Yes, you're smitten by him, pero hayan na ang katotohanan na ang kina-kikiligan mong lalaki ay beki pala.

Sana ay nagustuhan ninyo, at nabitin kayo sa unang chapter ng aking nobela. ^^ hehe! Peace tayo ha. :D

Salamat sa pagbabasa at umaasa ako na babasahin pa ninyo ang mga susunod na kabanata.

Purple_Quillcreators' thoughts
Next chapter