webnovel

Chapter 1

Hera is a total It Girl. She has the perfect curves, pretty face, long lashes, pink, luscious lips and brown, curly hair. Pero hindi siya ipinanganak na maganda lang, naniniwala rin siyang matalino siya. She has a CPA license to prove a point. Kaya nga habambuhay niyang hindi maiintindihan kung bakit palagi na lang siyang niloloko, iniiwan, sinasaktan, at pinapaasa ng mga taong minamahal niya.

Ano pa bang mali sa kanya? Ano pa bang kulang? Okay, sabihin na nating may mga negative side rin siya—taklesa, wild, spoiled brat, at childish. But in her defense, kung naging mabuting mamamayan na may ginintuang puso pa siya, aba, perpekto na siya. Baka patayuan na siya ng monumento kahit buhay pa siya.

Huminga siya nang malalim. Umaalon na ang paningin niya. Basa ang buhok niya dahil sa pinaghalong foam at pawis. She has been dancing and drinking like crazy for almost thirty minutes now, nonstop. Dala pa niya sa gitna ng dance floor ang paborito niyang Margarita.

May mangilan-ngilang tumatabi sa kanya at nakikipagsayaw pero umiiwas siya. Hindi puwede.

Baka makita ni Lucas. Magseselos si Lucas. Magagalit si Lucas.

Lucas.

Lucas.

Ha! Gusto niyang matawa. He broke up with you, gising, Hera!

Agad na nag-init ang sulok ng mga mata niya. Tumingala siya habang pinapaypayan ang sarili.

"No, you can't cry. Don't cry, Hera. He doesn't deserve you," bulong niya sa sarili. Sinaid niya ang laman ng hawak niya. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang magkahalong init at pait.

Odd enough, foam party ang dahilan kung bakit sila nagkakilala ni Lucas; sa isang foam party rin ito nakipaghiwalay, just two freaking hours ago. Naalala pa niya noong unang beses silang nagkakilala. He is the nicest; all smiles, parang hindi gagawa ng kasalanan. Pero kanina, ewan na lang niya, binanatan ba naman siya ng "it's not you, it's me."

How cliché, right? Bumuntong-hininga siya.

Stop. Thinking. About. Him.

"He is not worth it!" sigaw niya nang mag-umpisang tumugtog ang isang pamilyar na tunog. Remix ng dalawang upbeat na kanta. Tumalon-talon siya sabay head bang. May mangilan-ngilan siyang nabunggo pero wala namang nagreklamo.

Sumabay siya sa kanta. Ito lang ang maganda sa mga ganitong klaseng party. Walang pakialaman; she can shout, curse his ex, cry or pretend to be happy and no one's gonna bat an eye.

Natigil lang ang pagtalon niya nang may humigit sa braso niya. At one point, she thought it was Lucas. Baka natauhan na. Baka na-realize na nito kung gaano siya kahalaga. Baka makikipagbalikan sa kanya. But her nicest thoughts vanish into the pits of hell when she saw a girl's face instead, her best friend's face to be exact—Lynne.

Nakasimangot ito at nakahalukipkip habang nakatayo sa harap niya.

"Sabi na, nandito ka pa."

Hinigit siya nito bago pa man siya makapagreklamo. Halos makaladkad siya sa tindi ng pagkakakapit at bilis ng paglalakad ni Lynne. Kinuha nito ang hawak niyang wine glass at dinala iyon sa counter habang higit-higit pa rin siya. May sinabi ito sa bartender, nagtanguan ang dalawa bago naglabas ng pera ang kaibigan niya. Hindi na siya umangal nang muli itong maglakad. Huminto lang ito nang tuluyan na silang makalabas ng bar.

Sinapo niya ang kanyang ulo. Umarte siyang nahihilo. May pa-aray aray pa siyang nalalaman.

"I'm not gonna buy that. Stop pretending to be drunk. Alam kong mataas ang alcohol tolerance mo," malamig nitong sabi.

Kumapit siya sa braso nito. "Nahihilo talaga ako."

"Kasalanan mo. Mag-aalas onse na, tinawagan mo na ba ang Kuya Louie mo? Baka nag-aalala na 'yon."

"Nag-usap na kami kanina. Wala sila sa bahay, busy pa rin sa pag-aasikaso sa kasal nila ni Ate Mica." Ngumuso siya nang hindi na ito sumagot.

Hindi naman niya masisi ang kaibigan, malaki ang kasalanan niya rito. In-indian niya ang celebratory party nito para lang makipagkita kay Lucas. Kung alam lang sana niyang makikipag-break lang ang boyfriend—ex-boyfriend niya, sana pumunta na lang siya at nakisaya sa party ng matalik niyang kaibigan.

Napasinghap siya nang may maalala. Ni hindi pa niya nababati si Lynne nang personal!

"Nurse ka na nga pala. Congrats, Bessy!" Niyakap niya ito nang mahigpit. "Sorry na kasi."

Huminga ito nang malalim. "Fine. You are forgiven. Pero binayaran ko 'yung ininom mo kanina, kaya bayaran mo 'ko."

Kumalas siya sa pagkakayakap at tumango nang ilang ulit. Napansin niyang naglalakad na naman si Lynne kaya sumunod siya rito. Sabay nilang binaybay ang kahabaan ng Timog. Gusto niya sanang itanong kung bakit kailangan pang maglakad, 'yon nga lang, naalala niyang sa kotse nga pala ni Lucas siya sumakay kanina. Hindi niya dala ang kotse niya at wala namang sasakyan si Lynne.

Bumalik ang pag-alon ng paningin niya. Tinapik-tapik niya ang kanyang ulo habang naglalakad.

"Bakit ka nagpapakalunod nang mag-isa sa foam at alak? Nasa'n ang magaling mong boyfriend?" pagbasag ni Lynne sa ilang minutong katahimikan.

Kinagat ni Hera ang kanyang labi. "Ayokong pag-usapan."

"You broke up with him?"

"He broke up with me," pagtatama niya.

Itinuon niya ang atensyon sa ilaw ng mga sasakyan sa kalsada.

"That's good!" parang tuwang-tuwa pang sabi ng kaibigan niya.

Napairap siya rito. "What the heck? My boyfriend broke up with me, and you're saying that's good?"

"He's up to no good. Sabi ko naman sa 'yo, 'di ba? Nakita ko siyang may kalandiang ibang babae habang kayo pa. Anong sagot mo sa 'kin? Baka friend lang."

"He is friendly!"

Nagbuga ito ng hangin, halatang pagod nang makipag-usap sa kanya. "My gosh, Lord, give me patience. Mababaliw po ako sa kaibigan kong 'to."

"Ewan ko sa 'yo, ikaw yata ang nababaliw. Pero alam mo, Lynne, ang maipapayo ko lang sa 'yo, stay away from guys. Pare-pareho lang sila. Madaling magsawa at hindi marunong makuntento sa isa." Tumango-tango siya na para bang siya rin ang unang tao na sumasang-ayon sa sinabi niya.

"Hindi mo na kailangang sabihin 'yan dahil wala rin akong interes sa pag-i-pag-big na 'yan. I saw how love ruined you. Nakaka-trauma. I agree that guys are all the same except for our brothers, of course. But that's hasty generalization daw. Kung maririnig tayo ng kapatid ko, nako, mapapa-debate tayo nang wala sa oras," mahabang litanya ni Lynne.

Bumuntong-hininga siya. Wala siyang naintindihan sa sinabi nito. May kung anong tumatakbo sa utak niya. In her deepest thought, she knows her every heartbreak is partly her fault. She is not as dense as she appears to be. Katulad ng sa kanila ni Lucas, matagal na naman niyang alam na may mali. Nagbulag-bulagan lang siya. Mahal niya kasi. As if those three words are enough to justify everything.

Umiling siya at pilit na nag-isip ng ibang bagay. Saktong tumikhim si Lynne kaya napatingin siya rito. Diretso ang paningin nito sa harap habang naglalakad. Napahagikhik siya nang mapansing naka-all black pala ito.

Her best friend is twenty-six, a year younger than her. Nagkakilala sila anim na buwan pa lang ang nakalilipas. Nagsisimula itong mag-review noon sa Sampaloc para sa board exam, habang siya, nag-aasikaso ng lisensya niya sa pagka-accountant na malapit nang mag-expire. Nanakawan siya ng pouch noon; galit na galit si Lynne dahil nakita nito kung paano hinigit ng magnanakaw ang gamit niya habang nakaangkas sa motor.

"Makakarma rin kayo!" Naalala niyang sigaw nito. Nilapitan siya nito at inabutan ng pera.

"Sorry po, Ale, ha? Konti lang din kasi ang allowance ko, sana makauwi kayo sa inyo gamit ang perang 'to. Pwede naman yata kayong mag-report sa pulis kung nakita n'yo 'yung plate number, medyo malabo ang mata ko kaya hindi ko naaninag."

Umarko ang kilay niya. "Ale?!"

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Sa dami ng sinabi ko, 'yung ale pa talaga ang napansin," bulong nito.

"Excuse me, Miss, bata pa ako. At katulad ng sinabi mo kanina, karma na ang bahala sa mga lalaking 'yon, makeup at coin purse lang naman ang laman ng pouch na nahigit nila. 'Yung iba kong gamit, nandito sa body bag. Anyway, thank you," sagot na lang niya.

Akala niya, matatapos na roon ang usapan nila. But that same day, instead of going on with their lives, they find themselves drinking coffee together and talking senseless. They just clicked. Lalo na noong nalaman nilang pareho silang taga-Makati. And that's it, best friend agad-agad.

Natigil ang pagbabalik-alaala niya nang marinig ang muling pagtikhim ni Lynne. Nakatingin na ito sa kanya.

"Tulala ka na naman d'yan. Nandito na tayo." Itinuro nito ang isang sikat na kainan na bukas 24/7. Pasado alas onse na pero halos puno pa rin ang lugar.

"What? Hindi pa ba tayo uuwi? Akala ko pupunta lang tayo sa sakayan ng taxi. Pagalitan ka ng kuya mo, sige ka," natatawang sabi niya.

Alam niya kung gaano kahigpit ang kapatid ni Lynne. Hindi pa niya ito nakikita sa personal pero base sa mga kuwento ng kaibigan niya, halatang control freak ito—isang bagay na ayaw na ayaw niya.

Umpisa pa lang, alam na niyang hindi niya ito makakasundo. May mga pagkakataon ngang dapat magkikita na sila pero iniiwasan niya. Pa'no ba naman, minsan na silang nagtalo at nagsigawan sa telepono. Niyaya kasi niyang mag-bar si Lynne at hindi maganda ang kinalabasan. Malay ba niyang first time pala nitong uminom noon at malalasing pala 'to sa dalawang shot ng tequilla?

"Hindi ako pagagalitan," sabi ni Lynne.

"I doubt that," may diin niyang sagot.

Umiling ito. "Hindi nga."

"Tawagan mo, magpaalam ka." Humalukipkip siya at matamang tiningnan ang matalik niyang kaibigan. Hindi siya papayag kung hindi nito tatawagan ang kapatid. Ayaw na niyang makipagsigawan sa kuya nito.

Napakamot na lang sa ulo si Lynne. Muli nitong itinuro ang resto. "Trust me, hindi ako pagagalitan. In fact, hinatid niya ako kanina. Nasa loob siya, hinihintay tayo."

Nalaglag ang panga ni Hera. Ilang segundo rin bago tuluyang naproseso ng utak niya ang sinabi ng matalik niyang kaibigan.

"Nand'yan ang kapatid mo?"

"Oh, yes! The one and only—Atty. Chase Gabriel Domingo."

Next chapter