4 Kabanata 2

"Zelle... Zelle, gising. Nasa baba na si Allan kasama 'yung kapatid niya." May kung sinong yumuyugyog sa akin.

I groaned. I don't wanna wake up! I'm still sleepy! Wait? "Who's Allan?" I asked. Wala akong kilalang Allan.

Someone tapped my forehead. "Gaga. Best friend mo 'yun. Bumangon ka na. Kanina ka pa hinihintay no'ng magkapatid."

With closed eyes, I stretched my arms. Pahikab-hikab akong tumayo't kumuha ng masusuot. Wala na akong pake kung ano ang aking mabunot.INagkamot ako ng ulo saka dumiretso ako sa hagdan para makapunta sa banyo nang pipikit-pikit. We only have common bathroom here.

"Good morning, Frozen Cookie!"

Napakunot ang mga mata ko nang may bumati sa aking lalaking naka-skinny jeans at navy blue t-shirt.

"Sino ka?" I asked. My eyesight is blurry. Nararamdaman kong basa-basa ang paligid ng aking mata.

"Gaga ka. Maghilamos ka na nga roon. Hindi mo na nakikilala ang guwapo kong mukha," the guy rebutted.

Yawang 'to. Hindi naman kita kilala paano kita maaalala? Ipinagkibit balikat ko na lang iyon. I headed towards the bathroom at saka naghilamos. Naligo na rin ako dahil nanlalagkit ang pakiramdam ko sa 'di malamang dahilan.

Pagkatpos kong maligo ay isinuot ko na ang damit na nakuha ko. I sighed. Buti na lang ay matino ang nakuha ko kung hindi ay lalabas ako nang naka-tapis lang. It is a simple black camisole and a white shorts. Tastas 'yung laylayan ng short na 'yun.

Lumabas na ako ng banyo at naabutan ko sa sala sina Allan at ang kaniyang kapatid na nakikipag-usap sa mga kapatid ko.

Nang makita niya ako ay ngumisi siya. "Naaalala mo na ako, Cookie?"

My forehead creased. "Paano naman kita malilimutan? E, ang tagal na nating magkaibigan."

Kumibit balikat siya at saka patuloy na nakipag-usap sa mga kapatid ko. They were getting closer and closer each day, huh.

I walked in the kitchen. Nakita ko ang mga naka-plastic na pandesal. Niluto na pala 'yun ni Ate. Hayaan mo na nga. Magluluto na lang muna ako ng umagahan. Inipon ko ang lahat ng kasangkapan para sa aking lulutuing adobo saka ko na sinimulan ang lahat.

"What are you wearing?" Allan asked, holding a glass comtainer for water.

Naka-kunot ang aking noo. "Huh? Uhm, a cami and shorts? Why?"

I saw him closed his eyes and I can feel that his grip on the glass is getting stronger. "Hoy. Problema mo? Baka mabasag 'yung baso!"

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay para kuhanin ang basong hawak-hawak niya. "Ano nangyayari sa'yo at ganiyan ka?" I can feel the hardness of his breathing. I looked up on him only to see his red face. "What's the problem?"

He closed his eyes and managed his breathing—pinapakalma niya ang kaniyang sarili. "Nothing. Just... J-just change your clothes."

Weird. But, fine. "Okay. Later. Tapusin ko lang 'to."

"N-No!" Tumikhim siya. "I mean, ako na ang bahala diyan. Umakyat ka na saka magpalit ng damit. Sige na. 'Yung pang-alis, ha? Mag-e-enrol tayo ngayon."

"Ay shocks! Sige, sige."

Aakyat na sana ako kaya lang ay may humila sa aking damit. I looked at this cutie little girl with chubby cheeks. It is Allan's sister. "Ate, p'wede po bang laro tayo?"

I searched for my two Ate but they were nowhere to be found. Baka inutusan sila ni Mama.

I don't want to decline this baby. She's irresistable! "Uhm, okay, baby. Let's go. Ano ba lalaruin natin?"

Hinila niya ang aking kamay papunta sa mga magkakahalong laruan niya. May lego na parang kapag pinagpatong-patong ay makakabuo ka ng isang bahay or something. Mayroon ding mga prinsesa at prinsipe na lego rin.

Umupo siya saka niya ipinatong nang paulit-ulit ang isang lego sa mga magkakapatong na. "You want me to build for the princess?"

She nodded. Siya naman ay biglang bumuo ulit ng panibagong lego. Galing. Tinawag ako para utusan.

Kung ano-ano na lang ang ginagawa ko para mabuo na itong pinapagawa niya sa akin. Nang may kataasan na ay tumigil na ako. It looked like a disaster castle.

"Is this okay, Sam?" Tumango naman siya kaya tumayo na ako. "I need to change na, ha? Your kuya will be mad at me if I won't, e. Okay?" Tinignan niya lang ako at bumalik sa paglalaro.

I changed my clothes. Pinili ko na lang 'yung isang black sweater ko at saka 'yung isang checkered dark red and green. Kinuha ko na rin ang isang black shoulder bag para kung sakaling may kailangan ay may mapagalalagyan. I think this is better. It looks like I'm a model of vintage something. Plus, it emphasize my fair skin tone.

Nagpulbos na rin ako para magmukhang fresh and I put some cheek tint para ma-highlight 'yung cheeks ko. And, voila! Ready na ako!

"Ey, I'm ready to go!" I said excitedly to Allan.

"Oh. Better."

I can see the relief in his eyes. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganiyan pero bahala na nga. Maybe he's being over protective again.

"Pagkatapos nating kumain ay saka na tayo pupunta sa campus. Do you have any plans for today?"

"Hmm. Wala naman. Wala naman akong gagawin ngayong bakasyon at ikaw lang din naman ang ka-close ko rito kaya wala na akong ibang gagawin. Bakit?"

Saglit siyang tumigil sa paghahalo ng sinangag niyang kanin at saka umiling. "Nothing."

Pinagkunutan ko siya ng noo. "You're acting weird. Anong nangyayari sa'yo?"

"Wala. Sige na. Makipaglaro ka na lang muna kay Samantha. Tawagin na lang kita kapag okay na 'to."

"Sam isn't here, Als. Sinilip ko kanina. Nasa garden siya kasama si Mama. So, what's with you?" I interrogated him. Can you blame me? Nagtataka lang ako kasi 'di 'yun normal!

"Wala nga. Maghain ka na lang diyan. Maglagay ka na ng mga plato. Matatapos na rin naman 'to."

Hindi na lang ako nagpumilit dahil baka lalong makulitan 'to sa akin. Pero bakit kaya?

"Para saan 'yan?" he asked, pertaining to the bag of pandesal.

"Para sa mga batang madadaanan natin. You know, 'yung mga nasa lansangan na wala nang matirhan."

We're already heading in the campus' gate dala-dala ang mga requirements na kakailanganin sa pag-eenrol. Pareho kaming grade 10 na sa next school year kaya sana ay magka-klase kami. Wala naman ako gaanong kaibigan dito. Mga mukha kasing plastic.

Nang nakarating kami sa may covered court ay nakita namin ang mga estudyante. Kakaunti pa lang dahil ngayon ang unang araw ng enrolment. Mayroong mga mesang nakalaan para sa bawat grade level mula grade 7 hanggang sa grade 12.

Dumiretso na kami para mas maagang matapos ito. Masyado akong mainipin para sa mga ganitong bagay. Magkahiwalay ang pila ng mga babae at lalaki. At mas mabilis matapos ang mga lalaki kaysa sa amin dahil kaunti lamang ang bilang nila rito.

I handed my report card and my birth certificate to the teacher who's assigned for us. Tapos ay may pina-fiil up sa amin tungkol sa ilang basic information.

It only took 20 minutes for us to finish the enrolment. Mag-aalas onse pa lang at ang paalam naman namin na baka hapon na kami maka-uwi.

Pagala-gala na lang kami dito sa may loob ng campus. Pumunta na kami sa may garden upang maka-langhap ng sariwang hangin. Palakad-lakad na lang, hindi alam kung saan ang pupuntahan. Ayaw pa naming umuwi.

"Hey. I got an idea," he said while sitting on one of the benches here in the garden.

"Ano? Ayusan mo ha."

"Let's have a streetfood date!" he declared enthusiastically.

avataravatar