1 Feurte

Taon 1986.

"Antonio! Antonio!"

Isang malakas na sigaw ang gumising sa natutulog na diwa ni Antonio.

Si Antonio ay isang guwardiya sibil na naka talaga sa Fuerte de Santiago. Lingid sa kaalaman ng mga Espanol, si Antonio ay isang espiya ng Katipunan. Ang isa mga tungkulin nya ay maitakas sa fuerte si Jose Rizal.

"Antonio! Galit na galit na ang kapitan!" wika ng isang guwardiya sibil.

"Bakit naman? Ano ba ang nanyari?"

"Alas otso na at hindi pa nahahatiran ng agahan ang preso"

"Hayaan mo, ako na ang maghahatid"

"Salamat! Sasabihin ko sa kapitan"

Nagtungo sa kusina si Antonio at kinuha ang pagkain na naka handa para sa preso. Umaasa si Antonio na para kay Jose Rizal ang pagkain na kanyang ihahatid. Isa itong malaking pagkakataon para subukan na itakas si Jose Rizal bago pa ang nakatakdang pagpatay sa kanya kinabukasan.

"Antonio, buti naman at nandito ka na" wika ng kusinera.

"Pasensya na ho' at natagalan. Ako po ang naatasan mag hatid ng pagkain na iyan sa preso" ayon ni Antonio.

"Ganoon ba? O sya, kuhanin mo na iyan at ihatid"

"Teka ho', mawalang galang na. Para kaninong preso ho ba ito?'

"Para kay Jose"

Nanlaki ang mga mata ni Antonio. Tumulo ang mga pawis sa kanyang pisngi, namasa ang mga palad at nangatog ang mga tuhod. Huminga ng malalim si Antonio at bumulong sa sarili nya na.

"Ito na ba Diyos ko? Ito na ba ang araw na ako'y lilisan sa mundo? Kung ganoon ay sang ayon ako, para sa bayan."

Natawa ang kusinera sa namumutlang mukha at pawis na pawis na pisngi ni Antonio.

"Ayos ka lang ba, hijo?"

"Opo, ayos lang ako. Ihahatid ko na ho ito"

Umalis sa kusina si Antonio na bitbit ang pagkain at tumungo sa selda ni Jose Rizal.

Malamig at madilim ang mga pasilyo ng fuerte, dahil sa mga bato na pader nito. Ngunit, basang basa ng pawis si Antonio na wari ba na sya ay sinisilaban. At, sa bawat liwanag na dumadapo sa mukha niya ay maaaninag ang pangamba at pamumutla nito.

Makalipas ang tatlong minuto ng paglalakad dumating na si Antonio sa selda ng preso na kanyang pakay. Huminto ng sandali si Antonio, pumikit at huminga ng malalim bago binigkas ang kanyang pambungad na bati.

"Magandang umaga, Gat Jose Rizal."

"Magandang umaga din sa iyo, kaibigan"

avataravatar
Next chapter