1 looking back

Looking back to my younger self, marami akong na-realize. Naalala ko Yung mga desisyon na Hindi ko masyado pinag-iisipan at mga mga katangahan namin sa buhay. Syempre Kung tungkol to sa teenage days ko. sympre Ang pinapatungkulan ko Yung mga katangahan namin sa pag-ibig. pero sa paglaki natin doon natin na rerealize na nagmamature rin tayo at Kaya na nating itama Ang mga pagkakamali natin. yung mga katangahan namin sa mga bagay-bagay noon Hindi ko alam na balang araw pagsisisihan namin yun. Mga kahihiyang naganao dahil Hindi kami nakikinig sa mga magulang namin. Marami akong naalala na mga payo sa akin ng mga magulang ko pati ng Lola ko. Noong nasa teenage days pa ako naalala ko may sinabi sa akin Ang Lola ko. Ang sabi Niya "malalaman mo lang na Mahal mong tunay Ang isang tao kung kaya mong manatili kasama siya kahit Hindi na siya gumagalaw, nakaririnig, nakakikita, o nakapagsasalita. Eh paano Kung na-comatose siya pagkatapos na pagkatapos niyong ikasal? kaya mo pa rin ba siyang mahalin? kahit Wala siyang gawin para sayo. kahit na Wala nang pag-asang magising pa siya ulit nang Hindi ka maghahanap ng iba? Kaya mo bang manatili hanggang kamatayan?" yun Ang bagay na tumatak sa akin noon. Hindi ko alam na sa isang Banda sa buhay ko magagamit ko itong sinabi ni Lola.

kaya sisimulan natin Ang kwento sa dalawa Kong matalik na kaibigan na umiiyak sa harapan ko 10 years ago.

Nasa dating tambayan lang kami ng mga kaibigan ko sa isang Parke sa loob ng Subdivision namin. tanghali noon at Walang masyadong tao nun. nakaupo silang dalawa sa swing habang ako ay nakatayo lang at pinapanood ko silang umiyak.

//nakakatawang isipin na sa pagkakataong ito Hindi nila alam na pagsisisihan nila itong pangyayaring ito 10 years after. masyado silang seryoso sa mga bagay-bagay noon, masyadong nagmamadali. kaya sila nasasaktan. anyways, iview na natin ito sa point of view ko nung panahong iyon.//

pangatlong beses ko na silang nakitang umiyak na halos mangamatis na Ang mata at ilong sa pamamaga at pagkapula. umiiyak lang naman sila dahil may isang di nakikilalang lalaki Ang nanakit sa kanila. nagsabay pa aba. Wala silang tigil sa paghagulgol at pagkukwento sa Kung paano sila sinaktan ng mga boyfriend nilang pang isang buwan lang naman Ang tinatagal. ano yun? free trial? eh ako Naman tong Wala pang experience sa pag-ibig though nagkagusto na ako noon pero Hindi to the point na iiyakan ko sila o nagkajowa na ako. pero kahit na ganun ako pa rin Ang dakilang tagapagpayo. Hindi ko Alam Kung bakit Kung Sino pang walang kasintahan siya pa may Alam sa mga bagay na ganto.

"Yan kasi. hindi kayo nakikinig. Yan kasi hilig-hilig sa badboy. bat ba Kasi ganyan taste niyo sa lalaki?!" marking tanong ko sa kanila na may pagkainis. tumingin paitaas Ang kaibigan ko at tumingin sa akin.

"Hindi mo Naman naiintindihan nararamdaman namin Kasi Wala ka namang naging jowa huhuhu" sabay hagulgol at punas ng hula. katangahan talaga pinapairal.

"Kasi ako ginagamit ko Muna utak ko bago puso tska Diba sabi ko sa inyo mag-aral muna Kasi tayo puro kayo love life. study first ako nuh" panganganal ko sa kanila pero mukhang Hindi pa Rin nakikinig.

"e napamahal nako e. ano magagawa ko? hindi ko mapigilan e kahit anong gawin ko. Hindi ko mabitawan Yung nararamdaman ko kahit Alam Kong may iba Rin siyang nililigawan. kahit nasasaktan na ako. kahit ano gagawin ko basta nasa tabi Niya lang ako sapat na sa akin yun" Isa lng ako naiisip ko sa puntong ito Hindi na ata katangahan to. gayuma na to. nagayuma na ata kaibigan ko.

//Hindi ko inakala na isang araw mararanasan ko rin to na gagawin ko rin tong katangahan to na lahat gagawin mo basta nasa tabi ka lang ng taong Mahal mo kahit ano ka pa man sa kanya kahit nasasaktan na//

avataravatar