webnovel

Arcacia Academy

[ FLASH FORWARD: 5 YEARS ]

Virdjana's POV

May isang paaralan akong laging na dadaanan tuwing pupunta ako sa mga tindahan upang magnakaw. Ayon sa mga mamamayan ay dito raw nag-aaral at nag-sasanay sabi daw nila doon nag-aaral ang mga katulad ko- not as a thief but as an Enchant.

"Enchant."

Iyan ang tawag nila sa mga estudyanteng nag-aaral doon. The idea of entering the academy has crossed my mind before, but I did not attempt to do so.

Magmula pa nang magpakita sa akin ang tagapagbantay ko, si Reggie, siya na ang nagturo sa aking magsulat at magbasa.

" O, nakatitig ka na naman sa paaralang iyan, hindi ba at napag-usapan na nating-." pang-aagaw atensyon ni Reggie.

"Jeez, I know that already. But just so you know, I'd give all those riches back at base for a new life. " I told him with a straight face before shrugging.

"Ang init agad ng ulo mo." Natatawa niya pang sabi.

"Eh ikaw puro hangin ang utak mo." sumbat ko sa kaniya sabay umalis sa kinatatayuan ko. Aksidente namang nabangga ko ang isang lalakeng mukhang nasa kolehiyo na at may maangas na porma.

Linagpasan ko lang siya ngunit kinabig niya ang damit ko paatras kaya natumba ako at napaupo sa daan.

"Iyan ang napapala mo sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo!" Sigaw ng lalake sa akin.

Pinamasdan ko ang uniporme niya, kahit papaano ay masasabi mong may kakayanan ang pamilya nito. Terno ang madilim na kulay ng bughaw na pantalon sa bughaw na de-butones na pang-ilalim at makintab na asul na blazer.

Tumindig ako at pinagpagan ang aking damit. Saglit ko siyang tiningnan ng matalim dahilan para humakbang ito paatras ng kaunti.

"Bakit lalaban ka?!" Sinubukan nitong itulak ako nang pangalawang beses.

This time, I dodged him with ease. Binunot ko ang patalim na nakasabit sa aking sinturon at itinapat ito sa lalake.

"Ayaw mo pa namang mamatay hindi ba?" Tanong ko habang nakangisi.

"Hindi mo ako matatakot niyan!" Singhal ng lalake sa akin.

'Really?'

Mabilis ko pinagsirko ang kutsilyo sa kamay at saka mabilis na sinugod ang lalake. Humiwa ako sa kanan, kaliwa, sa ilalim at sa ibabaw sa bilis na hindi natumbasan ng kaniyang mga mata.

"Iyan lang ba ang kaya mo?" Nakangisi paghahamon sa akin ng lalake na para bang wala lang ang mga galos na ibinigay ko sa kaniya.

"Huwag mo akong gagalitin." Babala ko sa kanya habang patuloy na nag-iiwan ng mga maliliit na hiwa sa damit at braso ng lalake.

"Uurghh~" sa wakas ay daing nito at napaluhod.

Biglang sumulpot sa tabi ko ang guardian ko. "Nice" sabi niya.

"Alam ko." Sagot ko naman sa kanya gamit ang aking pag-iisip.

"Wala man lang akong sugat." saad ng lalake.

"Talaga ba?" Tanong ko naman saka napahalukipkip habang nagpipigil ng halakhak sa resulta ng sarili kong kalokohan.

Paano ba naman kasi, bukod sa maliliit na hiwa sa braso niya ay wala na siyang...uniporme at nangangahulugan lamang na ang kanyang salawal ang natira na hindi ko sinira.

"ANON-?! PAANONG?!" Nagsimula itong pagpawisan, at ang pagka-utal nito ay lalo lamang nagpalala ng sitwasyon.

"Ang yabang-yabang kasi." Pabulong ko sabi sa sarili.

Nang pansinin na ng mga tao ang lalake ay umalingawngaw sa paligid ang samu't-saring bulungan at tawanan.

"Mag-magb-bayad ka!" Naiiyak nitong sabi sabay turo sa akin. "Mama... mama ko!" Sigaw nito sabay hablot ng bag at takbo papasok sa akademya.

Kaawa-awa.

"Masaya iyon ha. Masaya." Sabi ni Reggie na animo'y nagpapahid ng luha niya kakatawa.

Bago pa man rumami ang mga tao ay hinatak ko na ang hoodie ng kapa ko at lumayo sa mga tao at napagpasiyahang pagmasdan ang paaralan mula sa kabilang dako ng kalye.

Halos limang taon ko ng pinagmamasdan ang paaralang ito at hindi ko pa rin maiwasang hindi mamangha. Nagmumukha na nga kaming sirang plaka ni Reggie sa pag-aaway dahil ayaw ko pa ring aminin na nais ko ngang maranasan ang buhay sa loob ng akademya.

May posibilidad ba na makapag-aaral ako dito balang-araw?

Ayon sa mga usap-usapan sa paligid ay kadalasang may kakayanan sa pera ang mga nag-aaral dito at bibihira lamang ang hindi nanggaling sa mga kilalang pamilya maliban na lamang kung may koneksyon kayo sa politika, sa militar, o sa ibang pagkakataon ay kung nagtataglay ang isang potensiyal na estudyante ng hindi masusukat na kakayanan o kakaibang abilidad.

Napangisi ako sa huling ideya na naisip ko. Isang taong may kakaibang abilidad? Masyado na yata akong bilib sa kakayahan ko sa pag-iisip na maiimbitahan ako sa akademyang ito o baka dahil wala pa akong nakakalabang magtutulak sa akin na ilabas ang kakayanan ko sa pakikipaglaban. Hay, ewan~.

Napalingon ako ng may kumalabit sa akin na lalake siguro mga nasa mid-30's na siya. Nginitian niya ako na parang matagal na kaming magkakilala at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla na lang akong naging alerto at itinutok sa lalake ang patalim ng hindi nagdadalawang-isip.

"Bata, bago ka ba rito?" Kalmadong tanong niya sa akin na animong wala lang sa kaniya ang agresibo kong reaksiyon sa pag-sulpot nito.

Napansin ko ang logo ng Arcacia Academy sa suot niya, isa kaya siyang guro? Isang batikang tauhan ng paaralan? Isang Master? Sunod-sunod na tanong ko sa aking isipan.

Concentrate, malay mo kung kalaban ang taong iyan? Although, to be fair, I don't trust anyone.

"Ahhh, eto na lang gusto mo bang mag enroll?" Sa sinabi niyang iyon, mukhang nakabalik ako sa totoong mundo.

"Teka, ano?" Tanong ko.

Napangisi lang siya. Hinawakan niya ang kamay ko na may hawak ng patalim at sapilitang ibinaba ito. Anong klaseng lalake ito?! Naramdaman ko ang lakas mula sa braso nitong estranghero dahilan upang mabitawan ko ang patalim, nahulog ito at mahinang bumatingaw sa lupa.

"Huwag kang mag-alala hija hindi naman kita sasaktan." Pagsasalita ulit nitong lalake.

Eh, ano itong ginagawa mo sa akin ngayon? Ang weirdo nito. Hindi niya pa rin ako binibitawan.

"Ma-mangha ka talaga pag nasa labas ka pero kung nasa loob ka, anong aasahan mo?" Seryoso niyang tanong sa akin.

Hindi naman ako natatakot sa mga estranghero pero kung ganito na ag eksenang parang may masamang gagawin sa akin. Ibang usapan na iyan. Kailangang magseryoso din ako.

"Masyado ka na yatang tahimik. Nararamdaman ko ang tensyon na nagmumula sa iyo iha. Kalma lang. Bibitawan kita kung sasagutin mo ang katanungan ko." Saad ng matanda.

Matalim ko siyang tiningnan ng diretso sa mga mata. I swear I saw the movement of his eyes flashed for a bit.

Maaari naman akong magteleport, o humingi ng tulong kay Reggie. Ang problema nga lang ay hindi ko magawa ang alin man sa dalawa at malamang ay may kinalaman ang lalakeng ito kaya hindi ko magamit ng maayos ang abilidad ko.

Luminga-linga ako sa paligid. Mukhang walang gaanong nakikipag-usyuso at halos lahat ay binibigyan lamang ng pansin ang kani-kanilang gawain. Kung mayroon mang bumabaling ay agad ding umiiwas. Ang lalake bang ito ang dahilan?

"My expectation? I don't know, but maybe for the sake of answering your question, I guess wishing to experience a school life would be a nice change of phase." malamig kong sagot.

"Why do you want a change of phase?" Tanong nitong muli.

"Wala ka na doon tanda. Ang sabi mo ay katanungan, wala akong natatandaang mayroong 'mga' sa unang pahayag mo." Naiirita kong sagot sa kaniya.

"Ganoon ba? O, sige at bibitawan na kita at hahayaang magpatuloy sa iyong ginagawa." Kalmadong saad niya.

Ang iniisip ko ay sa oras na bitawan niya ako ay agad kong pupulutin ang patalim at papatulan ko ang matandang ito.

"Pero kung may plano kang mag-enroll hanapin mo lang ako! Siguradong magiging masaya ang karanasan mo kung sakaling matanggap ka sa Akademya. Sana ay mahanap mo rin ang inaasam mong pagbabago sa loob kung sakali man." Dagdag pang sabi ni Tanda.

"Paalam at hanggang sa muli." Sabi niya at saka ako binitawan. Agad naman akong nag-react at mabilis na pinulot ang patalim.

"Hindi pa tayo tapo-" Natigilan na lamang ako dahil sa pag-angat ko ng tingin ay wala na ang lalake

"Nasaan na iyon?" Tanong ko na lamang sa sarili.

"Reggie." Tawag ko sa guardian ko

"Huh? Ang weird parang saglit akong nakaidlip. May nangyari ba?" Tanong niya habang yinayapos ang mga mata at humikab pa.

Natahimik ako ng ilang segundo bago sumagot, "wala naman. Umakyat na tayo sa puno."

-

Hindi ako makatulog. Naisip ko na lamang na tumalon paibaba mula sa kahoy na tinutulugan namin ng guardian ko.

Lumipad ako patungo sa eskwelehang sa gitna ng siyudad, pagkarating ko ay agad linibot ng aking mata ang paligid, malawak ang lupain na malamang ay humigit kumulang sa limampung ektarya sa kalkula ko, para naitong isang bayan dahil sa sobrang lawak eh.

Tama nga iyng lalake kanina na marami pa akong makikita kapag nasa loob na ako. Bakit ngayon ko lamang naisipan na pasukin ang lugar na ito? Trespassing? Hindi naman ako mapipigilan ng bantang tresspassing dahil isa akong magnanakaw.

Masyado akong namamangha sa mga nakikita ko at hindi ko ito inaasahan. Hindi man nakapinta sa mukha ko ngunit sigurado naman akong nagagalak ako. May napansin akong nakabukas na bintana, alas-onse na ng gabi pero may gising pa ring estudyante? Wala bang curfew ang paaralang ito?

Kapansin-pansin namang ang kwarto na lamang na iyon ang may nakabukas na ilaw na para bang may pinagkakaabalahan ang taong nakadistino doon. Natigil ako sa paglipad at nanatili sa himpapawid habang ipinagpapatuloy ang pagmamasid.

Mayamaya ay may tumalon na lalake mula sa bintana, nagpasilyab ng apoy sa palad niya at ginamit itong ilaw. Dahan-dahan naman akong umapak sa sanga ng isang kahoy at pinanood ang lalake. Hindi ko maaninag ang mukha ng lalake sapagkat nakatalikod ito mula sa aking puwesto.

Naglakad ang lalake patungo sa isang fountain at tinitigan ang kanyiang sariling repleksiyon doon. Bumaba na ako sa puno at pinaglaho ang aking sarili at saka sinundan ang lalake, hindi ko man maintindihan ang sarili ngunit mas nanaig ang kyuryosidad sa estrangherong ito. Lumapit pa ako hanggang sa katabi ko na siya.

"Sino ka?" Nagulat ako sa mabilis na reaksyon ng lalake kaya napahakbang ako paatras at nakatapak ng maliit na kahoy. Dapat ay hindi niya ako nakikita.

"Hindi kita nakikita pero nararamdaman kong may tao sa paligid ko. Magpapakita ka ba o pipilitan kita at susunugin kita ng buhay?!" Babala niya.

Nauntog ba itong lalakeng ito? Masyado naman kung makapag-react.

Bakas sa kaniyang mukha ang pagkaligalig. Ang buhok niyang halos kasing-itim ng gabi, ang mga mata na kung titingnang mabuti ay animong handang sunugin ang sinumang kaluluwang makikita nito. Delikado siya, nararamdaman ko.

"You're too young to have crushes Vi." Reggie told me telepathically.

"Itikom mo iyang bibig mo." Malamig kong sagot gamit ang aking isipan sa pang-aasar ni Reggie.

Pinili kong magpakita sa layuning gulatin siya. Nakuha ko naman ang inaasahan kong reaksiyon ng magulat siya dahil nasa harap niya na pala ako. Siguro isang minuto siyang natulala, hindi nagsasalita eh.

"M-M-Malignooooo!!" sigaw nito sa mukha ko. May kasama pa ngang laway eh.

"Hoy, ang bastos." sabi ko naman sabay kuha ng kapirasong tela sa bulsa ko para alisin ang laway sa pisngi ko.

"Teka? Hindi ka multo? Totoo ka? Pero iyong buhok mo, tapos mukha kang nasagasaan ng limang beses." pahayag ng lalake dahilan para makakuha ito ng masamang tingin mula sa akin.

Mabilis niyang sinuyod ang pananamit ko. Sandaling nangunot ang kaniyang noo bago umapak paatras ng tatlong beses. "Hindi ka isang estudyante."

"Hindi mo na kailangang sabihin dahil alam ko naman. Mabuting pang umalis na ako, nasasayang ang oras ko dito." malamig kong saad.

Itinapat ko ang aking mga palad sa lupa upang gumawa ng buhawi para i-angat ang aking sarili sa ere.

"Isa kang Wind Enchant? Parang isa kang highly endangered species." komento ng lalake.

Napabaling ako sa lalake dahil sa kaniyang pahayag, at pansamantalang naguluhan. Ngunit ng mag-sink in sa akin ang kaniyang mga salita ay agad akong nawalan ng concentration at nahulog sa lupa. "Tch, aray. Nagkakamali ka. Wind Enchant? Wala nang mga ganoon." sabi ko naman na nagbabakasakaling maloloko ko ito.

"You might be right. Alright, that aside, you look familiar I've seen your face in posters before. Aren't you the Siren Thing, no, that doesn't sound right. Ah! You're the Simple Sheep!" he stated with a broad smirk.

I frowned, and raised an eyebrow, "get it right. It's the Silent Thief."

Nanlaki ang mga mata niya sa loob ng ilang segundo, bago ito bumalik sa seryosong matatalim na tingin. Walang-pasabi itong nagsimulang tumakbo patungo sa direksyon nang pinakamalapit na Guard House ng akademya.

"Not on my watch." I whispered to no one.

I used turbulences of air to go after him, "Air Barrier!"

I created a barrier made of wind around the student to trap him. I smirked when I saw his expression of bewilderment, he obviously did not see that one coming.

"Huwag kang magsumbong. I have my reasons for being the bad guy in this picture." tangi kong nasabi pagkatapos niyang makalampas sa akin.

Here's Chapter 1, enjoy~

Drop your questions, I'll happily answer those.

SilverPsychocreators' thoughts
Next chapter