1 Simula

Naglalakad ako sa bago kong paaralan. Napansin ko siya. Para akong tinamaan ng pana ni kupido.

Hindi ko akalain na posible pala akong ma-inlove sa isang tunay na tao.

Sabagay tao rin naman ako. Madalas nga lang nagkaka-gusto sa mga cartoon characters.

May kakaiba akong naramdaman sa unang kita ko pa lang sa kanya. May tumusok sa aking puso nang makita siyang nakikipagharutan sa kaklase niya ata.

Grabe naman! Hindi na nirespeto ang paaralan. Nandito tayo para mag-aral at hindi lumandi.

"Hi!" may tumapik sa aking balikat. Nilingon ko siya at nang mapagtanto na kilala ko siya,

"Aray naman Quelly!" buti nga sa kanya!

Hinampas ko ng aking bag. Hahahaha!

avataravatar
Next chapter