2 Kabanata 1

Tinignan ko siya ng masama pa lalo.

"Quelly naman eh!" ngumisi ako at lumisan na sa kinatatayuan ko. Sumunod papunta sa akin ang lalaki.

"What's wrong?" tanong niya. Hindi na lang ako kumibo at kinuha na ang aking bag mula sa bleachers. Pero ang kulit! Humarang sa dadaanan ko.

Tinignan ko siya at sana naintindihan niya ang gusto ko ipahiwatig. 'Can you move aside?' I mentally said. Yun nga lang makapal talaga ang apog nitong lalaki.

"Gusto mo ilakad kita kay Kard?" nanlaki ang mga mata ko at sumulyap sa iba ang paningin ko. 'Ano problema nito?'

Napansin ko na gumilid na siya at yun na ang tsansa ko na lumakad palayo.

"You can never have him as long as I'm here."

Nang marinig ko yun, sumulyap ako sa kanya at sinabing, "Doesn't matter."

Nang matapos ang klase ko sa araw na yun, nagligpit na ako ng aking mga gamit.

"Yoh, bff Quelly girl!" muntik akong matawa sa mala-rap na bati sa akin ni Ryn Do.

Siya nga pala, may dalawa akong kaibigan. Si Ryn Do, ang babaeng matalik kong kaibigan.

At yung isa si Alfred Beet. Siya yung kaninang makulit. Dalawa sila kasi wala akong tiwala masyado sa ibang tao.

Nakilala ko sila noong mga panahon na nag-iisa ako. Ako na mismo ang nagkusang makipagkaibigan. Sa kadahilanang mailap ako.

Mas kasundo ko si Ryn dahil pareho kami ng hilig. Mahilig kami sa Anime at iba pang geeky things.

Kinaibigan ko si Alfred kasi wala lang. Kailangan ko lang ng mapagtitripan. Tsaka gusto ko yun. Gusto ko palagi siyang pahirapan. 😂

Di ko nga lang inasahan na hahayaan niya ako na gawin yun. He looks like the kind of guy who is full of ego and pride.

He's one of the popular people in our school.

May itsura kasi at talagang papansin.

Hindi ko lang talaga kaya na makipag-kaibigan sa lalaking gusto ko.

Si Kiolo Arden Saige. Also known as Kard.

"Iniisip mo nanaman si Kard no?" naputol ang aking pagmumuni-muni nang magsalita si Ryn Do.

Nirolyo ko ang aking mga mata dahil sa sinabi niya. Tuluyan na akong tumayo, bitbit ang aking bag. May humablot nga lang nung isa. Yes, I have two bags. I am a girl scout. Kahit na hindi ko talaga naranasan maging scout. Dala ko kasi halos lahat sa pagpasok.

Sige tawa!

"Ako na magbubuhat Quelly!" bago pa ako umalma, dirediretso na siya palabas ng pinto.

"Yieee!" narinig kong tukso ni Ryn. Nirolyo ko ulit ang aking mga mata sa langit at sumunod na kay Alfred. 'Sigh if only, he's not dating around...'

avataravatar
Next chapter