4 Chapter 3

Faith's POV

Tiniss ko ang lahat ng pambubugbog, sipa, sabunot at kung anu-anong klase pa ng pananakit na ginawa sa akin ni Uncle pagdating ko sa bahay.

Labis ang galit niya sa akin kung kaya't pati ang dapat sana'y pagkain ko kinagabihan ay naudlot rin.Tinapon nya sa basurahan ang dapat sanang tira-tirang pagkain na kakainin ko sa araw na iyon.

Kaya kahit na kumakalam na ang sikmura ko ay tiniis ko na lang at hinayaang lumipas ang gabing iyon para maibsan saglit ang paghihirap ko.

Kinabukasan ay maaga akong inasikaso ang kanyang almusal at maaga ring umalis para makaiwas sa pananakit nya.

Nag-babakasakali rin na sa araw na ito ay pagbigyan naman ako ng tadhana at bigyan nya ko ng trabaho. Ngunit papalubog pa na ang araw pero wala pa rin akong trabaho na nahahanap.

Kung meron man ay hindi naman nila ko tatangapin at bibigyan ako ng mapanghusgang tingin. Papaano'y makita pa lang nila ang aking mukha ay agad na nila kong ipagtatabuyan at pandidirihan.

Naubos na ang natitira kong pera para sa araw na ito na dapat sana'y gagamitin kong pamasahe para makauwi sa impyernong bahay na iyon. Tsk tsk tsk.

Si Lord talaga favorite ako.

Favorite akong pahirapan. Ilang minuto pa lang ang nagdaraan ay dumilim na ang kalangitan at tila nagbabadya na ang pag-ulan.

"Hoy langit , Lord please naman oh easy-han mo naman. Chill. Wag naman sabay-sabay oh hindi pa nga humihilom yun sakit sa puso ko dadagdagan mo na naman"

pagbibirong wika ko habang nakatingin sa kalangitan. Pero gaya nga ng sabi ko, si Lord talagang favorite ako.

Walang anu-ano'y bumuhos na ang malakas na ulan.

Santisima Trinidad.

Hay jusko.

Nang magbuhos yata ng kamalasan si satanas ay present na present ang nanay ko at siguro'y wala syang dalang payong kaya naman sinalo nya lahat ng kamalasang iyon.

Wala akong dalang payong kaya't napilitan pa rin akong maglakad sa gitna ng ulan na tila ba basang sisiw, nanginginig at nanlalamig.

Habang binabaybay ang daan ay may isang mamahaling kotseng huminto sa aking gilid.

"Iha san ang punta mo? Halika sakay na hatid ka na namin malakas ang ulan oh basang basa ka na." wika ng mestisahing babae sa driver seat.

"Aba himala Lord for the first time dininig mo ang aking ma dasal" manghang manghang wika ko sa aking isip.

" Iha halika na!."  malakas na sambit pa ng ng babae.

"Ah eh ....." may pagdadalawang isip na sambit ko.Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang alok nya.

Baka kasi mamaya ay myembro pala sya ng isang pederasyon. O kaya naman ay baka ibenta nya ang organ ko. O kaya naman dalhin nya ko sa amo nila at paulit-ulit akong gagahasain pagkatapos ay papatayin.

"TSK! What the fuck flat! sasakay ka ba o sasakay ka!?" Nagising ako sa pagde-dayream ng bigla na lang sumigaw ang napakagwapo este napakabastos at walang modong lalaki na kasama ng nag-aalok sa akin ng tulong.

"Hey shit!Fuck!Ano na? Sasakay o sasakay!?"

malakas na sigaw nya. Tsk. Ang gwapo gwapo pero ang bunganga ang pangit pangit walang preno. Napakalutong mag-mura.

"Tara na iha sakay na." muli ay sambit sa akin mestisahing babae.

Napilitan akong sumakay sa magarang sasakyan. Oo tama. Napilitan.

Napilitan kasi hindi ko nga alam kung anong totoong pakay nila sa akin. Hindi ko alam kung pagmamagandang loob nga ba ito o kung may masama ba silang balak sa akin.

"Hey panget!" bato sa akin ng twalya ng gwapong ... tsk! ng antipatikong lalaking bastos na walang modong ito.

"Punasan mo yang sarili mo basang basa ka bakat na bakat yang dibdib wait...dibdib ba yan o turon?!."

walang patid na salita nya sakin habang nakaturo sa aking dibdib.

May pilyong ngiti rin sa kanyang mga labi habang nakatingin sakin.

"Punyeta!Hayop!Bastos!" pagpapaulan ko ng mura sa lalaking ito.

"Ashton wag kang bastos babae yan."

sambit muli ng babaeng nag-alok sa aking pasakayin ako sa sasakyan.

"Babae ba sorry akala ko kasi naglalakad na turon. So flat."

Wika na naman ng lalaking nag-ngangalang Ashton pagkatapos ay sinuot sa kanyang tainga ang headphone at saka pumikit na lamang.

"Iha ako nga pala si Allona, tawagin mo na lang akong tita Alli. Ikaw ano pangalan mo? At saka bakit naglalakad ka sa gitna ng daan eh umuulan pa tingnan mo basang basa ka na. San ba punta mo? Baka magkasakit ka niyan." dire-diretsong wika sa akin ni ...Tita Alli.

"Faith po. Faith Ventura. Inabot na po kasi ako ng hapon sa paghahanap ng trabaho kaso bigo po ako at walang nakita pati po pamasahe ko na pang-uwi ko sana samin ay nagastos ko na rin wala na po kasi akong pera kaya napilitan na lang po akong maglakad." nahihiyang sambit ko pa sa kanya. Naawang tiningnan naman ako ni Tita Alli.

"Eh ganun ba?O sya wala ka kamong mahanap na trabaho diba? Gusto mong pumasok bilang kasambahay? Umalis kasi yun kasambahay namin at walang katulong si Manang duon. Wag kang mag-alala libre ang pagkain at uwian naman. Yun eh kung okay lang sayo yung ganuong trabaho kung gusto mo lang naman makakapasok ka pa din naman sa eskwela kung sakaling matapos na ang bakasyon." wika nya. Labis akong nasiyahan sa isiping iyon.

"Talaga po!? Naku! Maraming maraming salamat po hulog po kayo ng langit. Masipag po ako. Promise po. Kahit anong trabaho po ibigay nya pagbubutihan ko po." Tuwang tuwang sagot ko sa kanya.

"Kung ganun iha ay eto ang number ko. Kontakin mo na lang ako ha kung talagang desidido ka na. Dyan lang ang bahay ko sa kabilang subdivision."

muli ay sambit nya.

"Naku tamang tama po pala at hindi na ko mamoroblema pa sa pamasahe dyan lang din po ang bahay ko malapit sa kantong iyon."

turo ko sa kanto kung saan naroroon ang aming bahay. Pagkatapos kong makuha ang number nya ay hinatid na nga nila ako sa nasabing kanto bago bumaba ng sasakyan muli ay nagpasalamat ako kay tita Alli sa trabahong inalok nya sa akin.

Hahakbang na sana ako paalis ng bigla ay sumigaw na naman ang walang modong antipatikong bastos na nagngangalang Ashton  na iyon.

"See you again flatty. Welcome to hell." mariing sambit nya at tumingin sa akin ng may halong pang-aasar bago sila tuluyang umalis.

"Bastos talaga.Walang respeto bwisit" naiinis na wika ko pa.

avataravatar