Dive into the world of kagaguhan with the Epikong Tindero
Welcome sa bayan ng Nasugbu, tahanan ng mga gwapo. Dito nakatira si Edgar Marco, or "Gardo" for short, ang chinitong tindero. Macho! Matangkad! Maputi! Wow Yummy! Paninda nya'y tikoy. Anupa't kung maglako'y ganto: "Uncle! Auntie! Tikoy masarap!" Di ba heavy?!
Araw araw nilalakad nya ang buong bayan... nang nakabike ha! Lahat lumilingon pag sya na ang naglalako sa kalsada, lalo na ang mga beki't matronang mahaharot.
"Patikim naman ng tiiiiiiiikoy mo Gardo!"
"Sige ba!"
"Game ka?! Lapit ka dito, bilis!"
Habang papalapit sinasambit nya, "Malapit nako!"
"Lapit pa! Bilisan mo pa!
"Pinasok ni Gardo ang kamay nya....sa basket! Kumuha ng tikoy na malambot.
"O eto isubo mo na!" ani ni Gardo
Subo nga naman ng gaga! "hmmm... hmm... Ang sarap talaga ng tiiiikoy mo Gardo!"
"Marami pa nyan sa bahay, gusto mo?"
"Sawa na kame dyan sa sigaw mo, gardo!" sabe nung isang matrona
Napaisip sya, me mali ba sa pagtitinda ko? Me utak naman sya, pero konti na nga lang, mahina pa, kaya di nya mahypothesize ang nais ipahiwatig ng kanyang mga loyal customer. O, teka?! Akala ko ba mahina sya? E bakit alam nya ang katagang hypothesize????nakakaloko ha!
"Ano bang mali sa sigaw ko?" tanong nya.
"Wala namang mali sa sigaw mo, gardo. Sawa na nga lang kami sa tinda mo."
"Bakit??? Ano na ba ang gusto nyong itinda ko?"
Nagtinginan ang madla at sabay sabay isinigaw, "TURONG MAHABA, BANANA CUEng MATIGAS!" sabay halakhak!
"Me nakain ba nun???" ang slow talaga ng ating bida diba?
"Meron, kame!. Mahilig kame...." di na naituloy ng matrona ang sinasabi. Dumating kasi si Maki, ang bespren slash look-out slash sidekick ni Gardo.
"Dude, parating na si Chimay!"
"Ha???nasan??" with matching paglinga linga pa. Ang totoo, me lihim na sikreto syang pagtingin kay Chenelyn Alipongpong a.k.a. "Chimay". Childhood crush nya to, mula pa ng pagkabata! Kagaya nya din to: naglalako ng kakanin. Kung kanya e tikoy, ang kay mira e nilupak. Teka, sino si Mira???
"ahmmm....ahmmmm.. Hi Chimay!"
"Hi Gardo!Hi Maki! Kamusta ang benta?"
"Ok lang. Ikaw?"
"Eto wala nang paninda. Ang lakas ko kasi makabenta e!"
"E pano ka ba naman di makakabenta sa suot mong yan..."ani maki na siniko ni Gardo
Wala naman kasing problema sa suot ni mira. Nakaswimsuit lang naman sya at super short short kaya kitang kita ang makinis at maputi nyang balat. Wala talagang problema! As in!
"Ano kamo yun Maki?"
"Wala syang sinasabi Chimay" sabe ni Gardo.
"Ahhh. Natanga lang siguro ako kaya akala ko me sinabi sya"
"Siguro nga!" sambit ni Maki habang hinihilot ang abs na siniko ni Gardo. Teka? Namention ko ba na payatot si Maki?!
"ahhhhmmm....aa...eee," ani Gardo
"Me sasabihin ka ba, Gardo?" tanong ni Chimay
"Pa...pa.....pasa...." sabi ni Gardo.
"Dude, Gardo to Earth? Natanga ka na ba?"ani Maki
"Ahmm, Chimay, itatanong ko lang sana kung me gagawen ka mamaya?" wika ni Gardo
"Oo.maggagawa ng nilupak sa bahay, baket?" kelangan po ba talagang sabihin lagi-lagi kung sinong nagsasalita?
"Ahmmm....Pwede ba akonggggggggg...."nagkape siguro ang ating bida, ninenerbyos e.
"Itatanong sana ni bespren kung pwedeng umakyat ng lig....uhhhh!" din a naituloy ni maki ang sasabihin. Ikaw na ang sikuhin sa abs e buto't balat ka na nga...napaisip nga ako e: pano sya nagka-abs sa lagay na yan?
"Ano kamo, Maki?" tanong ni Chimay na bingi pa nga ata.
"Ahmm...itatanong ko lang sana kung pwede ako .....tumulong sa paggagawa ng nilupak mo mamaya?"
"Ha???Di ba maggagawa ka pa ng tikoy mo?" tanong ni Maki, na di nag-intay na masiko pa ulit kaya lumayo na agad.
"Uuuuummmmm....Siguro pwede, kung ayos lang talaga sayo na tulungan ako...."ani Chimay
"Oo naman!very certainly!" Naks!!!!! Umeengleeeesh ang loko ah! Iba talaga pag umiirog! Umiirogggggg!
"so kita na lang sa bahay namen mamaya??"
"Sige sige..."At nagbabye na ang lovebirds. Oo! Lovebirds agad-agad!
"Akala ko ba madami kang gagawen mamaya kaya ayaw mo sumama sa pagdodota?" pabulong na sinabi ni Maki nang makalayo na sila ke Chimay.
"Oo nga.Pero syempre, pag lovelife ko na pinag-uusapan, di nasusunod ang sched ko."
"Teka?Me lovelife ka ba? Wangak!"sabay batok ke gardo
"Arrrray!kanina ka pa! Ngayon wala pa, pero pag napasagot ko na si Chimay, meron na!"
"Ahhhh...E paktay ka naman bukas nyan...Wala kang ititinda kung tutulungan mo maggawa ng paninda nya si Chimay."
"Kaya nga anjan ka BES diba?"
"Ha?"
"Ikaw gagawa ng paninda ko habang tumutulong ako ke Chimay"
"Pero magdodota pa'ko!"
"Sabe ko na e.alam kong maaasahan kita BES! Punta ka na lang samen mamaya.ihahanda ko nang lahat ng sangkap para pag dating mo, magluluto ka na lang!" ani Gardo na me paghalik pa sa pisngi ni Maki sabay karipas ng takbo!
"Gago!" hinabol ni Maki, mukhang gusto pa ng isa a,,,,,bromance????
Naghabulan nag dalawang mokong sa pilapilan...ng maynila! Pero dahil me sa isang malaking 'pagong' si Maki, di na nya nahabol si Gardo!
Sa kakatakbo nya, napadpad sya sa Recto kung san napatigil sya sa pagtakbo dahil nakita nya si 'Kantong Temio', isang pulis patola na matagal nang galit sa kanya. Kung ano man ang pinagmulan ng galit nya sa binata, kahit akong tagasalaysay e hindi din alam.
"Nakita din kita, Gardo!!!!"sigaw ng pulisna ngising ngisi
"Hindi ako natatakot sayo, Kantong Temio!"akmang poposisyon na parang si Jackie Chan
Napakunot ang noo ng huli, "Bakit?Tinatakot ba kita?"
"Ah bakit? Di mo ba 'ko huhulihin?" tanong nung kausap, malamang.
O.o "Hmmmm..Ang totoo kakamustahin lang sana kita, pero dahil gusto mo pala e hulihin kita, e di sige"
Ang mga sumunod na pangyayari ay mala-pelikula ng Matrix. Biglang tumakbo ang pulis papunta sa ating bida, tumalon at akmang ipaflying kick si Gardo sa face, na sinalubong naman ni Gardo na nagslide sa ilalim nya nang nakaluhod, with matching pagpapaikot pa ng kamay na parang maaout of balance.
"Kantong Temio, ilang buwan ka na bang di naliligo? Ang pangheeeeeeeeeeeeeee mo na!"
Napaamoy naman sa sarili ung isa, ang baho nga naman. "Hehe mga isang lingo na!"nang pagkaamoy nya sa kilikili e biglang sinampal ni Gardo gamit ang kinulong na utot nya sa kamay. Sa sobrang baho nawalan ng malay ang pulis.
"Yan ang napapala ng mababaho! Ha…ha…ha…ha! Na parang kontrabida ang asta, nakapameywang pa kasi e. napatingin sya sa gold wristwatch nya (wala din akong alam kung san nya yun kinuha ha!)
"Naku malelate na ako sa tagpuan namen sa tagpuan namen ni Laura!" sino si Laura?????
Karipas ng takbo si Gardo, malaJuan dela Cruz lang ang peg! Me pagtalon-talon pa sa ibabaw ng jeepney!
Inabot ng sandaang taon bago sya nakarating sa kalye nina Chimay.
"hi gardo! Tuloy ka samen!" tawag ng dalaga na binuksan ang gate ng isang malaking masyon.
Nagulat si Gardo sa laki ng bahay ng iniirog. Nang makapasok na sa gate, di na napigilang magtanong, "Mayaman pala kayo Chimay e. Bakit nagtitinda ka pa ng nilupak?"
"Hindi amen to." Sabi ni chimay "Shortcut lang to papunta samen. Ayun ang samen" sabay turo sa unahan.
"Alin? Yung doghouse?"
"Hindi. Yung nasa likod ng doghouse"
Konti lang ang inilaki ng bahay nila Chimay sa doghouse, sigurobanyo lang 'yon sa mansyong dinaanan nila. Yari sa kahoy. Parang salaan lang ang bubong nila sa dami ng butas. Inilabas ni Chimay ang lupakan, yung pinaglulupakan nya ng tindang kakanin. Pinatugtog nya ang "gimme gimme" sa iphone nya at nagsimulang sumayaw ng sensual slash interpretative dance habang nagbabayo, sinasabayan ang bawat beat.
"Ammmm….alam mo Chimmmay…"ani nerbyosong Gardo
"Ano yyyyyonnn?" pasigaw na tanong ni Chimay
Pinatay ni Gardo ang babae…joke lang! Yung iphone lang ang pinatay nya. Tumigil naman si Chimay sa pagbayo, handang makinig sa sasabihin ng binate.
"Hooooohhhhh!" buntong hininga ni Gardo…"alam mo kasi Chimay, crush kita!"
"ahmmmm….crush din kita, Gardo"
Talaga?"
"Oo. Pero…konti lang"
Abot tenga ang ngiti ng dalawa. Naglapit ang kanilang mga mukha….
...palapit nang palapit...
...malapit na....
....
...
...
....
...
..
Kow…pandalas nang scroll e! talaga namang pag SPG na ang takbo ng istorya e biglang nagiging atat sa pagbabasa….tsk…tsk…tsk!
to be continued...abangan!
#EpikongTindero
*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @iamjeromeangelo