webnovel

Chapter 1 : Law and Marriage

"WHAT THE fvck?" Bulalas ko kaagad nang makita ko ang pagmu-mukha ng lalaking kagabi ay di ko pinansin. Naka-sandal siya sa kanyang kotse at base sa bed hair niya, mukhang hindi siya umuwi at dito na sa labas ng bahay ko nag-stay.

"Anong ginagawa mo at nandito ka pa?" Mataray kong tanong sa kanya bago ko siya nilapitan. And to be honest, kahit ilang taon kaming hindi nag-kita ng taong ito, I could say he still looks the same. He still has that bad boy look with his hair and that piercings on his ears like then.

"Bitch, I told you I need to talk to you." Sa wakas ay nag-angat siya ng tingin sa akin. At katulad lang dati, hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. He even looked so disappointed and annoyed at the sight of me. Tahimik nalang tuloy akong napa-mura.

"Bitch? Asshole. Wala tayong kailangang pag-usapan. Kaya pwede?" I scoffed and started to walk away. Pero bago pa man ako tuluyang makalayo ay mabilis niya akong hinatak sa braso ko. Forcing me to face him.

"Don't think I'm pestering you here, Rei. We both know na may kailangan tayong pag-usapan. Hindi 'to basta-basta." Tinaasan ko siya ng kilay.

Anong pinagsasabi ng lalaking 'to?

"What? The troubles you caused me back then? Sure. I'll make time for your apology." Bumakat kaagad ang inis sa mukha niya. To that, napa-irap nalang ako dala ng asar. Kung meron pang ibang paraan para masira ang araw ko besides this, I'll gladly accept that.

Ang maka-salubong si Lawrence Ville ang pinaka-iiwasan kong mangyari sa buong buhay ko. I don't need jerks like him in my life. The embarrassment he did to me back then. All the stupid things.

Napa-buga ako ng hininga, trying to keep my calm composure dahil kapag may isang insulto pa ang lumabas sa bibig niya, baka di ko na mapigilan ang nangangati kong palad at paliparin 'yon sa pisngi niyang makinis.

Tsk. Bweset.

Tinitigan ko ang relo ko. Hindi pa ako late sa trabaho pero gusto ko nang lumayas sa harapan niya. Looking at this jerk's face makes me want to murder someone already.

"Wala ka nang sasabihin? Pwede na ba akong pumunta?" I said as I tried my best to not grind my teeth together out of anger.

Wala akong nakuhang sagot. Kaya naman tinalikuran ko na lamang siya at nag-simulang mag-lakad papalayo. And he said only two words to make me stop walking away from him.

"I'm sorry." Pumihit ako paharap sakanya. "I'm sorry...for the things I did before. I was young and I was...I lost sight of the right things. I was very, very, very lost ad I'm sorry I took it out on you. Hindi lang ako...hindi ko kasi kayang tanggapin ang sarili ko, let alone someone having a crush on me." Mabilis akong napa-maang sa huli niyang sinabi. Gusto ko sanang mag-reakt sa fact na nagso-sorry siya sa akin ngayon, but I guess I'm too fumed up to even overlook between his lines.

Dahil lang sa nalaman niyang crush ko siya, pahihirapan niya ako? Dahil lang don? Hindi niya ba alam kung gano kababaw ang pagka-crush ko sa kanya na 'yon?

Napa-hugot ako ng malalim na hininga at diniretso siya ng tingin. "Why does it even matter? Matagal na 'yon. Hindi ko alam kung bakit kita naging crush noon when you're just a senseless jerk." Mapait kong sabi sa kanya. And I smiled, I mockingly smiled at him. "Don't worry. Rest assured na hindi kita magugustuhan. Kawawa ang babae sayo." Dagdag ko pa. And I don't care if it hurts his feelings. Physically hurting someone is just as bad. Hindi niya alam kung anong kinuha niya sa akin.

Ngumiti siya. At hindi ko gets kung bakit kailangan ko pang makita ang guilt sa mata niya. Ang pagsisisi. Even though his face is straight, I could see that.

"Yeah. I really was a jerk. I'm sorry. Gets ko kung bakit ganyan ang reaksyon mo." Mabilis nalukot ang mukha ko. At sa isang iglap, mabilis na lumipad ang palad ko sa mukha niya.

"Really? Naiintindihan mo? Do you even have the slightest idea of what you have done? Alam mo ba?!" Hindi siya sumagot. Isang sampal na naman ang ibinigay ko sa kanya. "This is stupid! Wala kang karapatang ma-guilty sa mga ginawa mo! At ano? You were lost and you took it out on me? You did all that just to say sorry. Sa tingin mo agad-agad lang kitang patatawarin?! Mas magiging masaya pako kung pinangatawanan mo ang pagiging gago mo! You deserve to be in hell. You deserve to be treated a jerk." Diniretso ko ang tayo ko. At nang punasan ko ang mukha ko dala ng frustration, doon ko lang na-realize na tumutulo na pala ang luha ko.

You took away my dream, Law. You took it away from me.

"Tumatak sana sa utak mo 'yan. If you ever have a conscience, sure, I don't care, malunod ka sana sa mga pinaggagagawa mo." 'Yon lang at dire-diretso na akong umalis sa harapan niya. And just like the first time I was diagnosed of my injury, I was breaking.

Pangarap kong maging athlete. And later on just be a coach or a fitness coach. Pero simula nang malaglag ako sa hagdan dahil sa kanya, I was never able to run. Kahit na mag-laro ng simple games like badminton and volleyball, hindi ko magawa. Parehas na napuruhan ang mga braso at binti ko. I wasn't able to walk for at least 2 years after that incident. I transfered into a different school. At akala ko matatauhan siya. But no, he didn't even care. He didn't even bat an eye when he saw me rolling down the stairs.

I hate him. I fucking hate him.

"ANO KAMO?!" Natataranta kong hinampas sa braso si Jin para pigilan siyang magpaka-hysterical sa loob ng library. I was the librarian and Jin was a teacher to Junior highschool students. Since wala na rin naman kasi akong kinapuntahan sa pangarap kong maging athlete, I chose to be a plain old librarian. That meant changing my course and my strand in the middle of everything. Imbes na mag-aral ako about athletes, hindi ko na magagawa. Physical training palang, bagsak nako.

"He's here? Yung crush mo nung junior high?" Mabilis na lumawak ang ngiti niya. Parang natutuwa. "Hinintay ka sa labas ng bahay mo? Oh my, ano naman sinabi mo? Niyakap mo? Hinalikan mo?" Isang malakas na batok ang binigay ko sa kanya.

"Gaga. Parang di mo nasaksihan ang mga nangyari noon, ah? Tas matutuwa ka pa sa reunion namin?" Sita ko kaagad sa kanya. Pero nag-peace sign lang siya saka ako binigyan ng biting ngiti.

"Sorry. But we both know it's just an accident of his careless actions. Bakit siya ang sinisisi mo?" Natigilan ako. It was true. I knew it was an accident pero siya ang sinisisi ko. I'm just so angry for that and I want to blame it all into someone. Who wouldn't be a better suit for that role besides him?

"He deserved it." Maikli ko lang na sagot sa kanya bago humarap sa computer para mag-simulang mag-type. Pero hindi ko kaagad naipatong ang kamay ko sa keyboard dahil napa-titig na lamang ako sa screen.

I might have lost my dream and the ability to dream more. Pero happy ako na nakakapag-sulat parin ako. Out of the blue when I couldn't walk, I suddenly had the inspiration to write stories. And then out of the blue, it was making me happy and warm inside. Ayokong aminin, but I guess I owe it to him kahit na ganon ang ginawa niya sa akin.

"You know he doesn't." Hindi ako umimik. Mukhang na-gets naman niyang ayaw kong pag-usapan ang tungkol doon kaya iniba nalang niya ang tanong. And she also picked one of the least I wanted to talk about. I didn't think she could pick anything else than that.

"So...hanggang ngayon ba wala ka pa ring natatanggap na sulat?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong sulat?" Binigyan niya ako ng kakaibang tingin. Alam niyang alam ko ang tinutukoy niya, ayoko lang makisakay. Kaya naman napa-buntong hininga nalang ako.

"I did." Iniiwas ko ang tingin ko. "But I threw it away." Mabilis na namilog ang mata niya.

"Bakit mo ginawa 'yon? Nababaliw ka na ba? That's government property tapos tinapon mo lang?" Hindi ako nag-reakt. "Tinapon mo talaga? As in yung red envelope talaga? Yung red?" Binigyan ko siya ng blankong tingin.

"Yes, I did. Got a problem with that?" Hindi na siya nakapag-salita pa. Kaya naman hinarap ko nalang ulit ang computer ko at naghanap nalang ng k-drama na pwede kong panuorin at makapagpa-inspire sa akin.

"You really hate marriage that much?" Sumulyap ako sa kanya at ngumisi.

"Not until I know how love feels."

Next chapter