webnovel

Enchanted in Hell (Tagalog)

Pipiliin niya bang ikulong ang sarili sa lugar kung saan naniniwala siyang may kaligayang naghihintay sa kaniya? Paano kung ang kaligayahang hinahanap niya ay mula sa taong mas masahol pa sa isang demonyo?

Teacher_Anny · Urban
Not enough ratings
54 Chs

Accident

Nasa hotel sa Manila si Armando upang maayos ang gulo roon. Sinimulan na niyang kausapin ang mga employee nila upang ipaliwanag ang lahat ng nangyari. Nagpatawag siya ng meeting sa mga ito. Matagal na sana niyang ginawa ang bagay na iyon kung saan ay pinakilala niya si Theo sa lahat upang hindi nabibigla ang mga tauhan. Maraming empleyadong umalis sa hotel pero hindi na rin niya iyon binigyan ng pansin. Matira ang matibay. Hahayaan niyang umalis ang iba tutal hindi lang naman siya ang mawawalan, pati na rin ang mga umalis.

'Let the person leave.' Iyon ang natutunan niya sa tagal na niya sa negosyo. Kung ayaw nilang magpasakop sa pamumuno mo o ayaw na nilang magtrabaho pa sa hotel, hindi niya pipigilan ang mga ito na umalis dahil hindi rin naman niya kontrolado ang isip ng lahat.

"I call you here to apologize for what happened. Bilang dad ni Theo, nandito rin ako para humingi ng tawad sa posisyon niya kung mayroon man siyang nagawang hindi maganda sa inyo. By the way, I want to thank those who stay in this hotel. Ganoon talaga, darating talaga tayo sa point na may mawawala pero may darating."

Inayos ni Armando ang pagkakaupo at tiningnan isa-isa ang mga tauhan ng hotel.

"Isa lang naman ang rules ko rito. Ang magpasakop. Kung hindi ninyo kayang magpasakop sa rules na iyon o kung ayaw ninyong sumunod sa akin at sa mga taong na-assigned ko para mamahala sa hotel, bukas palagi ang pintuan para sa inyo. Malaya kayong umalis. I reviewed all of your performance simula nang lumipat ako sa Baguio at iwan ko kay Cliff ang hotel, I was totally disappointed dahil unti-unti ring bumabagsak ang hotel. Yes, may pagkukulang ang namamahala kung bakit nangyari iyon, pero, may pagkukulang din ang mga tauhang hindi ginagawa nang maayos ang kanilang responsibilidad." Tinuro ni Armando ang pinto sa silid kung nasaan sila.

"Kung sino man sa inyo ang against sa patakaran ko, ngayon na ninyo umpisahang umalis. Tinanggap namin kayo noong panahon na kailangan ninyo ng trabaho pero hindi namin kayo pipigilang umalis. Desisyon ninyo 'yan. Ngayon, umpisahan n'yo na."

Nagsiyukuan ang mga kasama ni Armando sa loob. Walang ni isa sa kanila ang nagtangka na lumabas maging ang salubungin ang naniningkit at nanunukat na tingin ni Armando. Kilala kasi ng ilan ang ugali ni Armando. Masyado itong istrikto pagdating sa trabaho kaya walang nakakapalag dito. Maraming natatakot dahil kung ano ang edad ni Armando, ganoon na rin katagal ang experiences nito sa pamamahala ng hotel.

"Walang aalis sa inyo, ibig-sabihin ay aasahan ko rin kayong lahat na tutulong kayo para makaahon ang hotel. You need a job, I also need you all. Let us all separate our personal life in business. Kung mayroon kayong personal na galit sa mga katrabaho ninyo o sa amin, take it aside dahil mas priority natin ang bawat duty natin. I also know na hindi naging maganda ang image ng anak ko. I will take this moment to stand in behalf of my son. Totoo na nagkaroon siya ng condition dahil sa nangyari sa kanya noong bata pa siya. But he is intelligent enough to handle all of you. May tiwala ako sa kanya hindi dahil anak ko siya, may tiwala ako sa kanya dahil subok ko na ang potential niya."

Inalis ni Armando ang bara sa kanyang lalamunan bago nagpatuloy sa pagsasalita. "To tell you honestly, I'm proud to my son because even though he has fear in socializing with other people, he still did his best to be a better leader to all of you. Kahit na iyon ang unang time na lumabas siya ng mansion. Isa pa, kahit nagkulong siya sa mansion nang maraming panahon, may napatunayan na siya sa akin at sa amin. Mayroon siyang online business na pinapatakbo. Nagawa niyang i-manage 'yon nang nasa mansion lang. Bakit ko 'to sinasabi sa inyo? Gusto ko lang ipaalam na kung hindi rin ninyo kayang tanggapin at irespeto ang anak ko, malaya rin kayong umalis. Bakit? Kasi siya na ang opisyal na mamamahala sa hotel na ito. He will be your boss sa ayaw at sa gusto ninyo."

Nagbulong-bulongan ang mga nasa loob pero nahinto iyon nang magsalita na naman si Armando. "At isa pa, ano man ang nakita ninyo sa social media, it is just a misinterpretation kaya wala dapat ipag-alala. Sabagay, bakit naman kayo mag-aalala hindi ba't sinabi ko na sa inyo na separate ang personal matter sa work? Kung ano man ang nangyayari sa pamilya namin ay sa amin na lang at kung ano man ang nangyayari sa pamilya ninyo, wala rin akong pakialam."

Napatawa ang iba sa mga nasa loob. Ang iba naman ay hindi malaman kung tatawa ba o hindi dahil hindi rin sila sigurado kung nagpapatawa ba si Armando o seryoso pa rin ito.

"Any objection sa mga pinagsasasabi ko rito?" tanong ni Armando.

"Wala ho, Sir."

"Wala, Sir Armando. Malinaw ho sa amin."

"Noted lahat ng sinabi ninyo, Sir."

"Mabuti naman at nagkakalinawan tayo." Ngumiti si Armando na ikinapanatag naman ng iba kaya napangiti na rin ang ilan.

"Yes, Sir," sabi ng lahat nang sabay-sabay.

"Okay, maaasahan ko ba ang kooperasyon ninyong lahat?"

"Yes, Sir."

Pumalakpak ng dalawang beses si Armando at tumayo na. "That's all for today. You can go back now to your work."

"Okay, Sir."

"Thank you, Sir."

"Thank you very much and I'm really sorry Sir if we disappoint you."

"No problem, just continue your duty properly."

Nagbalik si Armando sa kanyang opisina at habang pinaiikot-ikot ang swivel chair. Kinuha niya muli ang ang dyaryo na matagal nang nakatago sa cabinet ng kanyang mesa. Tiningnan niya muli ang balita tungkol sa isang lalaki na na-hit and run.

Napapikt siya at napahawak ng sintido. Napakarami na niyang kasalanan na tinatago sa iba at maging ang aksidenteng iyon ay kasalanan din niya. Galing siya noon sa bagyo at pauwi na sana sa mansion nang biglang tumawid ang lalaki sa kalsada. Hindi na rin niya namalayan iyon agad dahil noong panahon na iyon ay inatake na naman siya nang biglaang panlalabo ng mga mata marahil nga sa sobrang pagod sa pagma-manage ng hotel. Huli na ang lahat, hindi na niya nagawa pang ihinto ang kotse at tuluyan na nga niyang nabangga ang lalaki. Tumilapon ito sa malayo kung saan nakita niya pa ang duguang ulo at katawan nito na bumagsak sa kalsada.

Wala si Caridad noon kaya nataranta siya. Nagmamadali rin kasi siyang magtungo sa mansion dahil nagwawala na naman si Theo nang panahon na iyon noong ipakilala rito ang bago nitong psychiatrist na si Dr. Steve. Wala kasing pagbabago sa kondisyon ni Theo sa dati nitong psychiatrist na si Dr. Cabrera. Salamat sa kapatid niyang si Eduardo na nagrekomenda kay Dr. Steve at sinabing magaling ito sa larangang iyon. Tama naman ang kapatid dahil nakita naman niya ang pag-improve sa behavior ni Theo. Totoong mahusay na psychiatrist si Dr. Steve.

Pinatakbo ni Armando nang mabilis ang kotse papunta sa mansion. Iyon ang pinagsisisihan niya sa nangyari dahil kinabukasan ay nalaman na lamang niya sa telebisyon at sa dyaryo na patay na ang lalaki. Nagdalawang-isip kasi siya ng panahon na iyon kung tutulungan ang lalaki. Paano kung tinulungan niya at namatay ito? Siguradong makukulong pa rin siya at iyon ang ayaw pa niyang mangyari hangga't hindi pa niya nakikitang nasa mabuting kalagayang ang pamilya. Gusto niya rin sanang makabangon nang tuluyan ang lahat ng branch ng hotel lalo na ang Manila para maging panatag siya na kung iiwan man niya ang pamilya, secure ang pangangailangan ng mga ito. Sa kabilang banda, naisip niya rin na kung dinala niya siguro sa hospital ang lalaki, marahil buhay pa ito.

Nagbalik si Armando sa kasalukuyan saka binalik ang dyaryo sa cabinet at ni-lock iyon. Kung darating man ang oras na magkakabukingan na, malaya niya iyong tatanggapin pero kailangan muna niyang ayusin ang dapat ayusin.